~Chapter 11~

212 4 0
                                    

💓💓💓💘💘💘

[Cindy]

After akong tawagan ni Erick ay saka ko lang napagtanto ang hitsura ko. Napalingon ako sa katabi ko. Nanlaki ang mga mata ko. Dahil nga nakapatong ang ulo ni Stephen sa balikat ko ay sobrang lapit ng mukha nya sa akin.

Sobrang bilis ng tibok ng puso ko. Halos lumabas na ito sa dibdib ko sa sobrang bilis nito. I can feel Stephen's breathe. Grabe ang bango nya.

Gumalaw nang bahagya ang mga labi nya. Sa gulat ko ay napakislot ako at biglang napatayo.

"Ouch!" ani Stephen. Dahil nga sa pagtayo ko ay bigla syang nalaglag sa sofa.

Napaangat sya ng tingin sa akin. Nakakunot ang noo. Mukhang hindi ata maganda yung ginawa ko.

"Ahm. I'm sorry. Nagulat kasi ako." sabi ko na umiwas ng tingin sa akin.

"It's okay. Sana ginising mo na lang ako." mahinang sabi nya. Patayo na sya.

Nagkatinginan kami. Ganun lang. Tahimik. Aghhh... Magsalita ka Cindy. Kumilos ka. Huwag tutunganga dyan. Pero hindi ako makakilos eh. Para akong namamagnet ng mga mata nya. Ganda kaya.

"Tayo na lang ang nandito." basag ni Stephen sa katahimikan. Palinga-linga pa sya.

"M-mukha nga. Baka umalis na sila agad after ng movie. Hindi ko tuloy napanood." nagpout pa ako.

"Some other time na lang. Tara baba na tayo. Baka mamaya eh kung ano na iniisip ng mga yun."

"Ano naman iisipin nila?" napatingin sya sa akin at napangisi.

"Alam mo na..." kumindat pa sya sa akin. Nanlaki naman ang mata ko.

"What do you mean?" napamaywang pa akong lumapit sa kanya.

"Wala." natatawa nyang sagot.

Loko-loko. Hinampas ko nga ang braso nya. At dahil napahalakhak na lang sya. Kahit naiinis ay napangiti na lang ako. Saya saya pala nyang panoorin kapag tawa sya ng tawa.

"Hay naku. Masyado kang masaya. Tara na nga." sabi ko sa kanya. Inawat ko na sya baka mapatulo pa laway ko kapag tumitig pa ako ng husto sa kanya. Huh? 😨😨😨 Bakit ko ba naisip yun.

Lumakad na nga ako palabas ng kwarto. Patakbo naman syang humabol sa kanya. Nasalubong namin sa hagdan ang isa sa mga katulong nina Xander. Tinanong ito ni Stephen at nasabi naman nitong nasa garden ang lahat.

"Siyanga pala. Can I ask you something?" sabi ko kay Stephen.

"Hmmm?"

"Bakit nga pala hindi mo ako pinapansin ng mga nakaraang araw?" imbes na sumagot sya at tinawanan nya ako.

"Nakadrugs ka ba? Panay ang pagtawa mo." sumimangot naman syang tumingin sa akin. Ako naman ang natawa.

"Tignan mo to. After mo akong sabihing nakadrugs ikaw naman tong tatawa."

"Sorry. Eh bakit nga?"

"Wala lang. Akala ko kasi galit ka sa akin." sagot nyang hindi tumitingin sa akin.

"Really? Akala ko nga galit ka sa akin kaya hindi mo ako pinapansin. Pero kapag sina Jess at Tanya kaharap mo, pinapansin mo naman sila."

"Really? Eh kasi nga akala ko galit ka sa akin."

"Eh bakit naman kasi yun ang naisip mo?"

"Eh diba nagtext ako sayo. Sungit mo pa nga eh. I try to call you. Hindi mo naman sinagot. Kaya akala ko galit ka. At ayaw mong makipagkaibigan sa akin. Kaya naisip ko, better na wag ka na lang kulitin."

"Really?"

"Oo nga. Then, ito. Inaya kayo nila Xander para sumama sa amin. Akala ko nga hindi ka sasama eh."

"Eh hindi naman talaga eh. Pinaalam ako kaya sumama na rin ako."

"So napilitan ka lang palang sumama sa amin. Kasi ayaw mo kaming kasama."

"Ay grabe sya. Drama." sabi ko sabay hampas sa braso nya.

"Ay grabe sya. Nakakarami ka na sa paghampas hampas ah."

"Ay, sorry." nagpeace sign pa ako. Tumawa pa sya. Tignan mo tong loko-loko na to. Hampasin ko to ulit eh.

"Gusto ko rin naman sumama. Siyempre kaibigan ko na kayo eh. Alam mo bang yung tanging bestfriend ko ay iniwan na ako. Para na kaming magkapatid nun." tumigil sya sa pagtawa at lumingon sa akin.

"Since graduation ng high school ay umalis na sila patungong Japan. Doon na daw sila titira ng parents nya. Kaya ayun. Wala naman akong ibang kaibigan eh. Buti na nga lang at nandyan si Erick."

"Yung boyfriend mo." I think I heard Stephen whispered. Pero hindi ko naman naintindihan.

"Sya na lang nakakasama ko, minsan naman sila Kuya at Thea. Pero iba pa rin talaga yung nasasabihan mo ng lahat."

"I can be your walking diary." sabi nya sa akin. Napalingon ako sa kanya and he smiled at me.

"Walking diary?"

"Oo. Diba, diary ang madalas ginagamit kapag may mga secrets kang ayaw mong sabihin sa iba. Sa diary ka rin nagsasabi ng mga himutok mo sa buhay. I can be your walking diary." sabay kindat. 😉

"Talaga lang ah."

"Oo naman. Pwede naman."

"Let's see." sabay pa kaming napangiti.

😊😊😊😊😊

●●●●●●●●

[Jess]

Nakita kong siniko ni Xander si King. At napaangat naman ng mukha si King dahil nga nakatutok ito sa kanyang phone.

Napatingin pa kami sa gawi kung saan may inginuso si Xander.

"Nandyan na sila." sabi nito.

Nakita naman naming papalapit sa amin sina Stephen at Cindy. Narito kami sa garden. Nakasalampak kaming lahat sa blanket na inilatag ni Xander at Aris. Picnic ang peg.

"Ano bang meron dyan sa dalawang yan?" tanong sa akin ni King.

"Aba malay ko. Ikaw tsismoso ka." sagot ko sa kanya. Ngumuso naman sya.

"Nagtatanong lang eh." nagbelat naman ako sa kanya.

"Oh. Gising na pala ang lovebirds natin ah." ani Aris. Binatukan naman sya ni Xander. Natawa na lang ako.

"Siraulo!" sabi namang natatawa ni Stephen.

Naupo na rin silang dalawa ni Cindy. Sa akin tumabi si Cindy. Nakatingin lang ako sa kanya. Nang mapansin nyang nakatitig ako sa kanya ay napakunot sya ng noo.

"Bakit?" usisa nya.

"Hmm. Kung hindi ko lang alam na may boyfriend ka na, iisipin kong kayo ni Stephen." sabi ko na hinihimas kunwari ang baba ko.

"Grabe ka. Magkaibigan lang kami. Siguro ngayon lang kami nagiging close kaya ganun." sagot nya sa akin pero hindi naman nakatingin sa akin. Kundi kay Stephen.

"Eh bakit pala titig na titig ka dyan sa kanya." Nanlaki naman ang mata nyang napalingon sa akin. At natawa naman ako sa reaksyon nya.

"Oh bakit? Ano pinag-uusapan nyo at natatawa ka dyan?" usisa ni Tanya sa akin.

"Wala..." si Cindy ang sumagot. Napapigil pa ako sa pagtawa dahil sa kanya. Naku naman. Sana lang hindi sila mafall sa isa't isa. May boyfriend na kasi si Cindy.

*********
========
°°°°°°°°°°°

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon