[Dylan]"Kae, Kae. Please open the door." kinakatok ko na siya sa kuwarto niya. Hindi na siya sumabay sa dinner sa amin. Nagpahatid ako ng pagkain niya pero hindi niya ito kinain.
"Leave me alone!" sigaw niya mula sa loob. Hindi pwede to.
"No Kae. Let me in. Mag-usap tayo!" kinakatok ko pa rin ang pintuan niya.
Hindi niya pa rin ako sinasagot kaya pinakuha na yung susi sa maid. Hindi naman nagtagal ay nabuksan ko na rin.
Nakatalukbong ng kumot si Kae at rinig na rinig ko ang pag-iyak niya. Kung masakit malaman na ikakasal na ang boyfriend mo ay masmasakit pa na sa bestfriend mo ito ikakasal.
Pakiramdam malamang ni Kae na nabetray siya. Yun ang paniniwalaan niya sa ngayon dahil nabigla siya sa lahat ng pangyayari.
Lumapit ako at naupo malapit sa kanya. I try to tap her.
"I know you're hurting. But please Kae wag ganito. Wag mo ikulong ang sarili mo sa sakit na nararamdaman mo. Iiyak mo lang yan kung iiyak mo."
Unti unti niyang tinanggal ang kumot. Bumagon ito at umayos ng upo. Umiiyak pa rin siya. Gulo-gulo na ang buhok niya. Naaawa na ako sa kanya.
"Pero bakit kailangan kay Alice pa kuya? Bakit siya pa? She betray me!" sagot niya sa akin.
"Wag mong isipin na trinaydor ka niya. She didn't even know. Kasi Kae, knowing Alice she don't want you to get hurt. Mahal ka ni Alice bilang kaibigan at bilang kapatid na rin."
"Sino ba kinakampihan mo?!"
"Ikaw siyempre. Pero wag muna tayo magjump into conclusion na nagsinungaling o trinaydor ka nga ni Alice."
"Alam niyang mahal na mahal ko si Erick. Bakit nila ginagawa nila ito sa akin."
"Masmaganda kung makakausap mo siya ng maayos, Kae. Magbestfriend kayo diba. Alam nating mahal na mahal k ni Alice. Para na kayong magkapatid diba."
Hindi siya sumagot sa sinabi ko. Pero hindi ko siya pipilitin. Alam kong masakit pa ito sa kanya. Hinaplos ko ang buhok niya at lalo pa siyang napaiyak sa ginawa ko.
I wish I could take that pain Kae. Kung pede nga lang. Ako na lang ang sasalo sa mga sakit na nararamdaman mo. Ayaw ko kayong nasasaktan ni Thea. Pangangalagaan ko kayo hangga't kaya ko. Pero hindi ko saklaw ang lahat.
*******
[Cindy]
Hinayaan nila ako sa sakit na nararamdaman ko. Mula noon ay hindi na ako kinulit ni kuya at ng iba pa. Kapag nasa bahay sina Ray at ang iba pa ay hindi napapag-usapan ang sitwasyon ko.
Hindi rin nila pinilit na magiging okay lang ang lahat. Halos araw-araw lang nila akong dinadalaw. At naaappreciate ko lahat yun. Sadyang mahal nila ako bilang kapatid at kaibigan nila.
It's been a month. Nagdecide na akong magpunta ng school. Natapos na kasi ang result ng finals namin noon. Si kuya na rin ang tumanggap ng certificate ko. Nakapagclearance na rin silang lahat.
Kagagaling ko lang sa dean nang makasalubong ko si Erick. Hindi naman ako makakilos kaya agad niya akong nalapitan.
"Kae, please listen to me lang. Please don't shut the door to Alice. She is your best friend. Mahal na mahal ka niya. Alam kong galit na galit ka sa amin. But please listen to her. Wala siyang alam sa nangyayaring kasunduan. Kailangan ka rin niya. Nag-aaway na sila ng parents niya dahil ayaw niyang pumayag."
Napatingin na ako sa kanya sa huling sinabi niya. I saw pain in her eyes. Alam kong nagalit ako ng husto kay Alice nang hindi man lang siya pinapakinggan.
"Sumusuway siya sa parents niya Kae. Hindi siya umaattend sa family meeting namin. Sa tuwing pinupuntahan ko siya sa kanilang bahay. Lagi lang siyang nagkukulong. Lagi siyang umiiyak. Ikaw lang Kae, ikaw lang ang hinihintay niya. She needs you. Alam kong masakit pa ito sayo. Pero kailangan ka niya." patuloy niya.
"Bakit mo ito sinasabi sa akin?"
"Kae, sa akin ka lang magalit. Wag sa kanya. Ako ang may kasalanan. Ako ang naduwag na hindi kita maipaglaban. Pero si Alice, ginagawa ang lahat para lang tanggihan at hindi na matuloy ang kasal na ito."
Pagkatapos niyang sabihin iyon ay umalis na rin siya. Naiwan akong lumuluha. Hindi ko alam pero parang sinaksak ang puso ko. Nagalit ako kay Alice na hindi naman dapat. Hindi ko man lang siya pinakinggan.
"Kae." napalingon ako sa tumatakbong si Ray.
"Come, samahan mo ako kina Alice." hinatak ko agad si Ray.
Hinayaan naman niya ako at sinamahan na lang niya ako. Siya na rin ang nagdrive para sa akin. Nasa kotse palang ay naiiyak na ako. Pero pinapakalma ako ni Ray. Mabuti na lang at nandyan siya parati.
Nang makarating kami sa bahay nina Alice ay agad akong nagpaalam sa maid nila na pupuntahan ko sa kuwarto si Alice. She even gave me the key to her room.
Agad akong umakyat at tumungo sa kuwarto niya. Pero hindi siya sumasagot sa pagkatok ko sa pinto niya. Tinawagan ko ang phone niya pero hindi siya sumsagot.
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Novela JuvenilYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...