CHAPTER 5
"Excuse, babalik na ako sa room" sabi ko at umalis na. Pagdating ko sa room ay kinuha ko na ang bag ko. I want to roam aroud this campus. Tutal wala pa namang regular class since first day pa lang. Wala din kaming ginawa kanina before lunch.
Habang naglalakad ay patingin-tingin ako sa paligid. This school is one of a kind. May mga students din na nagdodorm. Meron din namang hindi. First time ko ding makakita ng school na may grocery store. Meron din itong mini mall pero andun na lahat ng kailangan mo.
I walked further. Nakarating ako sa likod ng school. Halos wala na masyadong tao dito. Napatingin ako sa nasa harap ko. Looks like I'll choose between paradise and danger.
Sa harap ko ay ang parte ng school kung saan sa kanan ay isang maaliwalas na garden. Sa kaliwa naman ay garden din. But the difference is it's dark. At lahat ng halaman at puno ay lanta na. Something's wrong. Maliwanag ang paligid pero ang garden na ito ay nababalutan ng dilim.
Hindi ko alam kung bakit mas pinili kong pumasok sa madilim na lugar na iyon kaysa sa maaliwalas na hardin. Puno ng takot at kaba ang aking dibdib. Ngunit sa kabilang banda ay ramdam ko din ang pagkasabik na pumasok dito. Tuloy-tuloy akong pumasok. Tahimik. Iyan ang bumungad sa akin. Ang inaasahan ko ay ang paglapit ng mababangis na hayop. Ngunit wala. Tanging katahimikan lang ang mararamdaman mo.
Tuluyan na nga akong nakapasok sa loob ng madilim na lugar na ito. Lumakad ako nang lumakad. Ngunit puro patay na halaman at puno lamang ang nakikita ko sa paligid. Tumalikod ako at sinubukang tanawin ang pinanggalingan ko ngunit kinain na ito ng dilim. Ang akala kong tahimik ay sa una lang pala. Sa tingin ko ay nasa gitna na ako ng gubat.
Dahil sa pagod ay tumigil na muna ako sa kinaroroonan ko. Kung ikukumpara kanina ay mas madilim na sa parteng ito. At kung hindi mo titignan mabuti ang paligid ay aakalain mo na walang kahit ano sa paligid. Pero ang totoo ay puno ito ng mga lantang halaman.
Malalim na paghinga ang ginagawa ko dahil sa pagod. Pinasadahan ko ng tingin ang paligid. Kinilabutan ako ng may makita akong mga pares ng dilaw na mata na nakatingin sa akin. Tatakbo na sana ako pabalik pero nakapalibot sila sa akin.
Shit! What to do? Tinignan kong mabuti ang mga matang iyon. Wolves. They are wolves for pete's sake and it seems like I'm their prey. Double shit! Could someone help me? Anyone?
Papalapit na sana ang isa sa mga lobo nang may biglang dumating nakapag paatras sa kanilang lahat. Isang lalaking matangkad na mahahalata mo ang awtoridad sa kanyang aura at sa paraan ng kanyang pagtingin. His eyes looks deadly and dangerous but at the same time intimidating. The kind of looks that could make you fall in love. Isang matalm na tingin ang ipinukol niya sa bawat isang lobo. Unti-unting umatras ang mga iyon hanggang sa tuluyan na nga itong umalis.
Nang makaalis ang mga mababangis na hayop ay tinitigan ko siyang mabuti. Suot niya ang uniporme na katulad ng sa mga estudyanteng lalaki sa school namin. May napansin akong hikaw sa kanyang kaliwang tenga. kulay gold ito at kumikinang. G clef ang hikaw na iyon.
'Bad boy' that's what 've thought. I hate guys with piercings. But there's something different with this guy. My mind says he's a bad boy. But i think he's not. It feels like I'm captivated by those intimidating eyes. Patuloy lang ang pagtitig ko sa kanya. What's his name? I'm deadly curious.
"Knight Robins."
Mukhang nabasa niya ang tanong sa isip ko. So Knight Robins, huh. Sounds good.
"You shouldn't go in this part of this school alone. What's your name, by the way?" he asked.
"Avery La Fuentes. And t-thank you for saving me." Did I just stuttered in the front of this gorg guy? Ah. Looks like I'm having a little crush on him─no, Avery. Kakakilala mo lang sa kanya. Saving you doesn't mean that he's already good enough.
"Let's get out of here now. Baka may mabangis na hayop na naman ang dumating," he offered his hand while saying it. I still took his offering hands though I'm hesitating at first. Pagkalabas namin ay gabi na. I need to go home now. I hate going out when it's already dark. I don't think it's safe. Did I mentioned earlier that I'll be living in a dorm here?
"Are you having a dorm here? Or what is your address, then. I'll send you home now. It's already dark. Di ka na dapat nalabas ng ganitong oras," sabi niya habang nakatingin sa mata ko na puno ng pag-aalala. Hindi ko alam pero napatitig na lang ako sa kagwapuhan niya.
"Avery?" bakit ang gwapo?
"Hey," ang gwapo talaga. Kahit hey lang ang sinabi ang lakas pa rin ng dating─shit. Ano daw? I'm spacing out!
"S-sa ano...s-sa...sa dorm. M-may dorm ako, oo," nakakahiya.
Sige Avery! Titig pa!
BINABASA MO ANG
Enchanted Voice
FantasyShe is Avery La Fuentes. The nobody who loves music but she has the MOST UNWANTED VOICE that you will never want to hear again. Is that even possible?