~CHAPTER 3~

378 9 1
                                    

😆😆😆😆

[Stephen]

Ayaw ko sanang mag-aral sa SSU. Dahil sila tita ang may-ari ng school. Spencer Sy is my tita's late husband. Oo, he died in a plane crash.

Anyway, I'm Stephen Ray Esguerra. 17. Ang parents ko ay nakabase sa New York. Kasama doon ang kapatid ko. Si Cassie, although masmatanda sya sa akin I call her on her name. Kaya ang tumitingin sa akin dito ay ang tita ko nga. Who owns SSU.

It was my first day as a freshman. And actually its going smooth naman. Chill lang with my friends. Hindi pa ako masyadong interesado sa mga subjects. Kabagot lang. Puro pagpapakilala. Pero someone caught my attention. She's pretty. Simple lang talaga walang arte sa katawan. Smooth lang sya, hindi magalaw hindi naman ganun kahinhin. Sakto lang.

Siya si Cindy Kae Salazar. Kulit nga lang nitong si King lumapit sa grupo nila. Okay lang, it will be my chance to know her.

King and Jess introduce ourselves. Ganda nya grabe. Ewan ko ba, kapag napapatingin ako sa kanya kusang gumagalaw ang mga mata ko. Napapakindat na lang ako. Alam kong medyo naiinis na sya sa akin. But I find it cute. Ang cute nya pala kapag naiinis sya. 😊😊😊

After ng class namin sa last subject this morning ay nakita kong lumabas yung tatlong girls.

"Tara na sa cafeteria. Ano lunch natin." sabi ko sa mga kaibigan ko.

"Check na lang natin dun." sagot naman sa akin ni Xander.

"Tara na pala ah."

"Nagmamadali ka ba Ray? Excited. Hindi ka ba nabusog kanina sa breaktime." si Aris.

"Siraulo. Wala lang. Gusto ko lang matry food sa cafeteria. Para if ever sa labas na lang tayo kakain." sagot ko sa kanila na umiwas ng tingin.

"Sus!! Hindi mo pa aminin eh. Attracted ka kaya dun kay Cindy." si King.

"Oo nga. Kita ko mga pagkindat kindat mo sa kanya eh. Akala ko nga kanina napupuwing ka lang. Hindi pala. Kursunada mo pala sya." natatawang sabi ni Aris. Binatukan ko nga sya. Hahampasin sana ako nang magsalita si Xander.

"Naku tama na kayong dalawa dyan. Sige tara na baka marami ng tao sa cafeteria."

Tumalima naman kaming tatlo. Lumabas na kami ng room at naglakad patungong cafeteria. Ilang metro lang naman ito mula sa building namin. Buti na lang at malapit lang.

Pagdating namin doon ay nakita namin agad sina Jess at Tanya. Niyaya kami ni King na doon na lang kami makitable. Total, wala pa silang kasama. Oo nga, bakit silang dalawa lang?

"Hi! Pede makishare na lang kami ng table nyo?"

"Sure." sagot ni Tanya. Pasimula na silang kakain.

Naupo kami ni Aris. Samantalang sina King at Xander ang nag-order ng food namin. Saan si Kae. Bakit hindi nila kasama.

"Bakit kayong dalawa lang? Saan si Kae?" hindi na ako nakatiis.

"Wow. Hinahanap mo si Cindy. Crush mo sya no." pangtutukso ni Jess. Baliw.

"A-anong crush? Hindi. Naitanong ko lang, hindi ba pede yun? Diba magkakasama kayong tatlo kanina lumabas?"

"Ah yah. Humiwalay sya sa amin. Nasalubong kasi namin kanina yung boyfriend nya." sagot sa akin ni Tanya.

boyfriend nya...

boyfriend nya...

MAY BOYFRIEND NA SYA????????!!!!

Yung totoo??!! Ewan ko ah bakit parang sumakit dibdib ko. Feeling ko sinaksak. 🔪🔪💔💔💔 Grabe yun. Sakit.

"Hoy!" sigaw sa akin ni Jess. Napapitlag ako at napatingin sa kanya.

Tawang tawa naman sina Aris at Tanya. Pati na rin sina Xander at King na nakabalik na pala dala ang mga pagkain.

"Ewan ko sayo ha. Anong nangyari sayo?"

"A-ah.. W-wala naman. Bakit ba?" bakit naman daw ako nauutal.

"Wala daw. Tulala ka kaya dyan. Sinabi lang na may boyfriend na si Cindy para ka ng nanuno dyan." si Aris.

"Loko!" batok. "Hindi ba pedeng nagulat lang?" ngisian lang naman sila. Ewan ko sa mga loko-lokong to.

Kumain na kami. After maglunch ay tumambay na lang kami sa may park ng school. Sinama na rin namin sina Jess at Tanya.

👍👍👍👍👍👍

************
°°°°°°°°°°°°°°°

[Cindy]

Palabas na kami ng room. Hindi pa kami nakakalayo ay masasalubong na namin si Erick. Kumakaway sya amin. Napalaki ang ngiti ko.

"Hi." bati nya.

"Sino sya Cindy?" tanong ni Jess.

Tumabi ako kay Erick at humarap sa kanila. I smiled.

"Guys, this is Erick. Boyfriend ko. Bhi, sina Jess at Tanya new friends ko." inakbayan ako ni Erick. Siniko ko naman sya at natawa.

"Hi." inabot nya ang kamay sa dalawa. Tuwang tuwa naman ang dalawang nakipagshake hands.

"C-cindy. Hindi mo naman nasabi na may boyfriend ka na pala. Gwapo pa." si Jess.

"Sira." siniko sya ni Tanya. Nagtawanan naman kami.

"Sabay na kayo sa amin sa lunch." si Erick.

"Ahy hindi na. Sabay na lang kami ni Jess."

"Sige. Pero tara, sabay na tayong pumunta sa cafeteria." sabi ko naman.

Nauna na kaming maglakad ni Erick. Nakasunod lang naman sina Jess at Tanya. Naghiwa-hiwalay na lang kami nang makarating na kami sa cafeteria.

When we started to eat ay napansin kong lumapit ang grupo nina Stephen sa table nina Jess. Ay talaga lang ha. Habang kumakain ay napapasulyap ako sa kanila. Ewan ko ba, hindi ko maiwasan eh.

"So, kumusta ang first day. Although half day pa lang." ngiting sabi ni Erick.

"Hmmm.. Okay naman ang lahat. Kahit na medyo boring. Puro pagpapakilala at kuwentuhan lang sa mga professor. Haay." sagot ko sa kanya.

"Buti pa sa inyo ganun lang. Kami first day, puro lessons, lessons at lessons. Research work nga agad eh."

Nagpatuloy na lang kami sa pagkain. At pagkatapos ay hinatid na nya ako sa classroom namin. Nadatnan ko na rin sina Jess at Tanya. Naupo na ako sa tabi ni Jess.

Hanggang matapos ang buong araw. Sinundo ako ni Erick sa room. Nagpaalam na lang ako sa mga kaibigan ko. Napansin ko pa ngang magkakasabay sila ng grupo ng mokong nah si Stephen.

"Sunduin na lang kita ulit bukas ha. Please be more early tomorrow. Kailangan ko kasing ayusin yung research work ko eh. Individual kasi. So I need to work hard on it." sabi sa akin ni Erick nang makalapit kami sa gate.

"Ganun ba. Sabay na lang ako kay Kuya bukas para hindi ka na maabala." sabi ko naman sa kanya.

"No. Susunduin kita." hinawakan nya ang mga kamay ko.

"It's okay bhi. Goodluck sa research mo. I know you can do it, okay." hinaplos ko sya sa kanyang pisngi. Hinakawan naman nya ang kamay ko saka ito hinalikan.

I smiled at him. Kinikilig ako. Hmmm😊😊 Maya-maya pa ay lumapit pa sya sa akin at hinagkan ang noo ko. I hugged him so tightly.

"I love you." bulong nya sa akin. Humarap ako sa kanya.

"I love you too."

Nagpaalam na sya sa akin at sumakay sa sasakyan. Binuksan nya ang bintana ng kotse at kumaway sa akin. Nagwave din naman ako sa kanya. Pinaandar na nya ang makina at tuluyan ng umalis.

Binuksan ko na rin ang gate. Pumasok na rin ako sa loob ng bahay.

💑💑💑💑💑

***********
°°°°°°°°°°°°°°

hi ∩˙▿˙∩

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon