~Chapter 42~

168 3 0
                                    


[Erick]

Nagkasundo kami ni Alice na pag-usapang mabuti ang lahat. Gusto niyang sabihin ang totoo kay Kae. Mabuti pa siya napakalakas ng loob niyang sabihin agad ito kay Kae. Kahit ilang araw pa lang mula nang malaman naming pareho na kami pala ang ikakasal.

Samantalang ako. Ilang taon na pero binalewala ko lang. Hindi na sana nasasaktan pa ng sobra si Kae. Nasabi din sa akin ni Alice na gusto niyang unawain ang lahat. Gusto niyang lawakan ang pang-unawa niya sa sitwasyon.

Pero paano niya matatanggap na ang babae palang ikakasal sa boyfriend niya ay ang bestfriend niya mismo. Wala nang massasakit pa rito. Gulong gulo na ako. Sakit na ng ulo ko. Halos hindi ako makatulog sa kakaisip sa mga nangyayari. Nakakatuyo na ng utak.

I've been trying to call her pero hindi siya sumasagot. Kahit na nga ang mga text ko hindi rin niya nirereplyan.

"Hoy!" sigaw sa akin ni Alice. Napatulala lang ako sa lakas ng boses niya. Grabe to.

Napatitig na lang ako sa kanya habang nagsasalita siya. Ito ba talaga ang papakasalan ko? Lakas ng boses kala mo nasa kabilang bundok yung kausap niya. Naku paano na lang kung magsama na talaga kami.

"Do you even care to listen? Ano ba?!" sigaw niyang muli sa akin.

"Oo na. Hindi na ako nakikinig. Iniisip ko kasi kung kakayanin pa ni Kae na malaman ito. Na ang bestfriend niya ang pakakasalan ng boyfriend niya."

Hindi siya nakasagot. Narinig ko na lang ang buntung-hininga niya. Napagaya na rin tuloy ako.

"Hindi ka na niya boyfriend. Mula nung hindi mo siya ipinaglaban. Mula nang sinaktan mo siya." napatingin na lang ako ulit sa kanya.

"I'm sorry din Alice. Pati ikaw nadamay pa rito." napahawak ako sa kamay niya at nagkatinginan kami.

Agad niyang binawi ang kamay niya at tumingin sa malayo. Nakaramdam naman ako ng init sa aking pisngi.? Damn Erick!

"Wala tayong choice kundi ang sabihin sa kanya ang katotohanan. Hindi mo tinanggihan ang parents mo. Dahil sabi mo wala kang choice. Pero hindi ako tulad mo. Balak kong tumanggi sa kagustuhan ng parents ko. Pero kailangan muna itong malaman ni Kae."

Mabuti pa siya at malakas ang loob niya. I guess opposite kami dun. Ayaw ko lang naman idisappoint sila mommy at daddy.

🙏🙏🙏🙏

Ilang days lang ay magkasama kami ni Alice na pumunta sa bahay nina Kae. Kinakabahan ako sa totoo lang.

"Bakit kasama mo yan?!" rinig kong matigas na sabi ni Dylan. Alam kong magagalit siya ng husto kapag nakita ako.

"Please kuya Dylan. Let me explain. Kailangan naming makausap si Kae. Importante lang." sagot ni Alice sa kanya.

Sa totoo lang, halos matunaw na ako. Mainit ang pakiramdam ko. Napatingin ako sa hagdanan nang makita kong pababa si Kae.

"Kae." bulong ko. Akam kong narinig iyon ni Alice kaya patakbo siyang lumapit kay Kae.

"Ano to Alice?" si Kae.

"Please Kae, listen to me. You need to know something."

"Alice, ilayo mo na rito ang lalaking kasama mo. Baka hindi mo magugustuhan ang mangyayari." matalim ang tingin sa akin ni Dylan.

Galit na galit siya. Paano na lang kung may malaman pa siya. Please, hindi ko naman sinasadya ang lahat.

"Hayaan mo na kuya. Papayag akong kausapin siya." si Kae.

Sa living room nila na kami kinausap. Pinagpahinga muna nila ang mga maid nila at hindi muna pinababa si Thea.

Ngayon pa lang nasasaktan na ako sa mangyayari kay Kae pagkatapos ng usapang ito.

"Kuya Dylan, Kae. Ayaw ko ng pahabain to. Pero may kailangan kayong malaman." simula ni Alice. Pagkakataon na yun para sundan ko ang sinabi niya.

"Pinaimbestigahan mo ako Dylan hindi ba? Nalaman mong ikakasal ako. At alam mo rin ang rason nun. Promise yun na binitawan ko sa aking lolo nag-aagaw buhay."

"Tss. Saan ba pupunta to? Nagpapaawa ka ba?"

"Kuya." pinigilan siya ni Kae na magsalita pa. Tumingin lang sa akin si Kae at parang sinasabing ituloy ko lang ang sasabihin ko.

"Nalaman mo din na hindi ko naman talaga alam kung sino ang babaeng yun. But this few days, nakilala ko na siya." tumigil na ako dun.

Hindi ko na alam kung anong gagawin ko. Kinakabahan talaga ako. Tama nga siguro sila, duwag ako. Shit lang Erick. Magpakalalaki ka.

"Then tell us kung sino yun. Kung tutuusin, wala na kaming pakialam dun. Nangyari na ang nangyari." may pagkainis pa rin sa boses ni Dylan.

"Meron kuya Dylan. You should know."

"Ikaw ba yun?" natigilan kaming lahat. Nakatingin lang kami kay Kae. Hinulaan lang ba niya yun o sigurado siya.

"Ikaw ang babaeng papakasalan ni Erick, diba?" si Kae.

"Sorry Kae. Hindi k-"

Pakkk!!!

Napasinghap kaming lahat nang makitang sinampal ni Kae si Alice. Agad ko siyang nilapitan. At napahawak ako sa mukha niya. Sa sobrang lakas nun ay namula agad ang mukha ni Alice.

Napalingon ako kay Kae. Bumuhos ang luha niya. Hindi ko na alam bakit ba nangyayari ang lahat ng ito.

"Mga traydor!!!"

"Kae please understand. Walang kasalanan dito si Alice. Hindi niya alam na siya ang babaeng papakasalan ko. Siya rin ang nagulat."

"Wala akong pakialam!!" sumisigaw na siya. Pinipigilan na siya ni Dylan.

Umiiyak na rin si Alice. Hinagkan ko siya. Hindi siya dapat nasasaktan dito. Wala siyang kasalanan.

"Mga hayop kayo!! Ano bang ginawa ko sa inyo at ginaganito niyo ako."

"Please Kae. Hayaan mo muna akong magpaliwanag." humahagulgol pa rin si Alice.

"Bestfriend kita! Bakit ninyo ginagawa sa akin ito. Pinagkakatiwalaan kita!"

"Oo Kae. Bestfriend mo siya. At siya ang nag-insist na pumunta kami rito. Gusto niyang malaman mo agad dahil nag-aalala siya sayo. Wala siyang kinalaman dito. Sana maisip mo yun."

"At sana naisip ninyo rin nararamdaman ko. Wala na ba talaga kayong pakialam sa nararamdaman ko?!! Hindi ninyo alam ang nararamdaman ko!"

"Please Kae." pagmamakaawa ni Alice. Tinangka pa niyang lapitan si Kae pero umiiyak itong umakyat.

Napaupo naman si Alice na umiiyak. Naaawa ako sa kanya. Hindi dapat sila nag-away ng ganun. Magbestfriend sila pero ganito ang nangyayari dahil sa kagagawan ko. Dahil sa katangahan ko at pagiging duwag ko.

Inalalayan kong makatayo si Alice. Napayakap na lang siya sa akin. Tinapik tapik ko na lang ang likod niya.

"I think you should leave. Alice, saka mo na lang kausapin si Kae kapag humupa na ang galit niya."

Mahinahon na ang boses ni Dylan kumpara kanina. Malamang naiintindihan niya ang sitwasyon ni Alice. Salamat naman.

Nilabas ko na si Alice mula roon. Hanggang makasakay kami ng kotse ay umiiyak pa rin siya. Hanggang sa maihatid ko siya sa kanila.

I can't believe this. Mabuting tao si Alice pero hindi na siya dapat nadamay dito. Kung noon pa lang ay naging matapang na ako para ipaglaban si Kae. Sana hindi sila parehong nasasaktan.

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon