~Chapter 40~

178 3 0
                                    


[Ray]

Halos inaraw araw ko ang pagdalaw ko kina Kae. Hindi rin naman kasi ako mapakali sa bahay. Siya lang din naman nasa utak ko. Hindi ko alam kung bakit ba.

Iba talaga epekto niya sa akin. Gusto ko siya. Mahal ko na ba? Mahal ko na nga ba talaga? Pero hindi ito ang tamang panahon para doon.

"Bakit hindi ka na lang dito tumira kuya Ray?" napatingin ako kay Thea nang sabihin niya iyon.

"Thea?" si Dylan.

"What? Seryoso. Dito ka na lang kuya para lagi ka namin makasama. Total may dalawa pa namang guestroom dyan oh. Para araw araw ka na talaga namin makasama."

"Hindi pwede Thea. Pede ako lagi bibisita pero hindi ako pedeng tumira dito." sagot ko sa kanya.

"Thea, masmalaki pa nga bahay nila dito no. Parang palasyo." sabi naman ni Kae.

Kung parang palasyo yun Kae. Ikaw ang ititira ko doon bilang reyna ng buhay ko. Ahh! Kung anu-ano iniisip ko.

"Talaga?? Kami na lang titira sainyo." nagkatinginan kami ni Dylan saka kami napatawa.

"Hindi ka pwede dun. Magugunaw yung palasyo dahil sa gulo mo." inirapan naman ni Thea si Dylan.

Minsan ay nagtatama ang paningin namin ni Kae pero agad siyang umiiwas. What's with her. May problema kaya. Baka kung ano na naman ang ginawa ni Erick sa kanya.

Alam kong hanggang ngayon ay masakit pa rin ang nangyari sa kanya. Nakikita pa rin sa mga mata niya ang lungkot. Kahit ngumingiti siya at tumatawa ay ramdam ko pa rin ang sakit na nararamdaman niya.

"Tunaw na yang kapatid ko, ano ka ba." bulong sa akin ng katabi ko. Nasa movie room kasi kami nila.

"Pasensya na." bulong ko rin sa kanya.

"Gumawa ka na kasi ng move."

"Masyado pang maaga. Alam kong alam mong hindi pa natatapos ang lahat."

"Oo na."

"Sandali nga, bakit parang binibenta mo sa akin yang si Kae."

"Gago. Nagpresyo ba ako? Basta mahalin mo lang siya ayos na sa akin yun. At wag na wag mong saktan siyempre."

"Ano ba?! Para kayong mga bubuyog dyan! Ano ba pinag-uusapan niyo. Hindi ba yan makapaghintay hah. O kaya lumabas na lang kayo." natulala kami sa naiinis na si Kae.

Nagkatinginan kami ni Dylan saka kami napatawa ng mahina. Siya kasi pinag-uusapan namin.

"Siraulo tong mga to. Tinawanan niyo lang talaga ako? Labas na lang nga kayo!" anas pa siya.

Tinapik ako ng natatawang si Dylan at sumenyas na lumabas na lang kami. Tumayo na rin ako at sumunod sa kanya palabas.

Pero pagdating namin sa living room ay nagpaalam na lang ako kay Dylan.

Dumiretso ako sa mall para tumingin ng pedeng iregalo kay Kae. Well, hindi naman niya birthday pero gusto ko lang siyang mapangiti. Papasok na ako sa stufftoy centre nang salubungin ako ni Erick.

Nung una ay hindi ko alam ang magiging reaksyon ko. Magagalit ba ako o ano.

"Pede ba kitang makausap?" tanong sa akin ni Erick.

Tumango na lang ako at sumunod sa kanya. Sa isang coffee shop na kami tumuloy. Tig-isang black coffee ang inorder namin.

"Gusto ko lang sana magpasalamat sayo." simula niya. "Alam kong inalalayan mo si Kae mula ng araw na yun."

"Sabihin mo sa akin. Sainyo siya galing nang puntahan ko siya at iyak siya ng iyak." putol ko sa sasabihin pa niya.

"Oo. Sinabi ko na kasi ang totoo sa kanya."

"Ano? Hindi ko maintindihan. Niloko mo ba si Kae?"

"Ikakasal ako sa iba. At hindi ko man lang kilala kung sino siya."

"Nabanggit na sa akin ito ni Dylan noon pero hindi lang ako makapaniwalang totoo pala. Anong ginawa mo? Hinayaan mo lang talaga na maging ganun na lang yun?"

"Hindi ko naman ginusto ang lahat. Nagpromise ako sa lolo kong mamamatay na papakasalan ko ang apo ng bestfriend niya." halata na sa boses niya ang panghihina.

Hindi ko alam na ganito pala talaga ito. May rason ang lahat pero hindi dapat ganito.

"Alam mo bang naging unfair ka kay Kae sa ginawa mo. Gusto kitang intindihin dahil alam ko mahal mo siya. Pero bakit hindi mo siya ipaglaban."

Wala akong narinig na sagot mula sa kanya. Gago pala to eh.

"Napakaduwag mo!" tumaas na ang boses ko.

"Alam ko. At alam kong ikaw lang ang makakapagpasaya kay Kae. Alam kong ikaw ang magbabalik sa kanya."

"Anong ibig mong sabihin?"

"Alam ko at nararamdaman kong may gusto ka kay Kae. Noon pa man, pero binalewala ko yun. Kahit nagseselos ako hinayaan ko. Dahil alam kong hindi na kami pwede."

"Hindi ito ang tamang panahon para sa akin, Erick. Nandito ako bilang kaibigan ni Kae. At hindi ko siya hahayaang masaktan mo ulit. Dahil kapag nangyari yun, ako ang makakalaban mo."

Hindi na ako nakatiis kaya iniwanan ko na lang si Erick roon. Uuwi na lang ako. Nawalan na ako ng gana para maghanap ng gift for Kae.

Totoo yun. Nandito ako para kay Kae. Pero kaibigan lang. Yaw kong dagdagan pa ang nagpapagulo sa isipan niya. Handa akong damayan siya at tulungan siya sa tuwing kakailanganin niya ako.

Isa pa hindi rin ako sigurado sa nararamdaman ko. Kung totoong mahal ko na ba siya o dahil naaawa lang ako sa kanya. Pero kaibigan ko siya.

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon