👌👌👌👌👌
[Stephen]
Saya-saya lang naming naglalaro. Nagtatawanan at nag-aasaran. Kumatok ang katulong nina Xander at sinabing nakahain na daw ang pagkain para sa lunch.
Isa-isa kaming nagsitayuan mula sa sahig. Napansin ko namang hindi agad tumayo si Kae kaya napalingon ako sa kanya. Nakangiwi ito habang hawak-hawak ang paa nya.
"Ano nangyari sayo?" tanong ko sa kanya. Nagulat naman syang napatingin sa akin.
"Oh bakit?" usisa ni King na nauuna na sa akin.
"Namumulikat ata si Cindy. Sunod na lang kami." tumango naman sya sa akin.
Bumaling ako kay Kae at yumuko sa harapan nya. Nagulat ulit sya sa ginawa ko. Madalas bang magkape ito?
"Ano ba nangyari sayo? Masakit ba paa mo?"
"A-ah. O-oo eh. Hindi ko maigalaw. Parang nakukuryente." sagot nya sa akin.
Napangisi naman ako. Nangalay siguro ito kaya parang namanhid. Alam ko na.
"Araaayy!!!" sigaw nya. At hinampas hampas ako. "Hindi ko na nga maigalaw, hinampas mo pa. Ang sakit sakit ha!!"
Natatawa naman ako sa reaksyon nya. Cute pala nya kapag naiinis. Hahaha 😁😁😁 Umiiral na naman pagkapilyo ko.
"Nangawit lang yan. Tapik tapik ko ha para mawala yung parang kuryenteng nararamdaman mo. Ganun talaga yan." sabi ko naman sa kanya.
"Eh ang sakit sakit ng paghampas mo eh."
"Mahina nga yun eh. Tapik lang kaya yun. Akala mo lang malakas kasi nga masakit yang paa mo sa pamamanhid nyan."
Sinimangutan nya ako.
"Oh kung ayaw mo sige bahala nga dyan."
"Sige na pala. Sige na." habol nya sa akin. Napangisi naman ako.
Dahan dahan kong tinapik ang paa nya. Napapangiwi sya. Nakatingin lang naman ako sa kanya. Simple lang syang babae. Maganda at maamo ang mukha. Kahit minsan nakikita kong nagsusungit sya.
Masmadalas ko naman syang nakikitang nakangiti. Umaaliwalas lalo ang mukha nya.
"Nararamdaman mo pa rin ba yung sakit?" tanong ko sa kanya na nakatingin pa rin sa kanya.
"Hindi na masyado." napatingin naman sya sa akin. She smiled at me. Sh*t! Nakakatunaw. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Hala.
"Kaya mo na bang tumayo?" kunwari ay tumingin ako sa paa nya.
"Siguro." aniya at sinubukang tumayo.
Hindi sya agad nakatayo kaya inabot ko sa kanya ang kamay ko. Napataas naman ang tingin nya sa akin. Inabot na rin nya iyon kaya hinila ko sya.
Napalakas ata ang hila ko kaya bumangga sya sa akin at naout of balance ako kaya nabuwal kami pareho. Mabuti na lang at mga nagkalat na unan ang pinagbagsakan namin.
Pero ang sumunod na nangyari ang pareho naming hindi inaasahan. Napamulat ako ng mata at mukha nya agad ang una kong nakita. Nakapatong sya sa akin. At hindi lang yun, naglapat pala ang mga labi namin. Sh*t. Biglang lumakas ang tibok ng puso ko.
Parang kung ilang boltahe ng kuryente ang dumaloy sa buong katawan ko. Hindi ko maintindihan.
😨😨😨😨😨
************[Cindy]
Hindi ako makatayo ng maayos. Maya maya pa ay inabot nya ang kamay nya sa akin. Napaangat ako ng ulo sa kanya at napatingin.
Inabot ko na rin iyon kasi para akong tangang tatayo na hindi ko pa naman kaya. Hinila nya ako. Pero hindi ko inasahan na napalakas ata ang paghila nya sa akin.
Dahil dun ay dumiretso ako sa kanya ay nabangga ko sya. In a seconds ay natumba kami pareho. Not noticing na nasa ibabaw pala nya ako.
Damn sh*t!!! Naglapat ang mga labi namin. Whaaatttt??!!! Nanlaki ang mga mata ko. Pero tumayo ako agad. At tatakbo na sana ako nang hatakin nya ang kamay ko. Napalingon ako sa kanya.
"I'm sorry Kae. Hindi ko sinasadya. Hindi ko naman aakalain na mapapalakas ang paghila ko sayo. Sorry." sabi nya sa akin.
Nakatingin lang ako sa kanya. Hindi agad ako nakaimik. Nagsisink in pa rin kasi yung nangyari kanina. Maybe it was an accident. He just want to help.
"Apology accepted. Pero hindi ko ginusto na halikan ka. I mean ano.... Hindi naman sinasadya. Accident."
"A-ah oo. Sorry." I just smiled at him.
Ngumiti lang sya. We're just like that. Oh my, wala na nagsalita sa amin. So ano na? Awkward moment.
Maya maya ay may narinig kaming nagtatawanan. Napatingin kami sa gawi ng pintuan. Nandun sina Xander at King.
Nagkatinginan naman kami ni Stephen pero nag-iwasan naman din agad ng tingin. Dali-dali akong lumabas ng kwarto na yun. Buti na lang at pinadaan ako nung dalawa. Iniwan ko na lang sila.
😱😱😱😱😱
[Stephen]
Nang marinig naming nagtatawanan sina Xander at King ay nagkatinginan kami ni Cindy. Umiwas sya ng tingin at patakbong lumabas ng pintuan.
Naiwan naman kaming tatlo. Nilapitan ako nung dalawa at nakangisi pa nga.
"Ano na pre." si Xander
"Ano na naman?" sabi ko.
"Tagal tagal nyo nga kasi. So ano na nangyari?" si King.
"Siraulo ka. Sabi ko sayo na namumulikat yata si Cindy diba? Sinabi ko pa ngang susunod kami diba."
"Sus. Namulikat lang pero ang tagal ha. Gugutumin nyo ba kami sa baba?" ani Xander.
"Sige na. Baba na tayo para makakain na. Nagugutom na ako. Bilis!" sabi ko sa kanilang dalawa at nauna na akong naglakad sa kanila.
"Hoy!" habol ni King sa akin. Umakbay sya sa akin.
"Bakit ba? Kulit mo no." sabi ko kay Kae.
"Grabe naman to. Parang hindi friends. Magsabi ka na kasi. Ano na ba nangyari at hawak-hawak mo pa yung kamay ni Kae." si Xander.
"Siraulo ka talaga. Namanhid nga yung paa. Kaya tinapik tapik ko yung paa."
"At pagkatapos??" si King.
"Eh nung ok na sya edi itinayo ko sya. Yun."
"At pagkatapos???" si Xander.
"Wala na. Kaya nadatnan nyong hawak ko ang kamay nya. Malisyoso lang."
"Wag mo nga kami lokohin. Namumula na kaya yang ilong mo. Sige na. Sabihin mo na kasi."
"Ok fine. Sasabihin ko na!" tumaas ang boses ko. Hindi ko napansin na nasa dining na pala kaming tatlo.
Napakislot ako nang mapansing nakatingin silang lahat sa akin. Nanlaki pa ang mata ko nang mapansing gulat na gulat din si Kae.
"Anong sasabihin mo?" usisa ni Jess.
Nakatingin silang lahat sa akin. Na akala mo may ginawa akong malaking kasalanan. Kainis naman oh. Para akong iha-hotseat.
Napatingin ako kay Kae. Alam kong kinakabahan sya. Naghihintay din sya sa sasabihin ko. Please help me. Ano ba sasabihin ko.
"A-ahm.... A-ano. Sa-sabihin kong ano. Nagugutom na kasi ako. Itong si King kasi ang kulit eh." sabi kong nauutal. Hirap pala ng ganito.
"Oh tara na pala, kain tayo. Nagugutom na rin kami eh." sabi naman ni Aris.
Tumalima naman silang lahat. Pero nakatingin pa rin sa akin si Kae. Ngumiti lang ako sa kanya. Hindi sya nagreact at humarap na lang din sa iba. Nawala ang ngiti ko.
"May utang ka sa amin ha." bulong ni King sa akin at sabay na silang naupo ni Xander.
Napabuntung-hininga lang ako at sumunod na rin ako sa kanila. Nagsalo salo kami sa pananghalian. We enjoy the lunch.
*********
°°°°°°°°°°°miss ko nah si xingxing~^O^~
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Fiksi RemajaYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...