~Chapter 26~

157 4 0
                                    

🌹🌹🌹🌹

[Cindy]

"So, paano yan. It's been a long day, and it's almost 9 pm." ani King.

Napatingin ako sa wrist watch ko. Oo nga, 9 na. Patay ako nito. I checked on my phone. Dami na palang miscall ni kuya.

Bigla akong napatayo. Halos mabuwal si Jess dahil nakasandal siya sa akin. After kasi ng dinner ay nag-aya sila sa gazebo.

"Bakit?!" natatarantang tanong ni Ray. Napatingin ako sa kanya. Nakita kong nag-aalala siya.

"Hindi ko namalayan ang oras. Kanina pa pala tawag ng tawag si Kuya. I forgot nakasilent pala phone ko."

"Sige halika na. Ihahatid kita." hinila niya ako agad papasok muli sa bahay nila.

Hatak hatak niya ako habang paakyat ng kuwarto niya. Ha???!!! Anong gagawin namin dito. Hindi naman ako makawala sa pagkakahawak niya sa kamay ko.

Nagbukas siya ng drawer sa side table niya. Susi. Oa ka talaga, Cindy. Susi lang pala kukunin. Dali-dali niya akong hinatak palabas hanggang sa kanilang garahe.

Pinasakay na niya ako. Mabilis naman kumilos yung manong at isang katulong na buksan ang gate. Naku naman kasi, ang laki-laki nung gate.

Mabilis niyang pinaandar ang kotse. Tahimik lang naman ako habang siya ay seryosong nagdadrive.

"Shit!" bulalas niya.

"Oh bakit?!"

"Hindi ko pala nabilinan sina Xander. Paano pala sina Jess at Tanya."

"Sige, I'll call Jess."

Pagkadial ko ay nagring iyon agad. At sumagot naman ito. Niloud speaker ko na para marinig din ni Ray. Ganun din daw ginawa ni Jess.

"Xander. Pakihatid na lang sina Jess at Tanya ha." si Ray, pero nakatingin ito sa kalsada.

"Ok lang pre. Alam ko namang gusto mo masolo si Cindy eh." pagkasabi nun ni Xander ay nagkatinginan kami ni Ray. Pero agad siyang napatingin sa harap.

"Siraulo ka Xander. Lagot ka sa akin kapag nagkita tayo sa school." sabi ko rito.

"Hahaha. Joke lang. Sige, ok lang. Si King na daw maghahatid kay Jess. Gusto daw niya masolo eh."

Narinig naman naming nagkakantyawan sila sa kabilang linya. Natawa nalang kami ni Ray.

Later on ay nakarating na kami ng bahay. Sa labas nalang ako nagpababa kay Ray. Hinatid niya ako sa harap ng gate.

"Salamat nga pala sa pagpunta Kae ha. It means so much to me." para ata akong pinamulahanan ng mukha sa sinabi niya. What does that mean.

"Ah. Thank you din ha. Saka thank you din sa paghatid."

Lumapit siya sa akin. Napapitlag naman ako. As in ang lapit kasi eh. Napatingin ako sa mga labi niya. Shocks, ang pula nun.

Nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa pisngi. Nagtama ang mga paningin namin. Hindi ko kaya. Napaiwas na lang ako ng tingin.

"Thanks again Kae. See you again on school." ngiting sabi niya sa akin. Tumango lang ako.

Sa totoo lang, wala talaga akong masasabi. I just wave at him habang pasakay siya ng kotse. He blow his horn and drive away. Hinatid ko naman siya ng tingin.

Napahawak ako sa pisngi ko. Is he just kissed me? 😮😮 Ano ba mararamdaman ko sa ginawa niya? Ok lang. Pero I feel something inside me. My goodness, bakit kasi ginawa niya yun.

Pagpihit ko ay nagulat na lang ako nang makita kong nakatayo si Kuya Dylan sa harap ng gate.

"Anong ginagawa mo dito Kuya?" usisa ko sa kanya.

"Ako pa talaga tinanong mo. Eh, ikaw? Ano pang ginagawa mo dyan, hija? Gabi na." sagot sa akin ni kuya. Napayuko tuloy ako.

"I keep on calling you. Ano ba naman Kae." sermon sa akin ni kuya nang makaupo ako sa sofa.

"Nakasilent kasi phone ko." mahinahon kong sagot.

"My God, Kae. Wala ka bang relo? Hindi mo man naalala na gabi na. Delikado sa labas. Hindi naman sa wala akong tiwala sa mga kasama mo. Paano kung may mangyari sainyo sa daan. You can never tell, Kae. Ayaw kitang masaktan. Ayaw kitang makita lumuluha." si kuya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya. Palakad-lakad siya sa harap ko. What was just he said? Ayaw niya akong masaktan. Ayaw niya akong makitang lumuluha.

"Kuya. Medyo late lang ako nakauwi. Bakit ako masasaktan. Bakit ako iiyak or luluha. Saan ka nanggagaling? Yung totoo?"

Napatingin siya sa akin. Napakunot ang noo ko nang makitang bakas sa mukha niya ang sobrang pag-aalala. God, ngayon ko lang nakita sa mukha ni kuya ang ganung pag-aalala.

Nasapo niya ang ulo niya. Bumubulong siya pero hindi ko marinig. Ano ba nangyayari sa kanya.

"I'm sorry Kae. Nag-aalala ako saiyo. Hindi ka naman kasi ginagabi dati nang hindi ko alam kung ano nangyayari sayo." nag-aalala pa rin siya.

"I'm sorry kuya kung pinag-alala kita. I'm sorry." I hugged him. Tinapik tapik naman niya ako sa likod.

"Sige na. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Magpahinga ka na dun." I smiled at him at patakbo na nga akong umakyat ng kuwarto.

********
°°°°°°°°°°

[Dylan]

"I'm sorry Kae. Nag-aalala ako saiyo. Hindi ka naman kasi ginagabi dati nang hindi ko alam kung ano nangyayari sayo." nag-aalala talaga ako sa kanya. My God, after kung malaman ang totoo.

"I'm sorry kuya kung pinag-alala kita. I'm sorry." napatigil ako sa pag-iisip. Hinagkan niya ako. Dahil doon ay medyo kumalma ako. Tinapik-tapik ko na lang siya at baka makahalata pa siya.

"Sige na. Umakyat ka na sa kuwarto mo. Magpahinga ka na dun." sabi ko kay Kae. Sumunod naman siya.

Pagkaakyat ni Kae ay pabagsak akong naupo sa sofa. Nasapo ko ang ulo ko. Bakit ba kailangang mangyari ito. Akala ko wala na akong aalalahanin pa. Pero hindi lang din matanggap ng isip at puso ko ang mangyayari kapag nalaman na ito ni Kae.

Ayaw ko siyang masaktan pero habang papatagalin pa ito lalo lang siyang masasaktan. Pero anong gagawin ko. Saan ako magsisimula para itama ang lahat ng ito.

Umakyat ako sa kuwarto. Naupo sa gilid ng kama. Napasulyap ako sa aking side table. Nandun ang brown envelope na binigay sa akin ng detective na inupahan ko. Matagal bago ako kontakin ulit nun. At sobrang nakakagulat ang sinabi niya.

Inabot ko ang envelope at binuksan iyon. Nilabas ko ang iilang papeles dun. Totoong dumating na nga ang parents ni Erick. Kumpirmado na ngang ikakasal na siya. At yun ang dahilan kung bakit umuwi ang parents ni Erick.

Pero hindi nalaman ng detective kung sino ang nakatakdang ikasal kay Erick. At lolo niya ang may pakana ng lahat. Doon ay hindi ko masisisi si Erick. Pero kapatid ko na pinag-uusapan dito. Hindi ako papayag na tuluyan siyang masaktan.

😔😔😔😔
💔💔💔💔

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon