[Cindy]Nasa Japan na ngayon sina Erick at Alice. Doon na sila naghoneymoon. Masayang masaya ako para sa kanilang dalawa. Dahil alam kong mahal na mahal na nila ang isa't isa.
Hindi ko akalaing naging ex ko si Erick dahil sa best friend ko. At siya pa pala ang magpapasaya kay Alice. Dahil doon. Alam kong nakamove on na ako. It was three years ago. I'm just so happy right now.
Because today is going to be a special day for me. Ito ang araw na pinakahihintay ko. Pinaghandaan ko to.
Pababa na ako ng hagdan nang makita kong nakaupo sa sofa si Ray. Nakalong sleeve lang ito with tie. Well, nakacasual dress lang ako. Above the knee siyempre, off shoulder.
"Lalo kang gumaganda araw-araw, alam mo ba yun?" ani Ray sa akin.
"At araw-araw mo din akong binobola. Alam mo ba yun?" sagot ko sa kanya at umangkla pa sa braso niya.
Inalalayan na niya ako patungong kotse. Wala kasi si kuya Dylan kaya sinundo na ako ni Ray. Si Thea ay nauna na sa school. Sinundo ng manliligaw. Oh diba, may nanliligaw na sa kanya, sa taray niyang iyon.
Sa SSU na rin kasi siya nag-aaral. Classmate niya ang manliligaw niya. Maswerte siya at ayos lang yun kay daddy lalo na kay kuya. Samantalang ako nun, kontra si kuya.
"Naku, siguro cute kapag magkaroon na ng mga anak sina Erick at Alice no." basag ni Ray sa katahimikan.
"Huh?"
"Diba nga naghahoneymoon na sila. Masmaganda kung magkababy na sila agad. Masaya ang ganun."
"Saan mo naman nakuha ang mga ganyang ideya? Don't tell me, gusto mo na rin mag-asawa at magkaroon ng mga little Ray?" natatawang sabi ko sa kanya.
"Oo naman. Hindi lang little Ray ang gusto ko. Mga little Kae din sana." aniya at hinawakan ang kamay ko.
Napatingin ako sa kanya. Pero nakatuon ang tingin niya sa kalsada. Nakangiti siya. My God, Ray. Ano ba tong ginagawa mo. Kinikilig ba ako? Hindi ko maigalaw ang kamay ko para alisin ang mga ito sa pagkakahawak niya.
"Ayan ka na naman. Diba napag-usapan na natin yan?"
"I know." tawa niyang sabi saka bawi ng kanyang kamay. Pero bakit I feel disappointed. Dahil ba binitawan niya ang mga kamay ko?
He's always been there for me. Simula nang maging magkaibigan kami. Lagi niya akong pinapangiti. Kahit na boyfriend ko na noon si Erick.
At nang masaktan ako ni Erick ay naroon din siya. Isa siya sa mga naging sandalan ko. Mula noon mas naging malapit pa kami sa isa't isa. Kaya I declare him as my guy best friend. Masaya ako tuwing kasama ko siya.
Lalo na nung makagraduate na si kuya at lagi na siyang umaalis. Ewan ko ba, tiwalang tiwala sa kanya si kuya. Kahit na nga ang parents ko ay natutuwa sa kanya.
Pinakilala din niya ako sa parents niya. They even like me. Natatawa na lang ako kapag pinagmamatch kami. Well.. Lihim akong napangisi.
"Here we are." napakurap pa ako nang makitang nasa school na nga kami.
Inalalayan na niya ako palabas ng kotse. Naroon na rin ang buong barkada. Nakasuot na ng mga toga. Inabot sa akin ni Ray ang toga ko at sinuot na rin ang sa kanya. And I do the same.
Later on, nagsimula na ang ceremony. At nang tawagin na ang name ko, ay tumayo na ako at naglakad. Nagulat na lang ako nang makita sina daddy at mommy sa may hagdan ng stage.
Daddy grab my hand at sabay kaming umakyat. Sinabit niya sa akin ang medalya at inabot ang isang certificate. Proud na proud sila sa akin. Masayang masaya naman ako dahil natupad ko ang pangako ko kina daddy at mommy.
After ng graduation ay sabay-sabay na kaming umalis nina daddy at mommy. Pati na rin si kuya at Thea. Siyempre si Ray kasama ng pamilya niya.
"Akala mo hindi kami darating no." ani kuya.
"Oo. Sabi mo kasi marami pa kayong aasikasuhin eh. Hmp! Magtatampo na sana ako. But you came." tuwang tuwa kong sabi.
"But of course, anak. And we're so proud of you. Alam ko namang kayang kaya mo yan. After all that you have been through. I'm so proud that you've really grown up." si mommy. She even hug and kiss me.
"Thanks mom. It's all for you."
"And napag-usapan na namin ito ng mommy mo. I think you should go with us in Korea." si daddy.
Nagulat ako sa kanyang sinabi. Bakit sa Korea? Ayaw kong umalis.
"Korea?"
"Yes Kae. Ikaw naman ang pupunta ng Korea. Pag-aaralan mo ang bussiness natin dun. At ako naman. Dito na sa Pilipinas." sabi naman ni kuya na kumindat pa sa akin.
"Pero masgusto kong dito na lang pumasok sa company natin."
"Hindi anak. You should go there para malaman mo at matutunan kung paano patakbuhin ang kompanya natin."
Hindi ako agad nakasagot kay daddy. Dami-daming tumatakbo sa isip ko. Hindi ko alam kung anong gagawin ko. Ito naman talaga ang gusto ko, diba. Pero nagbago yun mula nang makilala ko ang mga bagong kaibigan ko. Lalo na si Ray. Pero kailangan ko pa ba talagang lumayo?
Malalayo ako sa mga kaibigan ko. Even kay Ray. Mamimiss ko siya. Ayaw kong lumayo sa kanya. Not now. Kaya ko bang malayo sa kanya?
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Fiksi RemajaYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...