[Stephen]
Gaya ng dati, paggising sa umaga ay nagkakaroon kami ng jogging sa tabing dagat. After nun ay naliligo na sa dagat. Masaya pa rin kaming naghaharutan at nagsasabuyan ng tubig. Naglalaro at nag-aasaran.
After that, siyempre breakfast na. Sabay sabay pa rin kami siyempre. Matapos nun ay kanya kanya na kami sa mga gusto naming gawin.
"Musta plano mamaya? Handa ka na ba?" si Xander.
"Oo. Kinakabahan ako siyempre. Pero wag ka nang maingay." sabi ko sa kanya.
"Oo na. Tayo lang ba ang nakakaalam nito?"
"Si Dylan kinausap ko na rin. Okay na. Mula nang dumating siya pinag-isipan ko na tong mabuti. Hindi na ako paayag na hanggang ganito na lang kami. Lalo na kung babalik pa siya ng Korea."
"Good. Dapat noon mo pa yan ginawa."
Nagtungo kami sa reception ng resort at kinausap sandali ang manager nito. Sumunod din sa amin si Dylan.
[Cindy]
"Nasaan sila Ray?" usisa ni Jess sa akin.
"Hindi ko alam. Nakita ko kanina magkasama sila ni Xander eh." sagot ko naman sa kanya.
"Hala ka te, baka maya maghahanap ng chix yun."
"Tumigil ka nga Thea. Doon ka na nga!" inis kong sabi sa kanya.
"Sus. Okay lang mangchix si kuya Ray. Single naman siya. Saka hindi naman kayo eh, diba?" si Thea sa tonong nang-aasar.
"Anong sabi mo?" bigla na lang tumakbo si Thea palayo sa amin.
"Hayaan mo na nga yung kapatid mo. Totoo naman kasi."
"Isa ka din eh no." si Jess kay Tanya. "Oo nga, bakit hindi ka pa ba nililigawan ni Ray?"
"Ewan ko. Parang hindi naman. Pero alam ko nagkakaintindihan kami. Alam ko ding pareho kami ng nararamdaman."
"MU ganun? Walang assurance sa ganyan Kae. Make sure na pareho nga talaga kayo ng nararamdaman. Baka mamaya, friendship lang maibibigay niya." si Tanya.
"Wag kanh makinig kay Tanya. Isa pa, eh bakit hanggang ngayon wala pa ring girlfriend si Ray. Saka diba, alam naman natin at lagi sinasabi sa atin ni Ray na miss na miss niya lagi si Kae."
Naguguluhan tuloy ako. Paano nga kung dahil magbestfriend kami kaya malapit siya sa akin. Ako lang ba ang may nararamdaman dito? Paano nga kung ako lang, ayaw ko na ulit masaktan.
Laging wala sina Ray, Xander at Kuya Dylan. Laging sinasabing mamamasyal lang. Pati sa lunch ay hindi namin sila nakasama. At isa pa parang umiiwas si Ray sa akin. Anong nangyayari sa kanya?
Dahil kaya sa napagusapan namin kagabi? Hindi ko naman sinasadya. Gusto ko din naman siya makasama. Dahil doon ay naging tahimik na ako buong hapon.
Habang nagkakatuwaan sila ay nasa harap lang ako ng cottage, nakaupo at pinagmamasdan lang ang karagatan. Napapangiti nalang ako kapag nakikitang masayang masaya ang mga kasama ko. Masaya na rin ang outing na ito. Na kahit sa huling araw ay hindi kami masyado nakakapag-usap ni Ray. Masaya na rin ako.
Ilang oras na lang ay palubog na ang araw. Napawi na rin ang lungkot ko. Ito ang mamimiss ko kapag bumalik na ako sa reality. Ang pagtatrabaho ng maayos sa company namin.
Papikit na ako nang tawagin ako ni Xander.
"Sama ka sa akin, pasyal tayo." anito sa akin. Hindi ako tumayo.
"Saan naman tayo pupunta? Saka pasaway kayo ha, buong araw kayong wala nila Ray." sabi ko.
"Wala. Siyempre boy's things. Haha. Halika na, lakad lakad lang tayo sa dagat."
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Teen FictionYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...