~Chapter 15~

202 4 0
                                    

📱📞📱📞📱📞📱
😊😊😊😊

[Cindy]

Nagbibihis na ako ng pambahay. Katatapos ko lang magshower. Pagkahatid sa akin ni Erick ay agad na siyang nagpaalam. Hinayaan ko na lang siya at hindi na kinulit pa.

There's something on him. Hindi ko alam pero hahayaan ko lang siya. Kung kukulitin ko siya baka makadagdag lang ako sa iisipin pa niya.

Pahiga na ako nang tumunog ang phone ko. Inabot ko yun na nasa sa side table ko. Binuksan iyon at isang message ang nag-appear. Number ulit. I open it.

"Hi Kae. Masaya ako at okay na tayo. As friends siyempre. Sana hindi mo na ako susungitan. Saka, isave mo na number ko. Please???😇😇😇"

Cute naman. It really makes me smile. Hmmm.. Bakit nga ba ako napapangiti. Hmmm.. It's nothing. Its just a message from Stephen. Yah, we're friends na. Pwede naman siguro yun. Kesa naman lagi kami nagkakasama eh hindi naman kami nagkikibuan.

I started to type.

"Of course, I'll save your number. We're friends naman na nga diba. Next time kasi magpakilal, ok?"

"Yun oh! Thanks Kae.😊"

I smiled. Oh, masama bang ngumiti. Eh friend ko naman katext ko eh. Halos maibato ko ang phone ko nang magvibrate ito. Gosh!

It's Stephen. He's calling me. Ahmm.. Ano na. Ah sige sasagutin ko na nga.

"Hello?"

"Oh. Akala ko ba sinave mo na number ko? Eh bakit maghehello ka pa, eh ako naman to." aniya. Pasaway talaga to.

"Ano ka ba. Kahit naman nakasavr number mo, maghehello pa rin ako no. Ganun naman diba dapat ang pagsagot sa tawag."

"Basta ako ang tatawag sayo wag ka na maghehello. Just call me Ray."

"Demanding? Sige, Stephen." asarin ko nga.

"Ay. Ray nga diba. I want you to call me Ray na lang."

"Stephen." nagpipigil na ako ng tawa.

"Ay grabe siya. Rsy na nga lang."

"Stephen Ray."

"Ray lang. Wag na yung Stephen." rinig ko na ang pagkainis niya. Haha.

"Sige na Ray. Baka mamaya eh umiyak ka pa dyan eh." natatawa kong sabi sa kanya.

"Grabe ka sa akin. Siyanga pala. Salamat nga pala ha. Thank you at sumama ka sa amin kahapon. Thank you."

"Paulit-ulit. Wala yun. Saka thank you din. Nag-enjoy naman talaga ako eh. No worries."

"Mabuti naman kung ganun."

Nagkuwentuhan pa kami ng nagkuwentuhan. Hindi ko na namalayan ay may kumakatok na pala sa pintuan ko. Nagpaalam na rin ako kay Ste-- ay Ray pala.

Pinapasok ko ang kanina pang kumakatok. Istorbo naman kasi eh.

"Ate, lunch na daw tayo nina Kuya. He's waiting at the dining." si Thea pala.

"Yah, bababa na ako." sumabay na ako kay Thea.

"So tell me, ate. Kumusta naman ang  birthday party ni Kuya Xander? Is it fun?!"

"Hindi naman yun party. Parang sleep over lang. Masaya naman. Nakapagbonding kami ng mga new friends ko. Naggames din kami. Nanood ng movie."

"Ganun. Sana sumama ako. Paano kasi si Kuya, boring kasama. Tapos kung maggagames man kami, psp naman. Hmp!" nagcrossed arm pa siya.

"Hindi ka naman pwede dun no."

"You know what te. May new friend ka na super gwapo. Eeiihhh. Crush ko siya." kinikilig pa na sabi niya.

"Aba't.. Hoy Crystal Thea Salazar! Bata bata mo pa, may nalalaman ka ng crush dyan."

"Oh my. Look who's talking. Sino ba dyan ang 15 na eh nagpapaligaw na." napanganga ako sa sinabi niya. My gosh, ako yun. Eh ano naman, at least hindi ko pinabayaan ang studies ko. Hmp!

"Wag mo ibahin ang usapan." sabi ko sa kanya.

"Crush lang naman eh. Ano na nga bang pangalan niya? Hmmm.. Ray! Si Kuya Ray! Diba te, ang gwapo gwapo niya." umangkla pa sa akin si bunso.

"Talaga??!! Gwapo yun sayo? Hello, masgwapo kaya si Erick." sabi ko naman sa kanya.

"Sinasabi mo lang yan kasi nga boyfriend mo siya. Pero kung wala kang boyfriend, sa malamang gwapong gwapo ka sa kanya. Maniwala ka ate."

"Hay naku. Tigilan mo nga ako Thea."

"Oh, ano naman yang pinagtatalunan ninyo?" usisa sa amin ni kuya. Nakarating na pala kami ng dining. Naupo na kami ni Thea.

"Eh kasi nga diba, super gwapo ni Kuya Ray? Yung new friend ni Ate. Yung matangkad na maputi." sagot ni Thea.

"Masgwapo pa sa akin?" si kuya.

"Oh, isa ka pa kamo Kuya. Diba, gwapi niya. Masgwapo pa kaysa kay Kuya Erick."

At dahil sa sinabing iyon ni Thea ay nagtatatawa si kuya. Pasaway talaga ang mga ito. Malamang pagkakaisahan na naman nila.

"Eh masgwapo nga ako kaysa kay Erick eh. Hahaha. Naku naman Thea, ngayon mo lang ba nalaman?"

"Nakakainis kayong dalawa, pinagkakaisahan nyo na naman ako ha." inis na sabi ko sa kanila.

"Sige na, tama na yan. Kumain na muna tayo. After this mag-ayos kayo at aalis tayo."

"Talaga Kuya?" excited na sabi ni Thea.

"Oo, treat ko kayo. Pero walang magpapabili ng kung anu-ano ha." natatawang sagot ni kuya Dylan.

"Himala at maglilibre ka ngayon Kuya. Ano namang pakulo mo. Siguro may ginawa kang kasalanan, ano! Ano yun ha!?" tinuro ko pa sya.

"Tigilan mo nga ako Kae. Bakit masama ba? Hindi na tayo nakakapagbonding eh. Gusto ko lang makasama kayo. Itong si Thea, naku nagdadalaga na. Baka sa susunod hindi na natin makasama yan. Baka puro barkada na lang din yan."

"Siyempre naman. Boring mo kayang kasama Kuya." nag-apir pa kami ni Thea.

"Tignan mo to. Loko. Ikaw naman Kae. May bagong friends ka na bukod dyan sa boyfriend mo. Maya niyan hindi ka na rin mapermes dito sa bahay."

"Drama mo Kuya. Sige na, sasama na kami sayo. Kumain na nga tayo, baka mamaya iiyak ka pa dyan." nagtawanan nalang din kaming tatlo.

Minsan lang mag-aya ng treat si kuya kaya masaya kami n Thea. Kahit naman mapang-asar siya eh thoughtful at maalaga din siya.

After nga namin maglunch ay nagbihis na kami ni Thea. Si kuya na nga ang nagdrive. Nasa passenger seat ako at sa likod si Thea.

Tuwang tuwa kaming talo. Una nanood muna kami ng movie. Saya-saya lang namin dahil ngayon lang ulit kami nagbonding na magkakapatid. Bukod pa nga sa nasa malayo ang parents namin.

Nagtungo na kami ng mall. Nanood muna kami ng movie. Siyempre si Kuya ang nagbayad ng ticket. Ang saya-saya naming tatlo. After we watched movie ay nagtungo naman kami ng timezone.

Nagshooting lang si kuya samantalang kami ni Thea ay sa arcade. Tuwang tuwa si bunso. Masaya ako at nagkaroon kami ng time na ganito. Minsan ay hindi kami nagkakasundo dahil pare-pareho kaming mapang-asar, aminado ako dyan.

After nun ay nagmeryenda na kami. Sa isang fast food chain nah kami kumain nina kuya. Syempre siya ulit ang taya.

We got home at 8pm. Sobra kaming nag-enjoy. Lalo na si Thea. She enjoy a lot.

********
°°°°°°°°°°

😄😄😄😄

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon