~Chapter 5~

276 4 0
                                    

************
°°°°°°°°°°°°°°°

📱📞📱📞📱📞📱📞

[Erick]

Nagbibihis na ako nang magring ang phone ko. Tinignan ko yun at si mommy ang tumatawag. Naupo muna ako bago sinagot iyon.

"Hello Clint. How are you anak?" si mommy.

"I'm fine mom. Kumusta po kayo ni daddy?" tanong ko naman sa kanya.

"We're good. Anak about the thing we talk about? In three months, uuwi kami ng daddy mo."

"Ok. See you soon then."

"Alam na ba ito ni Kae?"

"Hindi pa po. Ang hirap kasi mom. Can we just enjoy the time na magkasama kami? I just want to spend some time with her bago ko gawin ang ipinangako ko kay lolo."

"Ok. Ikaw bahala. Basta sabihin mo sa kanya."

After that I hung up my phone. Hirap pala talaga ng ganito. Yung nakaplano ang future mo. Ano pang silbi ng pangarap.

Yung napag-usapan, tungkol sa napag-usapan. Sumasakit ang ulo ko kapag naalala ko yun.

FLASHBACK (six months ago)

"Bakit ako mom?! Paano naman ako? Ano ba to, lokohan ba to?!" matigas kong sabi kay mommy.

"Anak, please understand. Please do this for your lolo. Alam kong mahirap. Kahit ako, kami ng daddy mo ay nahihirapan."

"But mom.." napaupo na ako sa sofa. Sinapo ko ang ulo. I can't believe this is happening to me.

Para kay lolo. Si lolo. I guess I don't have a choice. Mahal ko si lolo. Lolo have two times heart attacked. And this time he reminds mommy about the arranged marriage thing.

May bestfriend kasi si lolo. Since they were a child. Lagi silang magkasama hanggang sa mag-aral at magsipag-asawa. They made a promise na kapag magkakaanak sila ay ipagkakasundo nila ang mga ito. Pero nagkataon naman na pareho silang babae.

Hindi na nagkaanak ulit ang best friend ng lolo dahil maagang namatay ang asawa nito. Ayaw naman mag-asawa ulit ang bestfriend ni lolo. They talked about again na sa mga apo nila gagawin ang kasunduan.

Matagal nang alam ito ni mommy pero hindi daw sinasabi sa akin dahil hindi na iyon binanggit pa ng lolo not until he was rush to hospital. It was his third attacked. At tinaningan na sya ng doktor.

"Mom, mahal na mahal ko si Kae."

"I know anak. Pero she need to know. Lalo lang kayong masasaktan kapag pinatagal nyo ito."

👴👴👴👴

END OF FLASHBACK
●●●●●●●●●●●

Kinausap ko nun si lolo. Wala na akong magawa. Pero paano ang future ko? Paano na kami ni Kae. I just don't know how to tell her this situation.

Sa totoo lang hindi ko pa kilala ang babaeng nakaplano sa future ko. Ang magiging future wife mo ay hindi mo naman kilala. Ang saklap diba.

**********
°°°°°°°°°°°°°

[Cindy]

Bago pa ako lumabas ng kwarto ay tinawagan ko si Erick. Medyo matagal bago pa sya sumagot.

"Hello, bhi. I can't talk to you right now. Nagdadrive na ako papasok eh. I'll text you kapag nakarating na ako sa school. I love you so much."

"Okay. I love you, too. Take care." inend ko na ang phone ko. Lumabas ako ng kwarto.

Sakto naman padaan si Thea. Nakabihis na pala sya.

"Saan si Kuya?"

"Ewan ko ba. Kinatok ko sya kanina sabi wait lang daw. Arte-arte. Daig pa ang babae." sagot naman ni Thea sa akin.

"Diba. Maarte naman talaga si Kuya eh"

"Hey! I heard that!" nagulat ako nang marinig ko ang boses ni kuya sa likod namin ni Thea.

"Nandyan na ang dragon!" sabi ko sabay takbo namin ni Thea. Nagtatawanan pa kaming dalawa.

Nakasunod naman si kuya na kunwari ay galit na galit. Tawa lang kami ng tawa ni bunso.

Hanggang nakarating na kami sa may garahe. Hahangos-hangos naman si kuya. Nag-apir naman kami ni Thea.

Pumasok na si kuya sa kotse. Pumasok naman ako at sumakay sa harap. Nagulat pa si kuya na tinignan ako.

"Oh bakit?"

"Pasabay ako ha."

"Bakit, hindi ka ba susunduin ng boyfriend mo?"

"He needs to go to school early daw eh. May aasikasuhin pa daw sya."

"Hala Ate. Baka na sinusundo nun." sabat sa amin ni Thea.

"Will you?" sinamaan ko sya ng tingin at tinaas pa ang dalawang kamay na parang sumusuko. Tumawa naman ng malakas si kuya.

"May kotse ka naman bakit hindi iyon ang gamitin mo?" ani kuya pero inistart na nya ang kotse at palabas na kami ng garahe.

"Ayaw ko magdrive. Wala ako kausap sa daan."

Hindi na ulit nagsalita si kuya. Naihatid na namin si Thea kaya sa SSU na ang diretso namin. Kuya parked the car at sabay na kaming naglakad.

Masasalubong namin sina Jess at Tanya kaya kinawayan ko sila. Kumaway din naman sila sa akin at dali-daling lumapit sa amin.

"Hi Cindy." silang dalawa.

"Hello. Oh by the way, this is my Kuya Dylan. Kuya sila yung sinasabi kong new friends ko."

"Hello po." sabay talaga ha.

"Ouch! Bakit may po? Dylan na lang." nakipagshake hands pa si kuya sa kanila. Para namang kinikikig yung dalawa. Halata kaya.

"Sige Kuya dito na lang ako. Thanks for the ride." kaway ko sa kanya.

"Ipagtabuyan ba ako? Mayang break time ha. Pupuntahan kita. Babawi ka pa sa akin, baka nakakalimutan mo." sabay kindat sa akin.

Kumaway na lang sya at umalis na rin. Mahina akong tinulak ni Tanya at nagtatatawa naman si Jess.

"Hindi mo naman sinasabi may kuya ka palang gwapo. Kainis ka." kinikilig pa nga.

"Talaga? Gwapo ba yun? Galing-galing nga mang-asar nun eh. Tupakin pa nga yun eh." nagcrossed arm pa ako.

"Ano gwapo sayo yung boyfriend mo. Kunsabagay. Pero for me ha. Masgwapo kaya yung kuya mo. No offense."

"Whaatt?? Akala ko ba friends ko na kayo?"

Nagtawanan na lang din kaming tatlo. Tumungo na lang din kami sa building namin. Nadatnan namin sa classroom sina Stephen at ang mga kasama nya.

Nagwave yung tatlo sa amin. Ganun din kami at nagngitian. Pero napansin ko lang parang hindi namamansin si Stephen. Anong problema nya.

Nagstart ang klase namin. Minsan ay napapatingin ako kay Stephen. Umiiwas sya ng tingin kapag nagtatama ang mga paningin namin.

Galit ba sya dahil hindi ko sinagot ang tawag nya? Para yun lang talaga? Pero hanggang breaktime ay hindi pa rin namamansin si Stephen. Pero kapag sa iba naming kaklase ay namamansin naman sya at ngumingiti pa nga. Eh bakit sa akin, hindi naman. Hmp😒😒

Tinototoo nga ni kuya ang sinabi nyang pupuntahan ako sa room. But of course I have no choice, minsan lang din naman maglambing si kuya sa akin.

Buti na lang at hindi nya kasama sina Kuya Al at Kuya Peter. Humiwalay daw muna sya para hindi daw nakakahiya sa akin. Talaga lang.

😮😮😮😮😮😮

***********
°°°°°°°°°°°°°°

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon