~Chapter 17~

194 3 0
                                    

★★★★★

[Cindy]

Nakita kong tumayo si Ray. Oh, ganda ng kuwentuhan magwawalk out bigla ito.

"Saan ka pupunta, Ray?" tanong ko sa kanya.

"Ah, dyan lang." sagot niya pero hindi naman tumitingin sa akin. Pagkatapos ay lumakad na ito palayo.

Tinignan ko lang naman siya habang papalayo.

"Bhi?" napalingon ako kay Erick.

"Ha?"

"Kanina pa kita tinatanong pero hindi mo naman ata ako naririnig. May problema ba?" sabi niya sa akin.

"A-ah, w-wala naman bhi. Ano ba yun?"

Nagkukuwento na nga siya. Napatingin ako kay Xander at nakangiti sa akin. Kumunot naman ang noo ko. Umiling lang siya habang nakangisi.

Maya-maya pa ay dumating na yung tatlo. May bitbit na nga na meryenda namin. Tuwang tuwa pa kaming nagset ng mga pagkain.

"Oh, hindi pa ba nakakabalik si Ray?" tanong ko sa kanila.

"Uhy hinahanap niya." tukso sa akin ni Jess.

"Siraulo ka Jess, mamaya marinig ka ni Erick dyan." napatutop naman ng bibig si Jess nang sabihin iyon ni Aris sa kanya.

"Buti nga at umalis eh. Nagrestroom." si King.

"Grabe kayo. Eh para hinahanap lang naman siya. Kanina pa yun umalis diba."

********
°°°°°°°°°°

[Erick]

Pabalik na ako galing ng restroom nang makita ko si Stephen na nakasandal sa isang puno.

Lumapit ako sa kanya. Nagulat man siya ay hindi niya iyon pinahalata sa akin. Ngumiti lang siya sa akin at umayos ng tayo.

"Salamat nga pala pre." sabi ko sa kanya.

"H-ha? Saan, ano yun?"

"Kasi nagkakaroon na ng mga kaibigan si Kae. Dahil sainyo nakikisalamuha na siya ulit. Salamat kasi feeling ko magiging okay siya sainyo."

"Ah. Mabait naman si Kae eh. Kaibigan namin siya kaya wala yun. Hindi mo kailangang magpasalamat."

Magsasalita pa sana ako nang lumapit sa amin si Kae. May gusto pa akong sabihin at itanong kay Stephen.

"Bhi, tara na magmeryenda na tayo. Uy Ray, tara na. Dali na." umangkla pa sa akin si Kae. Nauna na kaming naglakad kay Stephen.

I know may gusto si Stephen kay Kae. Mahirap man ito pero kailangan kong kayanin. Kailangan kong kontrahin ang selos ko. Dahil kahit magselos ako wala din naman iyon magagawa.

I need to make sure Kae will be okay kapag magpapaalam na ako sa kanya. Kailangan na safe siya bago mangyari ang hinihintay kong araw.

Masasaktan siya ng sobra pero kailangan kong gawin ito. Ayaw ko siyang nasasaktan pero ako ang mabibigay sa kanya ng sakit.

⇨⇨⇨

AFTER ONE WEEK...

[Stephen]

Bigla na lang nagring ang phone ko. Tinignan ko iyon at number lang. Sino naman kaya ito. Nagpaalam sandali ako sa mga kasama ko at sinagot ko ang tawag na iyon.

"Hello? Sino to?"

"Si Erick to. Magkita tayo ngayon sa gymnasium. Hihintayin kita."

Yun lang at pinatay na niya ang linya. Ano naman daw kaya ang problema ng lalaking to. Pero pupunta na rin ako.

Nagpaalam muna ako sa kanilang lahat. Kasama na dun si Kae. Bakit naman daw kaya makikipagkita sa akin ang boyfriend ni Kae?

Nang makarating ako sa loob ay nakita ko agad si Erick na nagshoshooting. Simple lang ang pagshoshooting niya. Lumapit ako sa kanya.

"Bakit mo ako pinapupunta rito?" walang gatol na tanong ko sa kanya.

"Naglalaro ka ba ng basketball?" oh, ano naman kaya ang trip ng lalakeng ito.

"Medyo lang. Bakit?" senenyasan niya ako kaya nakipaglaro na rin ako.

15 minutes lang ang tinagal ng laro namin. Pareho kaming hingal. Naupo kaming dalawa sa bench ng gym.

"Ito lang ba dahilan kung bakit mo ako pinapunta rito? Sana sinabi mo na lang para naisama ko din mga tropa." sabi ko sa kanya. Tatayo na sana ako nang magsalita siya.

"Hindi. Alam kong maygusto ka kay Kae." anito.

Napalingon ako sa kanya. Hindi ko alam kung ano magiging reaksiyon ko sa sinabi niya sa akin. May gusto ako kay Kae? Buti pa siya alam niya. Ako nga hindi ko naiintindihan sarili ko eh.

"Pre, siguro nga maygusto ako sa kanya. Pero wala akong masamang intensyon. Kaibigan turing niya sa akin kaya kaibigan din ang ituturing ko sa kanya. Wag kang mag-alala, wala akong balak agawin siya saiyo."

"Pero kung sakali gusto kong alagaan mo siya. Wag mo siyang pababayaan." tumayo siya at namulsa.

"Anong pinagsasabi mo?" takang takang tanong ko sa kanya.

"Basta." umalis na siya at iniwan ako.

Nakaupo pa rin ako. Ano ba ibig niyang sabihin? Kung sakali? Kung sakaling ligawan ko si Kae, ganun ba? Ibig ba niyang sabihing may balak siyang iwan si Kae? Putik naman. Gulo naman oh!

Tumayo na ako at lumabas ng gymnasium. Bumalik ako sa school park kung saan nandun ang buong barkada.

Nadatnan ko naman na nandun na pala si Erick. Nagtatawanan pa sila at nag-aasaran. Lumapit ako sa kanila. Tinanguan lang ako ni Erick. Wala akong reaksiyong tumingin sa kanya.

"Siyanga pala bhi, hindi kita maihahatid mamaya ha. May pupuntahan pa kasi ako eh." narinig kong sabi ni Erick kay Kae.

"It's okay. Sabay na lang ako kay Kuya." sagot naman ni Kae.

"Bakit hindi ka na lang magpahatid kay Stephen? Okay lang ba pre?" nagkatinginan naman kami ni Kae. Saka ako tumingin kay Erick. Tumango lang siya sa akin.

"Ok lang ba Stephen?" si Kae.

Ano bang pinaggagawa ng Erick na to. Hindi ko naman siya maintindihan. Lalo akong nalilito eh.

"Ah sige. Okay lang. Hahatid na lang kita." nagpasalamat naman si Kae.

Tinignan ko si Erick at tinanguan lang niya ako. Loko to ah, pinaglalaruan ba ako nito.

After class ay sabay-sabay na kaming lumabas na pito. Dumaan muna yung tatlong babae sa library dahil may hihiraming libro.

Nauna na kaming apat sa parking area at doon na lang maghihintay. Naupo muna kami sa bench malapit sa parking area.

"Uy pre, anong drama ni Erick?" usisa sa akin ni Aris.

"Ano?"

"Eh bakit saiyo pinapahatid si Kae?" si King.

"Aba malay ko. Bakit hindi niyo siya tanungin? At ako ang inuusisa niyi dyan?" sagot ko naman sa kanila.

"Ang sungit naman nito. Nagtatanong lang eh." si Xander. Ewan

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon