🎲🎲🎲🎲🎲
°°°°°°°°°°°°°°°[Dylan]
Naglalaro kami ni Thea ng snake and ladders. Ewan ko ba dito at ito ang napagtripan nyang laruin.
"Ano ba yan Kuya. Simple na nga ng laro ilang beses ka pang natatalo." sabi pa nya sa akin. Napakunot noo naman ako.
"Eh pambata to eh." sagot ko sa kanya.
"Yun na nga eh. Pambata na nga talo ka pa rin. Tsk." aba't..
"Psp na lang kasi tayo. Mascool pa yun."
"Ano. Yung game mong bayolente? No. Magagalit si mommy. Isusumbong kita."
Bago pa ako makasagot at pumasok na ng bahay si Kae. Nandito na pala to. Pabagsak syang naupo sa sofa. Sa sahig naman kami nakaupo ni Thea.
"Hi ate. So how's the first day?" usisa ni Thea.
"Ok lang. Boring. Kasi hindi pa naman talaga kami naglelesson. Puro introduction lang."
"Ganun talaga no. Malamang first day nyo. Saka freshmen pa lang kayo. Kaya puro inteoduction lang. Baka bukas magstart na rin kayo." sabi ko naman sa kanya.
"May new friends ka na ba ate?"
"Of course naman. Sina Jess at Tanya. Babait nila." napaayos pa sya ng upo. "Anyway, hindi ata kita nakita kuya sa school. Siguro hindi ka pumasok no." dinuro pa ako.
"Hoy wag mo ako pagbintangan ng ganyan ha. Hindi ko talaga binalak na magpakita sayo no. Kaya mo naman eh. Saka I know naman na kayo ni Erick ang magkasama."
"Ay naku. Maarte ka lang kuya no. Eh bakit ba kasi hanggang ngayon iritable ka sa kanya."
"Pangit kaya nya." natatawa kong sabi. Napahagikgik din naman si Thea.
Binato naman ako ni Kae ng cushion ng sofa. Nagtawanan lang kami ni Thea. Habang namumula na sa inis si Kae.
"Dyan na nga kayo! Makapagbihis na nga!" tumayo na sya. Naiinis na sya. Pikunin kasi sya.
"Hoy baba ka kagad ah. Magmovie muna tayo bago magdinner." sabi ko.
"Tsee!" sabay irap sa akin.
"Sige na ate."
"Ok fine." tuluyan ng umakyat si Kae. Nag-apir naman kami ni Thea.
Mabuti naman at nakahanap agad ng kaibigan si Kae. After kasi ng graduation nila ng high school ay naging malulungkutin sya. Umalis kasi ang best friend nyang si Alice. Sa ibang bansa daw mag-aaral.
Kaya lagi si Erick dito sa bahay nun. Para kay Kae. Kaso asar ako dun eh. Ewan ko ba. Mula nung ligawan nya ang kapatis ko ay naiinis na talaga ako sa kanya.
Sina daddy at mommy naman pinayagan pa sya. Nagkatampuhan pa nga kami ni daddy nun eh. Ayaw ko kasi ipaligaw si Kae nun. She's too young kasi.
***********
°°°°°°°°°°°°°°[Cindy]
Nang makapasok ako sa kuwarto ay binaba ko lang ang bag ko sa sahig. Naupo ako sa paanan ng kama ko. At pabagsak na humiga.
What a day. Nakakapagod din pala. But it was okay. I meet new friends. And magkasama kami ni Erick. Bumangon ako at tumungo sa study table ko.
Binuksan ko ang laptop ko at nakita kong may email ako. It was from Alice. Excited akong clinick yun.
From: Alice
Hi beshy. Sorry ha but in a few weeks hindi ako makakamessage sayo. Magmamountain climbing kasi kami. Don't worry pagbalik ko magkukuwento ako sayo. I miss you so much beshy. I'll send you picture pagbalik ko.
I love you beshy. Take care always.After ko nabasa yun ay pinatay ko na ulit ang laptop ko. Patayo na ako ng marinig kong tumunog ang phone ko. Kinuha ko iyon sa loob ng bag ko.
May message. Number lang nag-appear. Sino naman kaya ito. I opened the message.
"Hi. Please save my number."
Talaga? Sino kaya to.
"Hi din. Is this Jess or Tanya?" reply ko naman.
"Nope. Magkasama lang tayo kanina."
"Bhi?"
"Sino yun? Ouch naman. May tinatawag ka ng bhi."
"Bahala ka kung ayaw mong magpakilala. Bye!" binaba ko ang phone sa table at tumayo na ako.
Magsha-shower na nga muna ako. Pumasok na ako sa banyo. After 10 minutes ay lumabas na ako. Nagbihis ako and I took may phone. Hala, gosh. Daming message.
"Kae?"
"Kae?"
"Bakit hindi ka na nagreply dyan? I just want to be your friend lang naman eh."
"This is Ray."
"Please reply."
Kawawa naman sige na nga mareplyan na nga.
"Where did you get my number?"
"I have my own ways." aba't my nalalaman pang ganito ang loko.
"Ok fine. Kung ayaw mong sabihin, bahala ka. Bye!"
Ibababa ko na sana ang phone ko nang magring ito. Hala. Hala. Hala. Stephen is calling me? Sasagutin ko ba? Bakit ba ako natataranta.
Napapitlag ako ng may kumatok sa pinto. Bumukas yun at sumilip ang katulong namin. Sumulyap ako ulit sa tumutunog pa ring phone ko.
"Mam, pinapatawag na po kayo ni Sir Dylan. Naghihintay na po sila sa movie room." anito.
"Ah, pakisabi na lang sa kanya na hindi na ako makakasunod. May gagawin pa ako." hindi na sumagot ang katulong namin at umalis na lang ito.
Napatingin ako ulit sa phone ko. At nang sasagutin ko na ay bigla na lang itong namatay. Whaattt???!!! What a timing! Nakatingin lang ako rito.
Hindi na ulit nagtext o tumawag. Bakit naman daw kaya? Itetext ko ba sya. Or tatawagan? Bakit naman ako mauuna. Baka mamaya sabihin nya interesado ako. Hmp😒 Sino ba sya.
Sumandal ako sa headboard ko. Nakatingin lang sa ceiling. Maya-maya pa ay napapapikit na ako.
Nagising ako nang tumutunog pala ang phone ko. Dali-dali ko iyong tinignan. Si Erick.
"Hello, bhi." bati nito sa akin.
"Hello bhi."
"Natutulog ka na ba? Kumain ka ba bago ka natulog?"
"Nakaidlip ako nang makapagshower ako eh."
"I guess napagod ka siguro the whole day. Sige na, kumain ka na muna ha."
"Ok. How about you?"
"I'm done."
After namin mag-usap ay lumabas na ako ng kuwarto at patungo na sa dining to check kung kakain na. At tama nga ako. Nakaupo na roon sina kuya habang naghahain ang mga katulong.
Itong si kuya kunwari pang nagtatampo sa akin. Kesyo daw hindi ako sumipot sa movie date naming tatlo. Minsan itong si Kuya Dylan hindi mo maintindihan eh.
Minsan super galing mang-asar pero minsan hilig nyang magpalambing at manlambing. Minsan naman mainit ang ulo. Yah, may mood swing yan. Baliw kasi. Hahaha. 😁😁😁
"Kailangan mong bumawi sa akin ha. Bukas itreat mo ako." anito sa akin.
"Really?! Wow ha." ako.
"Yah!"
Tinawanan lang naman kami ni Thea. Nagpatuloy na rin kami sa pagkain. I miss Alice. Minsan kasi dito na yun natutulog eh. Haayyy..
🍛🍛🍚🍚🍚🍚
**************
°°°°°°°°°°°°°°°°°°
thank you sa nagbabasa ng story ko..
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Teen FictionYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...