~Chapter 18~

183 5 0
                                    

🚗🚗🚗🚗
😊😊😊😊

[Stephen]

Dumating na rin sina Tanya, Jess at Kae. Sina Tanya at Jess ay nauna na dahil dumating na rin ang mga sundo nila. Yung tatlo kong kaibigan ay nagpaalam na rin.

"Let's go?" ani Kae sa akin. Napapitlag naman ako. Sa totoo lang, hindi pa nagsisink in sa akin kung bakit sa akin pinapahatid ni Erick ang girlfriend niya.

Dahil kung ako lang hindi ko ipapasama si Kae kahit kanino. Kahit na kaibigan ko pa. Dahil akin lang siya. Kung.... Yun ay kung akin si Kae. Sana nga akin na lang siya.

Ano ba itong pinagsasabi ko. Nginitian ko lang siya at pinagbuksan siya ng pinto. Sumakay naman siya.

Habang nasa byahe kami ay pareho kaming tahimik. Nakatingin lang ako sa daan pero nakikita ko sa vision ko na minsan ay nagtitipa siya sa kanyang cellphone.

"Ihinto mo!" nagulat sa tili ni Kae. Kaya dali dali ko naman iyon itinabi.

"Bakit?! May problema ba? Anong nangyari?" tanong ko sa kanya.

"Hahaha!!!! Kung nakikita mo lang hitsura mo. Hahaha!!!" si Kae. Sh*t! Ramdam ko ang pag-init ng mukha ko.

Pinagtritripan ba ako nito? Pareho sila ng boyfriend niya. Iba ang trip sa akin. Bubuhayin ko na sana ulit ang makina nang magsakita siya.

"Uy sandali. May nakita kasi akong ice cream shop. Kain muna tayo." nagpuppy eyes pa siya sa akin.

Wag Kae. Wag ganyan. Matutunaw ako niyan. Grabe. Umiwas ako ng tingin sa kanya.

"Uy sorry na. Galit ka ba?"

"Hindi." agad kong sagot sa kanya.

"Tara. Treat kita, kain muna tayo ice cream." hindi na niya ako hinintay magsalita at tinanggal na niya ang seatbelt niya at bumaba ng kotse.

I guess I have no choice. Bumaba na rin ako. Pagkakita niya sa akin ay agad na ngumiti siya ng pagkalaki-laki. Napangiti na rin ako.

Pumasok na kaming dalawa sa loob ng shop. Siya na rin ang nag-order ng ice cream. Pinapanood ko lang siya habang tuwang tuwa.

Nang makabalik na siya ay may bitbit na siyang ice cream. Cookies and cream saka strawberry. Inabot niya sa akin ang cookies and cream. Nakatingin lang ako sa kanya habang sinusubo yung ice cream.

"Oh eto na ang saiyo. Matutunaw na siya oh." aniya sa akin.

Nginisian ko lang siya saka inagaw sa kanya ang strawberry ice cream na hawak niya. Nagulat naman siya sa ginawa ko.

"Hoy! Ito saiyo oh. Akin yan." hampas niya sa balikat ko na naupo pa sa harap ko.

"Eh, ito favourite flavor ko eh. Saiyo na lang yang cookies and cream." saka ko sinubo yung ice cream. Nanlaki naman ang mata niya sa ginawa ko.

"Eh! Nadilaan ko na yan eh." nagkatinginan lang kami. Natutop niya ag bibig niya kaya natawa ako sa kanya.

"Grabe ka sa dinilaan ah." natatawa kong sabi sa kanya.

"Hindi mo naman kasi sinabi na yan pala ang gusto mong flavor eh. Sana dalawa na lang inorder ko." sabi niya sa akin.

"Bakit nagtanong ka ba? Excited ka kasing mag-ice cream eh." nagtawanan na lang kaming dalawa.

Nag-usap pa kami ng ilang minuto nang tumunog ang phone niya. Si Erick ang tumawag sa kanya. Mukhang tinatanong kung nakauwi na siya.

"Tara. Hatid na kita." sabi ko sa kanya nang maibaba niya ang phone niya.

Tumango lang siya at sabay na kaming lumabas ng shop. Pinagbuksan ko siya ng pintuan at sumakay siya.

After 15 minutes ay nakarating na kami sa bahay nila. Ayaw ko man sana ay naaya ako ni Kae na pumasok muna sa bahay nila.

"Hi! Ikaw si Kuya Ray diba!" masayang bati sa akin ng kapatid ni Kae. Ah, si Thea nga pala. Nagpakilala na siya dati sa amin.

"Yap. Buti at naalala mo pa pangalan ko." sagot ko sa kanya.

"Thea, wag mo kukulitin si Ray ha. Ray, magbibihis lang ako sandali ha." si Kae.

Naiwan naman kami ni Thea sa kanilang sala. Pinaupo niya ako sa sofa at nagbukas siya ng tv.

"Alam mo Kuya Ray, ang gwapo mo." sabi ni Thea.

"Talaga?" natatawa kong sabi sa kanya.

"Opo! Crush kaya kita." nakatitig pa siya sa akin. Natatawa na lang ako sa sinasabi ng batang ito.

"Hoy Thea, kinukulit mo ba si Ray? Wag kang magulo dyan. Inaano ka niyan Ray, naku pagpasensiyahan mo na yan ha." sabi ni Kae na papalapit na sa amin.

"Naku, hindi naman niya ako kinukulit. Nagkukuwentuhan lang naman kami."

"Oo nga Ate. Ikaw ate, hindi mo ba crush si Kuya Ray?"

Napatingin pa ko kay Kae na pinandilatan pa si Thea. Natatawa naman ako dahil I saw her blushing.

"Hoy Thea, bakit mo ginugulo sina Ate mo dyan. Umakyat ka na nga doon. Gawa mo na ba assignments mo?" napatingin naman kaming tatlo sa nagsalita galing sa veranda.

"Oo nga Kuya. Paakyatin mo na nga to. Gulo-gulo niya eh."

"Sige na. Umakyat ka na dun. Oh Ray, nandito ka pala." si Dylan.

"Ah oo. Hinatid ko kasi si Kae." sagot ko sa kanya.

"Oh bakit nasaan yung magaling mong boyfriend?" baling ni Dylan sa kapatid.

"May pinuntahan lang." sagot naman ni Kae.

[Cindy]

Nakakainis talaga si Kuya. Mang-aasar na naman siya sa akin. Naupo na siya sa isang upuan at nagde-kuwatro pa.

"Mabuti pala at nandyan si Stephen. May naghatid saiyo."

"Paano. Ayaw mo naman kasi akong isabay pauwi." si Kae.

"Paano ang tagal-tagal mo. Oh, Stephen dito ka na magdinner. Magpapahanda lang ako sa katulong." sabi niya sa akin at nakangiting tumango ako sa kanya.

Nagpunta na siya sa kusina. Inabala naman ni Kae ang sarili sa pagbabasa ng magazine. Ay grabe. Mapapanisan ako ng laway dito ah.

Maya-maya pa ay pababa na si Thea. Naupo siya sa sofa malapit sa akin.

"Dito ka ba magdidinner Kuya Ray?" usisa sa akin ni Thea.

"Ah oo. Inaya ako ng Kuya Dylan mo." ginulo ko pa ang buhok niya.

"Ay wow! Pero Kuya don't touch my hair ha." natawa naman ako sa kanya.

"Thea.." sita ni Kae sa kapatid.

"Why ba? Nakikipagkuwentuhan lang naman ako kay Kuya Ray eh. Sungit mo. Siguro crush mo din si Kuya Ray." nagulat pa ako sa sinabi ni Thea. Parang nahiya pa ako.

"Anong sabi mo??" si Kae na animo'y hahabulin si Thea kaya nagtitili itong umakyat sa hagdan.

Napapailing na lang ako sa dalawa. Ang cute lang nilang tignan. Parang namiss ko tuloy yung baliw kong kapatid. Hahaha.

😜😜😜😜😜

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon