★★★★★★
[Erick]
I'm calling mommy now. Nasa Japan kasi sila ngayon. Actually 3 months na sila doon. Pero uuwi sila after 3 months. Kapag nangyari yun, makikilala ko na ang babaeng makakasama ko habang buhay.
Sakit isipin na hindi si Kae ang babaeng iyon. Mula nang ligawan ko sya bumuo ako ng mga pangarap kasama sya. Mga pangarap na hindi na matutupad. Sakit isipin na future na excited mong harapin, ngayon ay nakaplano na.
Nakaplano na hindi naman plinano. Planado na hindi ko naman ginusto. Ano pa ba ang magagawa ko. I promised lolo. I promised to my dying lolo.
After I promised him ay bigla na lang syang napasinghap. And that's when I realized na nalagutan na pala sya ng hininga.
That was so heart breaking. 💔💔💔 Doubled. First, namatay ang grandpa ko. I'm close to him. Siya pa nga nagturo sa akin ng pagdadrive. My first car was a gift from him.
Second, I can't take my life back. A free life. Lahat ngayon ay magbabago na. That was so hurt.
"Hello, anak?" my mom answered.
"Yah, hello mom."
"Yes? May probkema ka ba?"
"No mom." pag-iling ko. "Kumusta kayo dyan ni daddy?"
"We're good. Paalis din kami ng dad mo. May aatendan kasi syang party. Alam mo na, bussiness."
"Ok. Take care and enjoy. Baka naman po puro trabaho si daddy ha. He should take some rest minsan."
"I always tell that to your dad. Pero kilala mo naman sya."
"Ok. Bye mom. I miss both of you."
"Ok son. Take care of yourself too. And we miss you too. Soon uuwi na kami."
Inend ko na yung call. Hirap din kapag only son. Kapag wala ang parents mo, wala ka nang kasama. Kundi katulong, barkada na lang.
I dialled Kae's number. It was ringing. Pero hindi naman sya sumasagot. Bakit kaya. After it ends, I dialled it again. Thanks God she answered.
"Hello bhi." her voice cracked.
"Hello. Nakatulog ka ba? I'm sorry kung nagising kita."
"It's okay. Nanonood kami kanina ng movie eh. Nakatulog pala ako. Why did you call? Is there something wrong?"
"Wala naman. Teka, bawal na ba kitang tawagan? Namimiss na kita eh."
"Sira. Of course I miss you, too." I heard her chuckled.
"Akala ko nakalimutan mo na ako eh. Porket kasama mo mga bago mong kaibigan." nagpout pa ako na kala mo nakikita nya ako.
"Of course not."
"It's okay. I just checked on you. Alam ko naman you were lonely when Alice left. Its a good thing you meet new friends. Just enjoy okay. Text or call me if there's something happens."
"Yes of course. Thank you, bhi. I love you so much."
"I love you too, bhi. Ba-bye."
Inend ko na yung tawag. Boring naman ng weekend ko. I took my keys and went out.
Nagdrive ako papunta kina Matt. Kesa naman mag-isa ako sa bahay. Tambay na lang ako sa kanila.
Sa labas na lang ng bahay nila ko ipinark ang kotse ko. Nang makapasok ako sa loob ay sinabi ng katulong na nasa study room daw si Matt.
Umakyat nalang ako doon. Nadatnan kong abala sya sa harap ng laptop nya. Hinila ko ang silya malapit sa kanya at naupo.
"Oh, bakit ka naman nandito?" tanong nya sa akin.
"Wala ako magawa sa bahay eh. Diba wala nga si Kae. Nandun sa bahay ng bagong kaibigan nya. Kasama ng mga bagong kaibigan nya." sagot ko.
"Selos ka?"
"Sira! Bakit naman ako magseselos. Mabuti nga yun nang makakilala sya ng mga bago nyang kaibigan." bumuntung hininga na lang ako.
"Oh, ang lalim nun ah. Hindi ko yat yan masisisid. May problema ba?" humarap na sya sa akin.
"Wala. Inom tayo?" napakunot noo sya.
Hindi na lang din sya sumagot at bumaba kami. Tumungo kami sa mini bar nila malapit sa may pool side nila.
Tig-isa kami ng bote ng beer. Nagcheers pa kami saka lumagok.
"Sabihin mo na pre, may problema ka eh. Hindi ka naman nag-aaya na uminom kapag walang gumugulo dyan sa utak mo." sabi sa akin ni Matt.
"Hindi ko alam pre eh."
"Gulo mo. Sabihin mo na kasi nang hindi ka na nahihirapan."
"In three months uuwi na ang parents ko." sabi ko sa kanya.
"Oh!? Yun lang ba? Ano naman problema dun?" binatukan ko nga sya at sumama ang tingin nya sa akin.
"Hindi pa kasi ako tapos eh." buntung hininga ako ulit.
"Puro ka kasi ganyan eh. Hindi mo pa ikuwento ng dire-diretso." napatingin lang ako sa kanya. Lumagok muna ako sa beer ko bago ulit magsalita.
"I'm getting married but I don't know who and when." walang gatol kong sinabi.
Nasamid ata si Matt kaya napaubo sya ng napaubo. Tinapik tapik pa nya ang dibdib nya saka tumingin sa akin.
"Whhaaaaatttttt!!!!????" I nodded. "Problema nga yan." napailing pa sya.
"At hindi ko pa nasasabi kay Kae."
"Masmalaking problema yan. Paano na ngayon nyan?" sabay pa kaming napalagok sa iniinom namin.
"I really don't know. Hindi ko alam kung paano ko sasabihin. Mahirap para sa akin to, pre. Hindi ko alam ang gagawin."
"Ang higit na masasaktan dito pre ay si Kae. Saka kailangan mo ba talagang magpakasal sa taong hindi mo naman alam kung kanino?"
"I have no choice pre. I made a promise kay lolo. Saka kay mama pa ang arranged marriage na to. Its just happen na babae din yung anak ng bestfriend ni lolo. Kaya naipasa sa mga apo."
"I can't imagine na mangyayari yan sayo. Kung wala ka na talagang magagawa, masmaiging sabihin mo na kay Kae. Dahil kapag pinatagal mo pa ito lalo syang masasaktan."
"Alam ko naman yun eh. Hindi ko lang alam kung paano sabihin."
"Edi ibuka mo yang bibig mo at magsalita ka." tinignan ko sya ng masama.
"I'm joking pre. Pinapatawa lang kita. Eh mukhang hindi ka naman natawa. Sorry. Ipunin mo yang lakas ng loob mo para masabi mo sa kanya." sabi nya sa akin at tinapik ang balikat ko.
Napayuko na lang ako. Nag-iisip. Ahh! Hindi ako makapag-isip!!! Inangat ko ang mukha ko. Napatingala. I wish I could tell to Kae easily. At sana lang magkaroon sya ng malawak na pang-unawa.
Mag-aanniversary pa naman kami tapos ganito. Hirap. Sakit.
********
°°°°°°°°°°💔💔💔💔💔💔
😔😔😔😔😔😔
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Teen FictionYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...