😆😆😆
[Stephen]
Naghihintay kaming apat sa harap ng university. Si Kae na lang din ang wala pa.
Pero maya-maya pa ay may dumating ng kotse. Bumaba sa harap sina Dylan at Kae. Bumukas naman ang bintana nito sa likod at may dumungaw na babae. Dalagita pa sya. Kapatid kaya sya ni Kae?
"Hello poh!" bati sa amin nito na kumakaway pa. Napangiti naman ako at kumaway din sa kanya.
"Thea!" saway sa kanya ni Kae. Hindi sya nito pinansin at bumaba na lang sa kotse.
"Oh mga pre, kayo na bahala sa prinsesa ko ha. Pero kapag nanggulo yan ako na bahala sa kanya." sabi ni Dylan sa amin.
"Kuya? Ewan ko sayo noh."
"Sila ba yung mga friends mo, ate?" patalon pa syang umangkla kay Kae.
"Yah, kami nga. I'm Jess and this is Tanya."
"I'm Ray and this is Aris. What's your name?"
"Oh. I'm Crystal Thea. Pero you can call me Thea na lang mga ate and kuya." cute naman nya.
"Nice name. Parang ikaw. You're cute." sabi ko naman sa kanya. Totoo naman eh, cute nya.
"Ay ayaw ko ng cute. Beautiful na lang." sabi naman nya sabay thumbs up.
"Thea!? Thanks Kuya for sending me. Sige alis na kayo." sabi naman ni Kae na lumapit pa kina Jess at Tanya.
"Grabe ka kamo. Hinatid ka na nga ipagtatabuyan mo talaga kami." si Dylan.
"Kaya nga thank you diba. Tara na nga."
"Sige Ku-- ay Dylan pala. Alis na kami." sabi ko.
"Sige. Take care. Kae, text me or call me ha." tumango naman ang sinabihan.
Nagsisakay na kami sa kotse ko. Yung tatlo sa likod at katabi ko naman sa harap si Aris.
Habang nasa byahe ay napapatingin ako sa front mirror. Hindi ko maiwasan lalo na at kitang kita doon si Kae. Pero kapag nagtatama ang paningin namin ay umiiwas ako ng tingin. Ewan ko nga ba. Arte arte ko ba.
**********
°°°°°°°°°°°°°
🙌🙌🙌🙌🙌[Cindy]
Sumakay na kaming lahat sa kotse. Mukhang kay Stephen ito dahil sya ang magdadrive. Nice car.
Nasa byahe na kami at excited kaming nagkukuwentuhan. Minsan ay nagsasalita din si Stephen kapag tinatanong nila.
Ilang beses din kaming nagkakatinginan sa front mirror pero sa twing mangyayari yun parang bigla lumalakas ang tibok ng puso ko. Kala mo pinadaanan ng kuryente.
At ang grabe kapag nagtatama ang tingin namin ay umiiwas sya agad. Maybe galit nga sya. Kasi mula nung hindi ko nasagot ang tawag nya ay hindi na nya ako pinapansin. Kahit nga magtry magtext or tumawag ay hindi rin nya ginawa.
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Novela JuvenilYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...