[Cindy]"Kae, I'm going to get married soon." sabi ni Erick. Halos hindi siya tumitingin sa akin.
"You're getting married? Wait, I don't understand. Ayaw mo akong masaktan, tapos you're saying you're getting married?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Oo iha. Ikakasal na siya. But--" napatingin naman ako kay tita.
"Hindi sayo." si Erick.
Hindi ko alam pero parang binuhusan ako ng tubig na punung-puno ng yelo. Ano bang pinagsasabi nila.
"H-hindi ko ma-maintindihan eh." garalgal na sabi ko. Halos hindi na ako makabigkas ng salita.
Tumingin ako ulit kay Erick at nakita kong umiwas siya. Bakit niya ito ginagawa sa akin. Bakit.
"Iha, are you okay? I'm sorry about this. Hindi naman ito kagustuhan lahat ni Erick. We're sorry."
Hindi ako makapag-isip ng maayos. Wala ako maintindihan. Ako ang girlfriend niya pero ikakasal siya at hindi sa akin? Anong nangyayari?
Hindi ko namamalayang tumayo ako, nahihilo ako. Sumasakit ulo ko. Naramdaman kong hinagip ni Erick ang kamay ko. Napalingon lang ako sa kanya.
Nakikita ko sa mata niya ang sakit, titigan mo ako Erick, tignan mo rin ang sakit na nararamdaman ko. Hindi ko maintindihan bakit parang ganun lang kadali sa kanila ang pinakamasakit na salita sa akin.
Sumisikip ang dibdib ko. Unti-unti kong nararamdaman ang mainit na likido na dumaloy sa pisngi ko. Napakurap ako. Naramdaman ko ang pagyakap sa akin ni Erick.
"H-how c-could you d-do this to me!!" hindi ko na napigilan ang sarili ko. Napasigaw na ako at pilit ko siyang tinutulak palayo sa akin.
"Kae, please." garalgal na rin ang boses niya. Alam kong umiiyak na rin siya.
"No! Erick, bakit? Bakit mo ako ginaganito." tinulak ko siya ng malakas kaya napahiwalay siya sa pagkakayakap sa akin.
"Sorry Kae. Please understand me. Hindi ko rin ginusto ang lahat nito."
"Hindi mo ginusto?! Hindi mo ako kayang ipaglaban! Hinayaan kitang ipriority ang studies mo. Hindi kita kinulit para bigyan ako ng kunting atensyon! Inuwa kita!"
"I know. I'm really sorry." humagulgol na rin siya.
"Pero hindi mo alam ang sakit na pinaramdam mo sa akin. Sakit sakit Erick. Wala ng magagawa ang sorry mo. I hate you." tumalikod na ako.
"But I love you." napahinto ako sa sinabi niya.
Ngumisi ako at muling humarap sa kanya. Pero hindi pa rin tumitila ang mga luha ko.
"If you really love you don't want to hurt me. Gaya ng ginagawa mo sa akin ngayon!"
Tumakbo ako palabas ng kanilang bahay. Ilang blocks lang ay napahinto ako. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Napaupo na lang ako. Umiiyak. Sakit sakit ng ginawa niya sa akin. Bakit siya ganun. Bakit?
Nilabas ko ang phone ko. Kuya Dylan. Alice. Ray. I dialed the number and make a call.
*******
[Stephen]
"Saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Dylan nang mabilis ako napatayo sa pagkakaupo.
"Kae needs me." yun lang ang sinabi ko at tinanguan ako.
Mabilis akong sumakay ng kotse saka binarurot iyon. Hindi ko alam pero I need to be there as soon as possible. I heard her crying. Biglang may sumaksak sa puso ko nang marinig ang garalgal niyang boses.
Bilisan mo Ray, bilis. Kailangan ako ni Kae. Kailangan ako ng taong mahal ko. I don't know why pero nasasaktan ako nang marinig ko siya.
Bumaba ako agad ng kotse nang makarating ako sa gate ng sinabi niyang subdivision. Nagpalinga linga ako at nakita kong nakaupo si Kae sa sulok.
Damn it! I'm hurting. Nakasubsob ang mukha niya sa kanyang tuhod. Halos patakbo akong lumapit sa kanya. Hinawi ko ang mahaba niyang buhok na tumatakip sa kanya.
Napakislot siya at napatingala sa akin. Nakita ko ang luhaan niyang mga mata. Shit! Anong nangyari. Mangingilid na ang luha ko pero pinunasan ko agad yun.
"R-Ray. I want to run away. Dalhin mo ako sa malayo, ayaw ko na dito." umiiyak niyang sabi.
Parang nadudurog ang puso ko sa pagkakita sa ganitong kalagayan niya. Ayaw kong magtanong hindi ito ang tamang tiyempo.
Agad ko siyang itinayo. Sa gulat ko ay agad niya akong niyakap. Dumagundong ang puso ko. Hindi ko alam pero sana maramdaman ni Kae ang mabilis na pagtibok ng puso ko.
"R-Ray. I want far away from here. Ilayo mo ako please." hindi pa rin siya tumitigil sa pag-iyak. Lalong humigpit ang yakap niya sa akin.
Dahil doon ay napayakap na rin ako sa kanya. Inakay ko siya patungo sa kotse at isinakay siya doon.
Nagdrive ako. Hindi ko alam kung saan kami patungo pero hindi ko maiwasan ang hindi siya sulyapan. May kalahating oras na kami sa byahe. Napagod na rin siguro sa kakaiyak si Kae kaya nakatulog na siya.
Hininto ko muna ang kotse saka ko kinuha ang phone ko. Dinial ko ang number ni Dylan. Kailangan niyang malama na kasama ko na si Kae at baka mag-alala pa sila ng husto.
"Salamat Ray. May tiwala ako sayo kaya ikaw na bahala sa kanya. Wag mo lang siya pababayaan." si Dylan.
"Ilalayo ko muna siya sandali. Yun na rin ang kagustuhan niya. Sa Batangas ko siya dadalhin. Kung gusto niyong sumunod ibibigay ko ang address."
"Ayos lang. Walang kaso sa akin yun. Basta wag mo siyang pababayaan. May aasikasuhin lang ako dito. Kailangan kong kausapin si Erick." yun lang pinatay na rin ang tawag.
Hinding hindi ko siya pababayaan. Dadalhin ko muna siya sa bakasyunan namin sa Batangas. Malayo rito. Kung saan siya nasasaktan.
Hindi ko pa alam ang nangyari pero sigurado akong si Erick ang may kagagawan nito. Kaya siguro hindi ganun kalapit ang loob ni Dylan sa kanya. Ngunit walang siyang magawa dahil mahal na mahal ito ng kanyang kapatid.
Ilang sandali pa ay nakarating na kami sa bahay bakasyunan namin. Medyo malapit din ito sa dagat. Lalakarin mo lang. Maraming puno at malayo ito sa mismong bayan.
#HappySehunDay
#HappyBirthdaySehun💕💕💕
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Fiksi RemajaYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...