Hindi ko na namalayan na nabuksan na pala ni Kathleen yung pinto. Walang nagtangkang pumasok. Ngunit bumuhos ang ugong ng bulungan sa aking tainga.
"Siya yung transferee diba?"
"Oo, sya nga yun,"
"Di na ko magtataka kung bakit siya nakapasok dito,"
"Grabe. Ang ganda pala ng boses niya,"
"Kaya pala nasa highest sections sya,"
"Diba siya din yung sinasabing pinag-aagawan daw nila Chase at Knight?"
"Oo nga no? Kaya siguro sya pinag-aagawan dahil sa ganda ng boses niya, ang ganda pa niya. Sino ba naman ang hindi ma-iinlove diba?"
"Pero grabe talaga ang boses niya. Kakaiba. Ngayon lang ako nakarinig ng ganyang boses sa tagal ko dito sa H.M."
"Saang angkan ba siya nagmula?"
"Ano bang apelyido niya?"
"La Fuentes ata,"
"Oo nga. Avery La Fuentes,"
"La Fuentes? Ngayon ko lang yan narinig. Baka isa siyang dayo dito sa lugar natin,"
Bumuhos ang chismisan sa tainga ko. Seryoso ba sila? Nagagandahan ba talaga sila sa boses ko? Baka naman mamaya paglabas ko gawin din nila ang ginawa sa akin ng classmates ko dati.
"Oopppsss! Tama na ang rumors mga bes! Padaanin ang magaganda! Dadaan ang maganda! Tabi! Tabi!" Ang taas pala ng energy ni Kathleen. Hila-hila niya ako habang sinasabi niya yan sa mga nadadaanan namin. Napayuko nalang ako habang paalis kami dun. Hanggang sa makalayo kami ay rinig ko pa rin ang bulungan.
"See? I told ya! Sabi na sayo eh! Maganda ang boses mo! Hot topic ka na ngayon ng students for sure."
Hindi ko na nagawa pang umimik. Hindi ko na rin naman kasi alam kung ano ba ang dapat kong sabihin.
"Anyway, icontinue na natin 'tong pagtotour guide ko sayo. San pa ba? Hmm..." Napatigil kami sa paglalakad dahil sa sandali niyang pag-iisip.
"Sa museum!" Museum? Eh? School may museum? School pa ba talaga to?
"Bakit may museum dito? Masyado bang legendary ang school na to para magkaron ng museum?" Mukhang madami nga talaga akong di alam.
"Ayaw mo maniwala? Let me show you, then. I'll give you a free history lesson about the school you entered," pagkasabi niya non ay hinila na niya ako. Bukod sa mataas lagi ang energy niya ay mahilig din siyang manghila. But that's not a problem, anyway. I think she's better than that. I thinks we'll be good friends.
We walked for almost 5 minutes, I think? Ngayon ay nasa harap na kami ng isang two storey building. Actually hindi siya mukhang building. It looks like a house. With red bricks and wooden doors and windows? Hmmm... Is this really a museum?
Pagpasok ko ay inaasahan ko ang maaliwalas at maliwanag na museum. But I was wrong. This museum is so creepy. Walang bumbilya na nagsisilbing ilaw. Tanging mga gasera at kandila lamang na nasa dingding ang nagbibigay liwanag sa buong silid. Walang kahit anong litrato ang nakasabit sa pader. Lahat ay may sariling patungan sa gitna ng nasabing museum. Ang iba pa nga ay nakasabit sa kisame ngunit abot mo pa rin ang mga ito kaya mababasa mo pa rin ang mga detalye.
Napunta ang atensyon ko sa mga litrato. Ang pinaka nakapukaw ng aking paningin ay ang isang malaking larawan ng isang palasyo sa dulo ng silid. Saan ba hango ang palasyong ito? Bakit pakiamdam ko ay nakapunta na ako sa lugar na iyon.
Isang palasyo na napapaligiran ng iba't ibang nota ng musika. Hindi ordinaryo ang mga notang ito. Kasing-laki ng iba ang pinto ng palasyo. Ang iba ay masa ere. Karamihan pa nga ay mukhang naglalaro at may...mukha?
"Ah. Yan ba? W-wala yan. Ipininta kasi yan ng head ng...ng school natin! Tama. Mahilig kasi yun sa sining. Oo. Tapos---tapos naisipan niyang ipinta yan, tama—t-tama," eh?
Bat parang masyadong "Okay!" defensive?
"Ayy oo nga pala. Itotour kita kaya tayo nandito. Let's start with ahm...this," ipinakita niya saki ang isang litrato ng lalaking may katandaan na. Kulay abo ang mga mata niya tulad ng akin. Mahahalata ang katandaan ng kanyang edad sa larawan.
"Atanacio Iñigo Hevenell, siya ang founder ng school na ito," napatitig ako sa sinabi niyang founder ng school na ito. Pamilyar ang kanyang mga mata at hugis ng mukha. Saan ko nga ba ito nakita?
Hindi pa ubos ang mga tanong sa isipan ko nang hinila na niya ako patungo sa parte ng silid kung saan puno ito ng trophies, certificates and different kinds of awards. Mga parangal na kadalasang tungkol sa musika.
"Hindi magiging Harmoniquo Melodues ang pangalan ng paaralang ito kung wala din naman tayong ibubuga pagdating sa pagkanta. Tayo ang pinagmumulan ng mga magagaling sa industriya ng musika. Ang mga kilalang singers ngayon ay kadalasang galing sa paaralang ito. Pero hindi iyon alam ng lahat. Hindi pwedeng malaman ng lahat ang existence ng school na ito. Ang tanging makakaalam lamang nito ay ang mga karapat-dapat."
Woah. Talaga? Pero bakit hindi pwedeng malaman ng lahat ang existence ng school na to? They should be proud of this. This school is one of a kind. Maipagmamalaki ang school na ito for sure. At sisikat pa.
Magtatanong pa sana ako nang nakita kong nakatinging siya sa wrist watch niya. Napatingin din ako sa wrist watch ko. Hala. 11 na pala. Halos lunch time na rin.
"Tara na, Avery. Kailangan ko pa pala kausapin yung isa kong teacher. Next time na lang natin ituloy. Okay lang ba?" Mukha ngang hindi ko rin napansin ang oras.
"Okay lang yun ano ka ba. What you did is a big help, actually. Nadagdagan ang kaalaman ko sa school na ito. Thanks!" Sobra akong natuwa at may nagtiyaga na samahan ako. Ang friendly pa!
Pagkalabas namin ay naghiwalay na kami ng daan. Siya patungong faculty at ako patungong dorm.
Nasa 3rd floor na ako nang mawala ang ngiti ko sa nakikita ko. Eh ano naman ngayon?
Ano naman ngayon kung may kayakap si Chase?
Ano bang pakialam ko?
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?