~Chapter 33~

183 3 2
                                    


[Cindy]

Nagpunta nga kaming lahat sa house nina Alice. Excited kaming lahat. Binati ako nina tito at tita. Masaya akong nakipagkuwentuhan sa kanila. Samantalang ang mga kasama na namin ay nasa poolside na.

"Mabuti naman po at napauwi kayo dito tita." sabi ko sa mama ni Alice.

"Oo Cindy. May kailangan kasi kaming ayusin dito, family matters. Alam mo na." sagot naman niya sa akin.

"Okay lang po tita. Mabuti mo at nakasama ko na ulit si Alice."

"Yeah! Kaya Ma, sa susunod na yang chikahan niyo. I want some quality time with my best friend you know."

Nagpaalam na ako kay tita at dali-dali naman akong hinatak ni Alice papunta sa poolside. Nasa isang table lang sila at yung iba naman ay nakatayo lang.

"So, should we start?" si Alice.

Nagsigawan naman silang lahat maliban sa akin. Bakit? Ewan, naflaflattered lang ako kasi bestfriend ko with my new friends. Ang saya lang nun diba.

Tapos nakakatuwa kasi mukhang magkakasundo sila. Walang awkward. Parang dati na silang magkakakilala.

"Kae!" napatalima ako nang tawagin ako ni Alice. "Call Erick. Papuntahin mo siya rito."

Halos malaglag ako sa kinauupuan ko nang sabihin iyon ni Alice. Paano ba to.

"Here, let me have your phone. Ako na tatawag para masurprise siya." tuwang tuwa pa siya. Hindi ko rin naman namalayan na naiabot ko na pala yung phone ko.

Napakislot pa ako nang makitang nakatingin silang lahat sa akin. Pwera lang kay Ray. Nag-aalala ang tingin nila. Ngumiti na lang ako at hinayaan na nila ko.

Pero si Ray. Ewan ko bakit merong part sa puso ko na nasaktan nang hindi niya ako sinulyapan. Ano kaya naiisip niya. Does it really matters to me? Bahala siya.

Binalik agad ni Alice sa akin ang phone ko. At sinabi niya ngang darating si Erick. Maghintay lang daw kami for just five minutes. Five minutes, parang tagal naman nun sa pakiramdam ko.

Ano kaya gagawin ko kapag nandito na siya. Hindi pa kami nagkakausap ulit, although tinetext niya ako. He even trying to call me pero I just don't know kung bakit hindi ko yun sinasagot.

Nag-aya na si Alice na magmerienda muna. Lalapit na sana ako sa table nang hatakin ako ni Ray. Nagulat man ako ay hinayaan ko na siya. Tumungo kami sa sa may pool. Naupo siya at binabad ang paa sa may tubig.

Nakatayo lang ako malapit sa kanya. Nakatingin sa kanya. Ano ba gusto niyang mangyari. Napakislot ako nang tingalain niya ako.

"Tititigan mo lang ako dyan? Maupo ka kaya dito." aniya.

Naupo naman ako sa tabi niya at tinampisaw ang mga paa sa tubig. Inabutan niya ako ng soda in can. Kinuha ko naman yun sa kanya.

"Okay ka lang?" usisa niya sa akin. Napatingin ako agad sa kanya.

"Oo naman. Bakit?" sagot ko sa kanya pero iniwas ko ang aking tingin.

"Wala naman. Para ka naman kasing ewan kanina." tumawa pa nga siya. Hinampas ko nga siya sa braso.

"Oh, mukhang may nagkakasiyahan dito ha." paningit ni Aris nang makalapit sa amin.

"Loko! Nagkukuwentuhan lang kami ni Kae."

"Nagkukuwentuhan lang pala eh, bakit may colony agad ng langgam dito." tawang tawa namang sabi ni King.

"Hoy lubayan niyo nga niyang dalawa." sabad naman ni Jess.

Nalilito na ako kung kanino ako makikinig. Nananahimik kami ni Ray dito bigla silang sisingit. Hay naku.

Nagulat na lang ako ng matalsikan ako ng tubig. Nang mapatingin ako sa pool ay naroon na si Aris, King at Xander. Paano nangyari yun.

Napalingon ako sa tabi ko nandun pa rin siya at tawang tawa sa mga kasama naming naghaharutan na sa pool. Pinanood ko na lang din sila. Nagtatawanan lang kami nang magsalita ulit si Alice.

"Kae, nandito na si Erick!" tuwang tuwang sabi ni Alice.

Napalingon kaming lahat sa kanya. Kasama niyang nakatayo sa may veranda si Erick. Totoo nga bang si Erick yun? Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Bigla akong kinabahan na ewan. Nanginginig ang buo kong katawan.

Hindi ko namamalayang napatayo na ako at nakita ko siyang papalapit sa akin. At nang tuluyan na siyang nasa harap ko ay agad niya akong niyakap.

"I miss you so much, Kae. And I'm sorry." yun ang ibinulong niya sa akin.

Hindi ko naman maintindihan at para akong kandilang natunaw. Lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Rinig na rinig ko na ang tibok nito sa sobrang lakas.

Napayakap na rin ako sa kanya. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin. Namiss ko talaga siya. Nawala lahat ang pag-aalinlangan ko sa kanya.

"Hello guys, may tao pa rito oh." rinig kong sabi ni Jess.

Naghiwalay kami sa pagkakayakap ni Erick. Saka kami nagkatawanan. Tuwang tuwa pa si Alice na nakipagkulitan sa amin. Pati na rin sina Tanya at Jess.

********

[Stephen]

"Naku Ray dyan na naman si bf. Wala ka na naman." ani Aris. Nakita ko namang binatukan siya ni King.

"Manahimik ka nga dyan. Dito muna tayo, Ray."

"Okay lang. Tara doon. Nakakahiya naman sa best friend ni Kae."

Lumapit nga kaming apat sa kanila. Masaya silang nag-uusap. Lalo na si Alice. Nakita ko namang masayang masaya si Kae. Siyempre dumating ang bestfriend niya. At mukhang okay na naman sila ng boyfriend niya.

Talo na naman ako. Pero masaya ako at okay na si Kae. Ewan ko lang kung malaman ito ni Dylan. Nakijoin na rin kami sa kuwentuhan.

Pero hindi ko maiwasang hindi tumitig kay Kae. Masaya ako pero nasasaktan ako. Nasasaktan ako dahil ang lapit niya sa akin pero pakiramdam ko ang layo-layo niya.

Pakiramdam na gusto ko siyang yakapin pero parang may malaking pader sa pagitan namin. Nararamdaman ko na. Oo, aminado na ako. Mahal ko na si Kae. Pero hindi pwede.

Hanggang dito lang ako.

Hanggang dito lang ako

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon