*********
°°°°°°°°°°°😻😻😻😻😻
[Cindy]
After ng lunch ay nag-aya muna si Aris sa amin na tumambay daw muna sa may poolside. Dito na kami sa table set naupo malapit nga sa pool.
Magkakasama kaming apat. Sina Tanya, Jess at si Aris nga at ako. Nagdala pa ng orange juice si Aris.
"Matagal na ba kayong magkakaibigang apat?" usisa ni Tanya kay Aris.
"Oo naman. Since high school. Sa Benio High School." sagot ni Aris. Nanlaki ang mata ko sa narinig ko.
"Benio High School?" sabi ko.
"Oo. Bakit? Don't tell me dun ka din nag-aral??" turo pa nya sa akin.
"H-hindi. I studied at Tenka High School." sagot ko sa kanya. Nanlaki din ang mga mata nya.
"Tenka High School?"
"Sandali nga. Wala ako naiintindihan eh. Ano bang mayroon sa mga school nyo at ganyan kayo makapagreact." sabad sa amin ni Jess.
"Ang school naming dalawa ay mortal na magkalaban." sagot naman ni Aris.
"Talaga??!!! Small world, right." si Tanya.
"Kung doon ka sa Tenka High School nag-aaral bakit hindi kita nakikita sa twing may sports festival sainyo?"
"Actually hindi talaga ako nakikihalobilo noon. Busy ako sa org namin. Pero minsan nanonood ako ng mga laro. I nevet saw you din naman. Ano ba sport mo?"
"Chess ako eh. Sina Xander at Stephen ay table tennis. Si King naman walang sport yun. Pero lagi syang nandun dahil president sya ng ssg namin."
"Ganun. Well, kung mortal na mgkalaban ang school nyo, siguro naman hindi naman magkaaway in person ang mga student dito diba." si Tanya.
"Siyempre naman." nag-apir pa kami ni Aris.
"Oh, mukhang nagkakasiyahan tayo dito ah." si King na papalapit sa amin.
"Hindi naman masyado. Movie na tayo!" excited naman si Aris.
"Oo nga!" sabay na sabi nina Jess at Tanya.
Papalapit na rin sina Stephen at Xander sa amin. Pagkatapos ay nagkayayaan na ring pumasok sa loob ng bahay nila Xander.
Nagpahanda pa ng popcorn si Xander sa maid nila bago kami umakyat. Sina King at Stephen ang humawak ng mga soda in cans. Kami namang lima ang humawak sa mga bowl ng popcorn.
Tuwang tuwa kaming nagsipwesto habang hinahanda naman ni Xander ang dvd. Sa malaking sofa kami naupo nina Jess at Tanya. Samantalang ang mga boys ay sa sahig na. Pero nakasandal sa sofa.
Nasa kaliwang side ko si King at sa right side naman si Stephen. Nagstart na ang movie. Seryoso kaming nanonood. Minsan ay natatawa kami sa eksena. Minsan ay napapawooh kami. Hahaha.
"May popcorn ka pa?" tanong ni Stephen kay King.
"Sssshhhh!!!" sabi naman ng mga kasama ko. Natawa naman si King.
"Sssshhhh!!!"
Nakita ko pang nagsikuan sina King at Stephen. Napangiti naman ako sa ginawa ng dalawa. Inabot ko sa gilid ni Stephen ang bowl ng popcorn ko.
Napaangat sya ng tingin at nginitian ko naman sya. He smiled at me too. Bagkus na abutin yung popcorn ay tumayo sya. Tumabi sya sa akin at bumaling ulit sa pinapanood namin. Habang kumukuha sa bowl ko ng popcorn.
Wala nang nagsalita pa sa amin at nakatutok na lang sa pinapanood namin.
Habang tumatagal ay parang bumibigat ang mga mata ko. Inaantok ba ako? Gosh.
😴😴😴😴
[Stephen]
Inabot sa akin ni Kae ang bowl ng popcorn nya. Napaangat ako ng tingin sa kanya at ngumiti sya sa akin. Gumanti naman ako ng ngiti at tumayo. Tumabi na lang ako sa kanya.
Bumaling kami ulit sa pinapanood namin. Habang dumudukot ako sa bowl nya. Ilang minuto pa lang ay naramdaman kong bumigat ang balikat ko.
Nang lumingon ako ay nakasandal na pala ang ulo ni Kae sa balikat ko. Tumibok pa ng mabilis ang puso ko. Grabe ang epekto nya sa akin. Lagi na lang tumitibok ng mabilis ang puso ko kapag may mga ginagawa syang cute sa akin.
Umayos ako ng upo para hindi mangawit ang ulo nyang nakasandal sa akin. Tumutok lang din ako ulit sa pinapanood ko.
Maya maya ay naramdaman ko ang pagkalabit sa paa ko. Napatingin ako sa paanan ko at nakita kong nangisi ng malaki si King. Inginuso pa nya si Kae sa akin.
Siraulo talaga to. Sinipa ko sya ng mahina. Pero imbes na tumigil sya ay para syang matatawa tinikom pa nya bibig nya para pigilan ang pagtawa nito.
Sinamaan ko sya ng tingin. Pero imbes na tumigil sya ay tuluyan na sya natawa.
"Ssshhhhhh!!!" sabi naman ng mga kasama namin. Hinampas pa sya ng unan ni Jess na nasa taas nya.
Natatawa ako pero pinipigilan ko na lang dahil baka magising pa itong si Kae. Patuloy na lang ako sa panonood.
😴😴😴😴
[Jess]
Nang matapos ang movie ay tuwang tuwa kaming nagsipagtayo. Pero pinigilan kami ni King na mag-ingay. Nagtataka naman kami.
"Wag kayong maingay." halos pabulong nyang sabi.
"Bakit ba?" ani Aris. Binatukan naman sya ni Xander.
"Kasasabi lang diba. Wag maingay." halos pabulong din na sabi ni Xander.
"Bakit nga?"
Imbes na sumagot ay tinuro nya sina Cindy at Stephen. Nanlaki naman ang mata ko sa aking nakita.
Nakaupong pareho sina Cindy at Stephen. Parehong tulog. Nakasandal ang ulo ni Cindy sa balikat ni Stephen at ang ulo naman ni Stephen ay nakapatong sa ulo ni Cindy.
How cute 😄😄💑💑💑
"Ang cute naman nila. Grabe." si Tanya.
"Oo nga. Ang sweet nila. Kinikilig ako." nagsmirked naman si King kaya hinampas ko sya sa braso. Nagpipigil naman sya ng tawa.
"Hayaan na muna natin sila dyan. Baba na lang muna tayo. Tambay muna tayo sa living room." sabi sa amin ni Xander.
Inayos muna namin ang mga ginamit namin sa panonood at iniligpit ang mga pinagkainan at kalat. Kami na ang gumawa nun dahil kung iuutos daw sa maid ay baka magising tong dalawa.
Siyempre ay dahan dahan naming ginagawa yun. Habang napapatingin ako sa gawi nung dalawa. Kung hindi ko lang alam na may boyfriend si Ciny ay iisipin kong sila ang magjowa.
Pero para sa akin, masbagay sila ng Stephen. They look good. Kinikilig ako. Aha! May itatawag na ako sa loveteam nila #CinRay. Nice. Wala akong care kung may boyfriend pa si Cindy. Team CinRay ako. 😁😁😁
**********
°°°°°°°°°°°°°💑💑💑💑💑💑
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Teen FictionYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...