~Chapter 6~

256 5 0
                                    

😔😔😔😔😔

[Cindy]

One week na akong pumapasok. Hatid pa rin ako ni Erick. Siya ang kasama ko sa lunch at sina Jess at Tanya naman kasama ng grupo nina King ang kasama ko kapag breaktime.

Nasa school ground lang kami nang marinig kong nagbeep ang phone ko. I checked it and it was Erick. I opened the message.

"Bhi, I'm sorry. I can't be with you on lunch. Maglalunch daw kami sa labas with my co-org. May meeting daw kasi kami. Pero ihahatid kita mamaya pag-uwi. Take care. I love you. 💜💜"

"Ok. Take care din. I love you, too." I replyed. Binalik ko na sa bag ko ang phone ko at bumaling sa mga kasama ko.

Nagtatawanan lang sila. Pati rin si Stephen pero kapag napapatingin sya sa akin ay napapatigil ito. Lagi syang ganyan. Problema nya. Hanggang ngayon ba naman galit pa sya sa akin?

Dahil lang sa hindi ko sinagot ang tawag nya nun? Sasagutin ko kaya pero pinatay nya. Kasalanan nya no.

"Ikaw Cindy, gusto mong sumama?" tanong sa akin ni King.

"H-ha? Saan?" napatingin ako sa kanya. Nagulat kaya ako kasi tinitignan ko nga si Stephen.

"Bukas. Overnight tayo kina Xander. Total saturday na. Birthday kasi nya." sagot ni Jess.

"Really? Happy birthday Xander." sabi ko.

"So, sasama ka ba?" tanong ulit ni King.

Napatingin ako kay Stephen pero nagulat sya dahil nakatingin din sya sa akin. Umiwas nalang sya ng tingin. Bumaling ako ulit kay King.

"Ahm.. Hindi ko kasi sure eh. Pero I'll try."

"Ahy.. Sige na Cindy. Para naman makapagbonding na talaga tayo." si Tanya.

"Oo nga. Ang saya kaya nun." dagdag pa ni Aris.

"Sige na please.... Birthday ko naman eh." si Xander na nagpacute pa. Bahagya akong natawa.

"I'll try talaga. Paalam muna ako sa kuya ko kung papayagan nya ako."

"Yes!" sabay-sabay nilang sabi except Stephen.

"Hoy hindi pa ako sure no. Magpapaalam pa lang ako."

"Sure na yun. Papayagan ka nun." natatawang sabi ni Jess.

Nang magbell na ay nagsipulasan kami at nagtatawanang nagtatatakbo papunta ng classroom namin.

One week pa lang kaming magkakasama pero parang matagal na kaming magkakaibigan. Masaya ang ganito. Except that Stephen kept on ignoring me. Bahala sya sa buhay nya.

Later on. Sinabi ko na sasabay ako sa kanila sa lunch dahil wala si Erick. Napakunot ang noo ko when I saw Stephen smile. Ano yun? 😮😮😮

**********
°°°°°°°°°°°°°

[Stephen]

When I heard na sasabay sa amin si Kae sa lunch ay lihim akong napangiti. Good. Wala daw kasi yung boyfriend nya. Mabuti naman. Sana lagi namin syang makasabay. Hindi sa breaktime lang. Hahaha. Sana laging wala yung boyfriend nya. 👿👿👿

Naglalakad na kami patungo sa cafeteria. Nauuna na yung tatlong babae samantalang nakasunod naman sina Aris at King. Nasa likod naman kami ni Xander.

"Hoy!" siko sa akin ni Xander.

"Problema mo?"

"Ay ang sungit ah."

"Ano nga!?"

"Napapansin ko lang kasi. Parang nitong mga nakaraang araw eh hindi mo pinapansin si Cindy. Pero samantalang nung unang araw natin panay ang kindat mo sa kanya." sabi nito sa akin na inakbayan pa ako.

"Wala lang." I shrugged.

"Meron bang ganun? Wala lang? Trip mo ganun?"

"Bakit ba kasi. Bahala nga dyan" inunahan ko na lang sya. Patakbo syang humabok sa kanya.

Pagdating namin sa cafeteria ay agad kaming humanap ng table. Sina Tanya, King at Aris na ang nag-order ng pagkain namin. Naiwan naman kaming apat. Nakaupo lang kami at naghihintay.

"Kae!" rinig naming tawag ng isang lalaki. Napalingon kaming lahat sa gawi ng tumawag.

Nakita naming papalapit ito sa table namin. Nakangiti lang ito.

"Hi Kuya Dylan." bati ni Jess. Kapatid ba ito ni Jess?

"Hi." bati naman nito.

"Anong ginagawa mo dito?" napakunot ang noo ko sa mataray na tanong ni Kae.

"Sungit mo naman. Hindi naman ako papalibre sayo."

"Ewan ko sayo!" sumimangot si Kae.

"Hi. Ako nga pala si Dylan. Kuya ni Kae. Mukhang ayaw akong ipakilala ng kapatid ko eh." sabi nito habang natatawa.

"Ah. I'm Stephen at ito naman si Xander. May dalawa pa kaming kasama pero nag-order pa kasi ng food."

"It's okay. Ito naman si Alfred at Peter, tropa ko." tumango lang naman yung dalawang kasama nya.

"Doon na nga kayo." napalingon naman ako sa nagsalitang si Kae. Halatang hindi magkasundo itong dalawa ah.

"Sungit naman ng prinsesa namin." sabi nung Peter.

"Shut up! Kainis."

"Sige mga pre, alis na kami. Mukhang may mens itong kapatid ko." nanlaki naman ang mata ni Kae.

"Ay Kuya Dylan, may sasabihin sana ako." si Xander. Nagulat naman kami lalo na si Kae.

"Ano yun? Saka wag nyo na akong tawaging Kuya. Dylan na lang. Ano nga pala sasabihin mo."

"Ah, ipapaalam sana namin si Cindy. Birthday ko kasi bukas. Iniimbita kasi namin sya na pumunta sa bahay. Mag-oovernight sana kami."

Napatingin naman si Dylan kay Kae. At napangisi. Ginulo nya ang buhok nito at tinabig naman iyon ni Kae.

"Sige ba." nanlaki naman ang mga mata ni Kae. Nice. Mabait naman itong kuya nya eh. 😊😊

"Salamat ah." tumango naman si Dylan at umalis na.

"Bait naman pala ng kuya mo eh. Mukhang magkakasundo kami nun." ani Xander.

"Duh? Mabait ba yun? Galing galing nga nun mang-asar. Hmp!"

Bago pa may magsalita sa amin ay dumating na yung tatlo dala ang mga pagkain namin. So we started to eat na.

I enjoy my food, really. Lalo na at kasabay ko sa pagkain si Kae. I don't know pero gaan lang sa pakiramdam ko kapag nasa malapit lang sya.

After namin maglunch ay tumambay lang kami sa school park. Tuloy lang ang kuwentuhan namin. Minsan ay napapatingin sa akin si Kae pero umiiwas ako ng tingin.

Hanggang sa room kapag nagkakaroon ng time ay nag-uusap usap lang kami. We enjoy each other's company.

Sa totoo lang, excited ako para bukas. Napag-usapan na lang namin na hihintayin namin ang mga girls dito sa harap ng university. Kami ni Aris ang napagkasunduang susundo sa kanila.

**********
°°°°°°°°°°°°°

🙌🙌🙌🙌🙌🙌

yeeeyyyyy.....

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon