~Chapter 16~

186 4 0
                                    

●●●●●

[Stephen]

Nag-uusap usap lang kaming magkakaibigan nang pumasok na sina Tanya, Jess at Kae. Kumaway sa amin yung tatlo at gumanti naman kami ng kaway.

Nagkatinginan kami ni Kae. We smiled and I winked at her. Inirapan niya ako pero nakangiti naman siya. So, wala na ba talagang awkwardness. Hopefully, ganun na nga talaga.

Lumapit kaming apat sa kanila nang makaupo na sila sa kanilang mga upuan.

"So, anong plano sa weekend?" si King.

"Oo nga, three weeks na nung huling bonding natin ah. Birthday pa ni Xander nun." dagdag naman ni Aris.

"Oo nga no." pagsang-ayon naman ni Tanya.

"So, ano nga?" sabad ko naman.

"Malling na lang." si Jess.

"Boring nun." sagot ni Xander.

"Grabe ka naman. Nood ng sine, kain, arcade, ganun." si Kae.

"Kaso nga kapag weekend maraming tao sa mall. Badtrip ang ganun." si Aris na sumimangot pa.

"Tambay na lang sa park." si King.

"Edi masboring yun!" si Jess.

"Masmaganda nga dun, simple lang. tambay lang tayo."

"Parang mas okay nga yun. Lagi na lang kasing mall, tambay sa bahay. Para maiba naman diba." ako

"Sabagay. Mas okay dun. Tapos kain tayong street food." si Kae.

"Hep! Magpaalam ka muna sa boyfriend mo. Weekend yun, wala ba kayong lakad nun?" mahina pa siyang tinulak ni Jess.

"Wala pa naman siya sinasabi eh. Hindi pa naman niya ako niyayaya."

"Yun naman pala eh. Okay lang yan." agad kong sabi. Napatingin silang lahat sa akin. Ano naman mali sa sinabi ko.

"Hala Stephen, grabe ka. Sulsulan ba si Cindy? Gusto mo lang siya makasama eh. Sus!" pang-aasar na naman sa akin ni Jess.

"Ewan ko sayo Jess. Ako na naman nakita mo."

Nagkatawanan na lang sila. Samantalang nakangiti lang si Kae. Napakamot na lang ako ng ulo kaya tinawanan niya ako. I just want to stare at her kapag tumatawa siya. Saya-saya niyang panoorin. Dahil dun napatawa na lang din ako.

"So, park na lang tayo?" si Xander.

"Oo naman. Masmaganda naman kung tambay lang. Malapit pa sa nature." ako.

"Wow lang talaga. Nature daw. Sus!" si Jess.

"Ayan ka na naman eh, babanat ka na naman eh." natatawang nagpeace sign lang siya sa akin.

Later on.......

Uwian na. Magkakasama kaming lumabas ng room. Naglalakad na kami nang salubungin kami ni Erick. Epal lang eh.

"Hi Erick!" bati nung dalawang babae.

"Hi girls! Sunduin ko na si Kae eh." anito.

"Oo naman siyempre. Sige, mauna na kami sainyo." si Tanya.

Tumalima naman kami pero nakatingin lang ako sa dalawa. Habang naglalakad ay nililingon ko pa. Ewan ko ba bakit ganito magreact ang sarili ko kapag nandyan ang boyfriend ni Kae.

"Uy, tama na yan. Yang leeg mo oh para ng leeg ng giraffe." sita sa akin ni King.

"Tinitignan ko lang naman." sagot ko sa kanya.

"Tama nga ng hinala si Jess. Kursunada mo si Kae no." siniko pa ako ni loko.

"Magsama nga kayo ni Jess. Pareho kayo ng utak. Ewan ko sainyo. Kaibigan natin si Kae kaya normal lang na tignan ko sila. Just to make sure she's gonna be okay." mahabang paliwanag ko.

"Malamang she's okay. Boyfriemd niya kasama niya oh. Pababayaan ba naman siya ng bf niya. Unless kung masokay kang maging boyfriend. Tingin mo." sabi niya sa akin at inakbayan pa ako.

"Ewan ko sayo King. Tara na nga." bago pa kami makalayo ay nilingon ko ulit sila. Sweet-sweetan lang. Hmp!

********
°°°°°°°°°°

[Cindy]

Araw na ng sabado. Nag-aayos na ako nang may kumatok sa pinto ko. Pinapasok ko at katulong namin. Sinabi niya na nasa bab daw si Erick naghihintay.

Oh, bakit siya nandito akala ko ba may pinapaayos sa kanya ang mommy niya. Binaba ko na lang para malaman ko.

"Can I join you today? Gusto ko din makilala mga kaibigan mo." sabi niya sa akin nang makarating ako ng sala.

"Really? Well, maganda yan. Sa park lang naman tayo eh." sagot ko sa kanya.

"Nice."

"Eh bakit nga pala sasama ka ngayon sa akin. I thought you have something to do?" usisa ko sa kanya.

"Tinapos ko na kahapon pa." he smiled.

Pagkasakay namin ng kotse ay pinaandar na iyon ni Erick at tumungo na kami roon. Sabi sa akin ni Tanya ay nasa bench daw sila malapit sa pangalawang fountain.

Hinahanap namin iyon ni Erick. Mabuti na lang at hindi rin naman mahirap hanapin. Pagkakita namin sa kanila ay agad kaming lumapit.

💟💟💟💟💟💟

[Stephen]

Nagkukuwentuhan lang kaming lahat nang dumating na si Kae. At nagkatinginan pa kami nina King at Jess. Nginisian lang nila ako.

Paano ganun ang reaksiyon nila eh kasama ni Kae ang boyfriend niya. Kung bakit naman kasi sinama pa niya yan, tsk.

"Okay lang ba guys kung kasama ako. Gusto ko lang din kasi makasama si Kae eh." sabi pa niya sa akin.

"Oo naman. It's okay, diba Stephen?" si King na siniko pa ako ng gago. Mang-aasar lang to eh.

"A-ah, s-siyempre. Oo naman. S-sige lang." sagot ko namang nauutal pa.

"Wow, thank you guys ha." si Kae. Nginitian lang naman niya ako. Pero nakatingin sa akin si Erick kaya umiwas na lang ako baka mabwesit pa ako eh.

Nagpaalam sandali sina Aris, Jess at King para bumili ng pizza para daw sa meryenda namin. So, naiwan naman kami sa park. Nagkukuwentuhan lang kami at nagkakatawanan.

Pero minsan ay napapatingin ako kay Kae pero agad ding umiiwas dahil nasa tabi lang niya yung boyfriend niya.

"Gaano na pala kayo katagal ni Kae?" tanong ni Xander.

"Well..." nagtinginan pa yung dalawa. "Mag-iisang taon na kami in two months."

"Wow!! Happy anniversary in advance." tuwang tuwang sabi ni Tanya.

"Thanks. Swerte nga ako dito kay Kae eh. Super bait na, sweet pa at mapagmahal." kinurot naman siya ni Kae sa tagiliran. Saka sila nagtawanan.

Grabe, hindi ko masustain ang ganitong situation. Lalo at kinikilig pa itong si Tanya sa kanila. Nakakairita lang.

"Pahangin muna ako." bulong ko kay Xander. Ngumisi siya bago magsalita.

"Bakit, hindi ka na ba makahinga dito. Naninikip ba dibdib mo sa nakikita mo?"

"Sira ka talaga." tumayo nalang ako. Pero napapitlag ako.

"Saan ka pupunta Ray?" napatigil ako nang tanungin ako ni Kae. Grabe biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hala. Bakit naman kaya. Naku sana hindi na lang niya ako tinanong.

"Ah, dyan lang." sagot ko pero hindi ako tumingin sa kanya. Naglakad na lang ako palayo dun. Hindi talaga ako makahinga. Bilis pa tibok ng puso ko na hindi ko naman talaga maintindihan.

Malakas ang epekto sa akin ni Kae. Nakakainis kang dahil hindi ko talaga alam kung anong nangyayari sa akin. Attracted nga ba talaga ako sa kanya? Tsk!

♥♥♥♥♥♥♥♥♥♥
●●●●●●●●●

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon