[Cindy]
😄😄😄
This is my first day as a freshman college at Spencer Sy University (SSU). A private and prestige university in the Phillipines. Mayayaman at mga kilala ang mga family ng bawat mag-aaral dito.
Pero hindi kami pinalaki ng mga magulang naming itrato ang sarili namin na nakakaangat sa iba. Oo kilala ang pamilya namin. Pero hindi lumalaki ang ulo namin.
"Always be on the ground at wag kayong magmataas sa kapwa." yan ang laging sinasabi sa amin ni daddy.
"Laging rumespeto at mapagkumbaba." yan naman ang turo sa amin ni mommy.
My parents are one of the leading business elite in Asia. Kaya madalas ay may mga international business matters sila. Last month nga lang ay nasa Japan sila. Umuwi sila and they spent one week with us at lumipad na naman sila papuntang Korea.
Kinukuwento ko na talambuhay ko pero hindi pa ako nagpapakilala. Well.
I'm Cindy Kae Salazar, 17 years of age and I'm gonna take Bussiness Ad in college. At sa SSU nga yun. I have siblings siyempre. Si Kuya Dylan, he's 19 years old and ang bunso naming kapatid. Si Crystal Thea, 14 naman nya.
Kuya Dylan is in his third year college as taking of Bussiness Ad, of course. Si Thea naman ay grade 9 na. Schooling at Tenka High School. Ang may-ari nun ay bussiness partner nila daddy sa Japan.
Magugulat kayo. May boyfriend na ako. Yes! You heard it right. Or should I say you read it right. He is Clint Erick Sarmiento. He is 19 years old like Kuya Dylan. Civil Engineering ang kinukuha nyang kurso.
My parents let me entertain suitors when I was 15. Bata ko pa no. Kasi naman no (hindi sa pagmamayabang) matalino ako eh. I graduated as Valedectorian when I was in high school. I never let my parents down. Kaya siguro pinayagan ako. And I promise them that I will not let them down.
Anyway, one year akong niligawan ni Erick and then I said yes to him. Hindi naman kasi kung sinu-sino lang ang boyfriend ko no. His parents is one of the biggest sponsor of SSU.
We're going to schoolmates na rin sa wakas. Lagi na kaming magkikita. In a few months it will be our first year anniversary. I'm so excited.
I'm just looking at myself at the mirror. Buti na lang at hindi uso ang uniform sa university. So I can wear what I want. So, I wear white blouse at pinatungan ko ng black blazer. A skirt pero hindi naman super fit. 4-5 inches above the knee. I just want to be simple at hindi ko hilig magoverreact sa pananamit.
Napatigil ako nang may kumatok. I just ignored it as it opens slowly. Lumingon ako at pumasok ng bahagya ang katulong namin."Mam, nasa baba na po si Sir Erick. Hinihintay na po kayo." sabi nito.
"Sige po, pakisabi na lang na bababa na ako." yumuko lang sya at umalis na.
Isang sipat pa sa salamin and I took my bag. Pababa na ako ng hagdan when I saw my boyfriend stands.
"Good morning, bhi!" patakbo kong bati sa kanya. I hugged him tight and I just hear him chuckled.
"For you." aniya sabay abot ng isang tangkay ng red rose. He's so sweet.
"Wow!" tanging sabi ko.
"You're blushing. So cute!" pinisil pa nya ang pisngi ko.
"Siyempre. Galing sayo eh. And I know I'm cute." natawa naman sya sa akin at pinoke ang ilong ko. Nagtawanan na lang kaming dalawa.
"I love you." si Erick.
"I love you too." hinagkan nya ako sa noo. I just smiled at him.
"So, tara na?"
Bago pa makasagot si Erick ay pababa na pala sina Kuya Dylan at Thea. Magkahawak na kami ng kamay ni Erick dahil ready na nga kami sa pag-alis. Nakangiti ng maaliwalas si Thea samantalang nakakunot noo si Kuya. Ganyan naman yan kapag nandito si Erick.
So I guess alam nyo na. Ayaw ni Kuya Dylan si Erick. Take note, mag-iisang taon na kami ng bf ko pero ayaw pa rin nya rito. Nagkasagutan pa nga sila ni daddy dahil dun eh. Kasi naman kung makapagsrikto sa akin akala mo sya ang tatay ko.
"Papasok na kayo?" si Kuya Dylan nang makalapit na sa amin.
Hinarap ko sya with my frown face. Natawa naman sya.
"Oo, papasok na kami. Kaya mauna na kami." sagot ko sa kanya. Hinawakan ko na ang kamay ni Erick at hahatakin sya nang magsalita ulit si Kuya.
"Isabay nyo na si Thea."
"What?!" nilingon ko sya nakakunot ang noo.
Ngumisi lang sya sa akin. I look at Thea and she just nodded. Agghhh.. Malamang kinausap na sya ni Kuya bago pa sila bumaba ng sala. Kainis talaga si Kuya. Ito naman kasi si Thea hindi mo rin maintindihan kung sino ba kinakampihan. Minsan ako, minsan si Kuya. Sa pula sa puti.
"Eh bakit hindi ikaw ang maghatid sa kanya?" pinanlakihan ko ng mata si Kuya.
"Dadaanan ko pa kasi sina Al at Peter eh. Sige na, isabay nyo na si Thea. Bunso, kina Ate Kae ka na lang sabay ngayon ha."
Hinawakan ni Kuya Dylan ang mga balikat ni Thea mula sa likod. Tinulak nya ito papalapit sa akin. Inirapan ko naman sya.
"Okay lang naman eh, diba Erick." baling ni Kuya sa bf ko.
Nilingon ko si Erick at pinandilatan ko ng mata. Napakamot naman sya ng ulo. I know this gesture.
"S-sige. Sa amin ka na lang sumabay Thea." ani Erick. Damn!
"Okay fine. Tara na at baka malate pa tayong tatlo."
Nauna na akong lumabas ng bahay. Nakasunod naman yung dalawa sa akin.
Pasakay na kami ng kotse ni Erick nang lumabas ang kotse ni Kuya sa gate. Bumusina pa itk at tuluyan ng umalis. Actually, may kotse din naman ako. Pero dahil hatid sundo naman ako ni Erick so I don't need to drive myself.
"Bakit naman kasi pumayag ka pa na isabay natin si Thea?" inis na sabi ko kay Erick.
Nasa byahe na kami. Ihahatid muna namin si Thea sa Tenka High School bago pumunta ng SSU. Dun din ako naghigh school.
"It's really okay. Don't worry. Atleast maihahatid natin si Thea. We know na safe sya makakapasok." sagot sa akin ni Erick.
"Safe din naman sya kung si Kuya ang maghahatid sa kanya. It will be safer dahil kuya namin sya diba."
"Ehem! Nandito kaya ako sa likod nyo. Kung pag-usapan nyo ako patang hindi nyo ako kasama ah." sabat sa amin ni Thea. Nilingon ko sya at pinandilatan.
"Tell me, kinausap ka na ni Kuya before pa kayo bumaba no."
"Ano aasahan mo? Ewan ko dun. Pero totoong dadaanan nya sina Kuya Alfred at Kuya Peter." sagot sa akin ni Thea.
Nilingon ako ni Erick saka ngumiti. Naku, kaysa maestress ako hayaan ko na nga lang. Yun lang tangi kong magagawa.
Pagkahatid namin kay Thea sa school nya ay dumiretso na rin kami ni Erick sa SSU. He park his car at sabay na kaming naglalakad.
*************
°°°°°°°°°°°°°°°°😊😊😊😊😊😊😊😊
Thank you for reading....
x_x
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Dla nastolatkówYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...