~Chapter 31~

178 3 0
                                    


[Cindy]

After a week ay nabalitaan kong uuwi na si Alice. Masayang masaya ako nang malaman ko iyon. Dali dali ko siyang chinat nang araw na iyon. At nakompirma ko nga ang pag-uwi nila.

Sobra na akong excited. Kapag magkataon ay ipapakilala ko siya sa mga kaibigan ko. Alam kong magkakasundo din sila.

"Talaga Kae?" sabay na sabi nina Tanya at Jess sa akin.

"Oo! Mabait siya promise. Excited daw siyang makilala kayo ng personal." tuwang tuwa kong sabi sa kanilang dalawa.

"Uy ano yan. Sali niyo naman kami dyan." at nakisisik pa talaga si King sa amin.

"Ano ba?! Hindi ka kasali dito, kaya pwede ba." ani Jess.

"Grabe ang sama mo. Share niyo naman kasi yan eh." sabi naman ni Xander.

"Malapit na daw kasing umuwi yung best bestfriend ni Kae." sagot ni Tanya.

"Wow! Chix ba yan?" ani Aris. Binatukan naman siya ni Ray kaya natawa kaming lahat.

"Yap. She is Alice. My bestfriend ever since. Maganda siya at simple lang din. And I want you to meet her soon." sagot ko sa kanya.

"Yun. Magkarhyme pa name namin. Aris and Alice."

"Tumigil ka na nga Aris. Daydreaming huh!?" si Jess.

"Gala na lang tayo sa mall." ani Ray na kinakamot pa ang kilay. Napatingin naman kami sa kanya.

"May last subject pa tayo." sagot ko sa kanya.

"Ano naman. Tara na, nagpaalam na ako kay sir." naglakad na siya palayo sa amin.

Sumunod naman yung tatlong lalaki kaya nagkatinginan kami nina Jess at Tanya. Kahit nagtataka ay sumunod na rin kami.

Kotse ni Ray at Xander ang ginamit naming sasakyan. Si King naman ay pinakuha na lang sa driver nila ang kayang kotse.

Nang makarating kami sa mall ay sa arcade kami unang pumunta. Nagpapataasan ng score sa basketball ang mga boys samantalang kami ay nagvivideoke lang.

>>>>>

[Ray]

After naming magarcade ay nag-aya ang girls na kumain muna. Sa isang pizza house na kami nagpunta. Habang kumakain ay tuloy ang kuwentuhan.

"Diba si Erick yun?" nguso ni Aris sa gawi na labas ng pizza house.

Napatingin silang sa inginuso niya. Pero kay Kae ako tumingin. Nakita kong hindi naging maganda ang awra ng mukha niya.

"Kae, tara na." sabi ko. Napatingin silang lahat sa akin. Nagtataka naman akong tinignan ni Kae.

Walang anu-ano ay tumayo ako hinawakan siya sa kamay. Nakita lang ako sa mata sabay kindat sa kanya. Hinatak ko na lang siya at lumabas doon.

Hinabol pa kami ng tawag ng mga kasama namin pero hindi ko sila pinansin.

"R-Ray? S-saan tayo pupunta. Bakit m-mo ako hinatak." ani Kae habang naglalakad kami sa loob ng mall.

Sa totoo lang hindi ko alam kung saan kami pupunta o kung saan ko siya dadalhin. Hawak-hawak ko pa rin ang kamay niya at hindi naman siya pumipiglas.

Hindi namin namalayan ay nasa labas na kami ng mall sa may garden sa gilid ng mall. Inakay ko siya at naupo sa may damuhan. Malinis naman ito kaya hindi siya nagdalawang isip na naupo.

"I saw your face kanina. Wala naman kasamang babae si Erick pero bakit biglang pumait mukha mo." panimula ko.

"H-ha? W-wala nga. Saka bakit yun agad naisip mo?" aniya.

"Ano na ba nangyayari sainyong dalawa? Hindi ka na niya pinupuntahan sa building ha. Kahit sa mga breaktime hindi ka niya sinisipot. Kayo pa ba?" dire-diretso kong tanong sa kanya.

"What the hell are you talking about?!" akmang tatayo na siya nang mahawakan ko ang kamay niya.

"I care about you, Kae."

Napatingin lang siya sa akin. Kita ko sa kanya ang lungkot sa kanyang mga mata. Muli siya naupo ngunit masmalapit na sa akin.

"Pede ka naman magsabi sa akin eh."

"I really don't know Ray. Bakit siya ganun? Akala ko kapag same na kami ng school lalo kaming magiging sweet sa isa't isa. Akala ko lagi na kami magkakasama." nakayuko lang niyang sabi.

"Hindi ko sasabihin na marami ang namamatay sa maling akala. Pero hindi natin hawak ang panahon. May magbabago, pwedeng for better or for worst. Nasa sayo na yan on how you handle it." sabi ko sa kanya na nakatingin sa malayo.

"Pero hindi naman siya ganun dati sa akin. Tulad kanina. Akala ko after sa school, umuuwi na siya agad para mag-aral. Or nasa school pa, nag-aaral." napabuntung-hininga pa siya ng malalim dahil doon.

"Baka biglaan lang yung pagpunta niya rito. Or baka may binili or something." sabi ko sa kanya. Napabuntung-hininga lang siya ulit.

Ano ba gagawin ko para lang maging okay siya. Nalulungkot ako kapag nakikita ko si Kae na ganito. Kahit na nakangiti siya kita pa rin sa mga mata niya ang lungkot.

Nagulat na lang ako nang sumandal siya sa balikat ko. Rinig na rinig ko ang tibok ng puso ko. Grabe talaga epekto niya sa akin. Naku Kae kung lagi kang ganito baka mahimatay ako.

Leche. Nakakabakla tong mga iniisip ko. Pero sana ganito na lang kami lagi. At least magkatabi kami ng ganito. Pero aminado ako kinikilig ako.

Papatong ko na sana sa ulo niya ang ulo ko nang mabilis siyang kumislot at napalayo ng bahagya sa akin.

"Hoy! Nandito lang pala kayo grabe!" si King.

"Oo nga. Akala namin nagtanan na kayo eh." si Aris. Napangisi na lang ako nang batukan siya ni Jess.

"Kung ano pinagsasabi mo. Tara na! Pagabi na rin. Baka hinahanap na tayo."

Inakay ko na si Kae patayo. Nakangiti naman ng malaki ang mga kasama namin. Naglalakad kami sa loob ng mall nang tumunog ang phone ko.

Si Dylan ang tumatawag. Sinagot ko yun. Lumayo ako ng bahagya sa kanila at hinintay naman nila ako. Mga ilang segundo lang ang pag-uusap namin.

"Bakit tumawag sayo si Kuya?" usisa ni Kae.

"Mauna na kami ni Kae ha. Kayo na bahala maghatid sa dalawa." hindi ko siya sinagot bagkus ay inakbayan ko siya at inakay palabas ng mall.

Sa parking lot ang tungo namin. Pinasakay ko na siya at diretso ko siyang ihahatid sa kanila. Sinabi kasi ni Dylan na hatid ko na si Kae at doon na rin ako magdinner.

Aba! Pabor sa akin yun. Sa sobrang gwapo ko, naku botong boto sa akin ang kuya niya. Yabang eh. Hahaha.

Nang makarating kami sa bahay nila ay agad na nagpahanda na ng pagkain si Dylan. Tuwang tuwa naman si Thea nang makita ako. Nakipagkuwentuhan pa ako sa kanila bago ako magpaalam sa kanila para umuwi.

"Salamat Ray." si Kae. Nasa labas kasi kami ng bahay nila dahil hinatid niya ako sa labas.

"No worries Kae. Maging okay ka lang, okay na rin ako." I path her head saka ako sumakay ng kotse. She just wave at me.

Note: Sorry for late update.
Jal jinae everyone. Xie xie.

❤❤❤❤

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon