~Chapter 29~

188 3 0
                                    


[Stephen's POV]

One week na mula nung nagkita-kita kami sa mall nun. Naging tahimik na minsan si Kae pero hindi ko naman hinahayaan na malugmok siya sa ganun.

Kaya pinipilit kong gawin lahat para kahit paano ay mapangiti ko siya. At salamat naman at hindi ako nabibigo.

Mahaba haba ang breaktime namin ngayon dahil dalawang subject namin ang wala kaming prof.

Nagkayayaan na lang kami na tumambay sa may gym. Wala naman ibang tao rito dahil klase lang naman namin ang free ngayon.

"Minsan tambay naman tayo sainyo Kae." sabi ko sa kanya na nakapalumbaba pa.

"Ano naman gagawin natin sa amin?" matamlay niyang sabi at tumingin sa akin.

"Tambay lang. Magmovie marathon. Kumain." sabat ni King.

"Dyan ka magaling! Sa pagkain!" pinitik pa ni Jess ang tainga nito.

Pinitik naman ni King ang noo ni Jess. Saka sila magtatawanan. Mukhang may kakaiba sa dalawang to eh.

Napatingin ako kay Kae nang tumayo ito at bumaba sa bench.

"Saan ka pupunta?" tanong ko sa kanya.

"Cafeteria. Nagugutom ako." sagot niya na hindi man lang lumilingon.

"Sama ak--" agad kong hinatak si King at ako ang bumaba papalapit kay Kae.

Narinig ko palang silang nagtawanan at kinantyawan si King. Pero hindi ko nalang iyon pinansin. Halos patakbo akong lumapit kay Kae dahil medyo mabilis siyang maglakad.

"Hintayin mo naman ako, Kae." nilingon nama niya ako.

"Sino ba nagsabi sayong sundan mo ako." cold niyang sabi. Hay.

"Grabe naman to. Gusto lang kitang makasama. Saka gutom na rin kasi ako. Saka baka sakaling ilibre mo ako."

Napangisi pa ako sa kanya. Pero napapitlag ako ng tapunan niya ako ng matalim na tingin.

"Whoa! Gutom na gutom ka na nga. Tingin mo pa lang parang kakaiinin mo na ako. Hindi ako masarap."

"Ewan ko sayo!" ngiwing sabi niya.

"Ito naman init ulo agad. Joke lang naman. Ako na lang manlilibre sayo." inakbayan ko pa siya nang sabihin ko yun. Sana hindi niya tanggalin kamay ko.

Napangiti na lang ako ng malaki nang hinayaan lang niyang nakaakbay ako sa kanya. Yes! Naglakad pa kami ng kunti hanggang sa makarating na kami sa cafeteria.

Apple pie at juice lang inorder niya. Ako naman ay pasta, sandwich, apple pie na rin at shake.

"Dami naman niyan." sita niya sa akin nang makaupo na ako sa tapat niya.

"Gutom ka diba kamo. Hayaan mong busugin kita." sabay kindat sa kanya.

"Pfft. Pero hindi naman ako pg no."

"Wala naman ako sinabing ganun. Saka hayaan mo na, treat ko naman. Lugi na nga ako sayo eh. Never mo pa akong nilibre." nagpout pa ako.

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon