~Chapter 38~

172 2 0
                                    


[Cindy]

Pababa na ako ng hagdanan nang may marinig akong nagtatawanan sa may living room. Alam ko si kuya at Thea ang mga iyon. Pero parang masmarami sila.

Halos magmadali ako pababa. Nanlaki ang mga mata ko nang makita ang mga kasama nila kuya. Ang buong tropa siyempre.

"Kae!" sigaw sa akin ni Jess na sinalubong pa ako at hinatak ako agad paupo sa tabi ni Ray.

Nagkatinginan naman kami at grabe siya, aga aga, nakuha pa akong kindatan.

"Natatalo na si Ray, tulungan mo kaya siya." sabi sa akin ni Jess habang tawang tawa.

"Dinadaya niyo kasi ako eh. Kayo may mga partner ako mag-isa lang." reklamo ni Ray. Napahagikgik ako para kasi siyang bata.

"Kaya nga andyan na si Kae oh!" sabi naman ni kuya at si Thea ang partner niya.

Well, naglalaro lang naman sila ng scrabble. Pataasan yata sila ng score. Lalo pa akong lumapit kay Ray.

"Paano naman kasi, puro three or four letters lang yang nilalagay mo. Galingan mo naman." tukso pa sa kanya ni King.

Sinenyasan naman siya nito. Lalo pa silang nagtawanan. Napakamot na lang sa ulo si Ray. Kaya naman pala natatalo siya. Grabe eh. Puro kasi papogi ang ginagawa eh.

Napatingin ako sa mukha niya. Well, pogi naman talaga siya eh. Napakaaliwalas ng mukha niya lalo na kapag tumatawa siya. Ang inosente ng mukha niya para siyang anghel na bumagsak sa lupa. Pero siyempre hindi una ang mukha. Naku sayang kapag nasubsob siya.

Pinagtatawanan ko na lang sarili ko sa mga iniisip ko. Nakakaloka, parang kahapon lang iyak ako ng iyak. Hayop na Erick yun. Minahal ko siya ng sobra tapos ganito ang gagawin niya sa akin.

May girlfriend siyang tao tapos sasabihin niyang ikakasal siya sa iba. Aba, gago pala siya. At nagpatulong pa siya sa mommy niya para lang sabihin sa akin. That jerk! Pero masakit talaga.

Mabuti na lang nandun si Ray na handa akong puntahan.

"Kae!!" halos mapatalon ako nang sigawan nila ako. Napatingin ako sa kanilang lahat at talaga naman. Pinagtatawanan pa ako.

"Ano ba!?"

"Kanina pa kasi kita kinakausap. Tinatanong kita kung anong word mabubuo natin dito oh." tinuro pa ni Ray sa mga tiles.

"Paano eh titig na titig siya sa mukha mo. Para ngang asong maglalaway na eh oh." sabat ni kuya.

Dahil doon ay binato ko siya ng unan na nasa likod ko. Nagtawanan naman ang lahat. Uso ba ang tawanan ngayon. Naku ha, nasasaktan ako tapos pinagtatawanan niyo ako. Kung pede lang yan ipagsigawan sa inyo.

"Ano ba kasi nangyayari sayo Kae. Kanina ka pa kaya wala sa sarili." si Tanya.

"Wala. Paano naman kasi ang aga aga nandito kayong lahat. Gulo gulo niyo malamang kagigising ko lang no."

"Naku, tama na nga yan. Laro na lang tayo. Dali, ano na ba ititira natin."

Hinayaan ko na nga lang mga tumatakbo sa isip ko. Nakilaro na lang ako sa kanila. And it was fun. Saya saya lang na kahit may nararamdaman akong mabigat sa dibdib ko ay may mga bagay pa rin na nagpapasaya sa akin kahit paano.

Naiibsan ang mga sakit sa puso ko. Hindi lang sina kuya Dylan at Thea ang nandyan para sa akin. Naisip ko na lang na si Ray ang dahilan kung bakit nandito silang lahat.

After ng lunch ay nagsipunta silang lahat sa movie room para manood ng dvd. Niyaya naman ako ni Jess sa may garden. Naupo kami sa isang upuang kahoy sa silong ng maliit na puno.

"It was Ray's idea na puntahan ka rito. Hindi niya sinabi kung bakit pero ang sabi niya kailangan mo kami. Tell me now Kae, may pinagdadaanan ka ba?"

"Kako na nga ba. Thanks anyway Jess. Tama ka, may pinagdadaanan ako. Masakit ang nangyayaring ito sa akin pero siguro sa ngayon. Hind ko alam pero hindi pa ako handang magsabi. Sobrang sakit baka hindi ko lang kayanin."

Nangingilid na ang mga luha ko. Tinapik tapik ako ng mahina ni Jess sa likod.

"Naiintindihan ko. Basta nandito lang kaming lahat para sayo."

"I know."

"Lalo na si Ray. Kitang kita ko sa mga mata niya nung puntahan niya ako. Malungkot siya. Alam kong nag-aalala siya para sayo. I don't know but I think special ka kay Ray."

Napatingin ako sa kanya. Tinanguan lang niya ako saka siya ngumiti. Gagaan ba ang pakiramdam ko sa sinabing iyon ni Jess. Special ako kay Ray. Pero sa tingin lang iyon ni Jess.

Hindi naman sinabi ni Ray. Pero nagpapasalamat talaga ako sa kanya. Ray is a good man.

Kinagabihan ay tinawagan ako ni Alice. I was crying on her on the phone. Pati siya ay garalgal na rin ang boses.

"Sorry Kae wala ako sa tabi mo. Dapat ako ang nauunag pumupunta sayo ganitong my problema ka."

"It's okay Alice. I understand. Nandito naman sila kuya. Thanks anyway for calling me. Kahit paano napagaan mo pakiramdam ko. Alam ko namang nandyan ka lang para sa akin."

"Ako makakalaban ni Erick sa ginawa niyang ito. I will call him."

"No Alice. Ayaw ko na sana ng gulo. Wala naman akong magagawa eh. Ikakasal na siya."

"Pero alam kong mahal na mahal ka niya. Bakit niya ito hinayaan?" nararamdaman ko ang pagkainis niya.

"No Alice. Kung mahal niya ako bakit nga niya ito pinabayaang mangyari?"

"That asshole. Pero kakausapin ko pa rin siya. Sorry talaga Kae, wala ako sa tabi mo."

"It's okay."

Pinaliwanag sa akin iyon ni Alice. Lagi kasi siyang sinasama ng daddy niya. May inaayos daw kasi silang bussiness ngayon. May bagong bussiness partner kasi ang daddy niya.

Kaya minsan ay tawag nalang ang koneksyon namin. Okay na rin yun kesa nung nasa Japan pa siya. Once o twice lang kami magusap sa isang buwan.

Ganun talaga siguro kapag mga bussinessman ang tatay. Buti na lang hindi pa kami inoobliga nila papa at mama.

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon