~Chapter 22~

204 5 0
                                    

👉👉👉👉👉

[Dylan]

Tinotoo nga ni Stephen ang pagbisita sa amin. He even bought chocolates for Thea. Tuwang tuwa naman si bunso. Close kasi ang dalawang iyon. At ewan ko din ba. Magaan ang loob sa kanya. Kumbaga para na namin siyang kapatid.

"Oh, here you again?" si Kae nang makitang pumasok si Stephen sa bahay.

"Oh bakit, may problema ka ba dun?" usisa ko naman kay Kae.

"Sungit. Nagtatanong lang naman ah. Hoy Ray, bakit si Thea lang may pasalubong? Akala ko ba magkaibigan tayo?"

"Selos!" sabad ni Thea. Nagtawanan lang naman kami pero umismid lang si Kae.

"Hayaan mo na yan Stephen. Tara. Movie marathon tayo." yaya ko sa kanya. Tumalima naman silang dalawa ni Thea.

"Eh si Kae, hindi ba natin tatawagin?" tanong ni Stephen nang paakyat na kami ng hagdan.

Nilingon pa namin pareho si Kae. Nakaupo na ito sa sofa at nagbabasa ng magazine.

"Hayaan mo na yan. Kj lang yan eh." sabi ko sa kanya. Nagkibit balikat naman si Stephen.

Nakita ko pang nilingon niya ulit si Kae bago tuluyang umakyat. Tsk. May napapansin ako ah. May kakaiba dito.

Nanonood lang kami ng movie nang sumenyas si Stephen na lalabas lang at iinom. Tinanguan ko naman siya. Kaya kaming dalawa na lang ni Thea ang naiwan.

********
°°°°°°°°°°

[Stephen]

Nanonood na kami ng movie ng makaramdam ako ng uhaw. Nilingon ko si Dylan at napatingin naman siya sa akin. Sumenyas na lang ako at tumango naman siya.

Lumabas ako ng movie room at bumaba sa kusina nila. Binuksan ko ang malaking ref nila at kumuha ng tubig. Inabot ko ang baso saka nagsalin dito.

Halos mabulunan at matapon ang iniinom kung tubig nang mapansin kong nakasandal si Kae sa table malapit sa akin at nakatingin sa akin.

"Bakit?" usisa ko sa kanya nang mahimasmasan ako.

"Wala. Bakit lagi mong pinapasalubungin si Thea kapag pumupunta ka rito samantalang ako, hindi." natawa ako sa sinabi niya.

"Bakit, totoo ba yung sinabi ni Thea?"

"Ano?" kunot noo niyang tanong sa akin.

"Hahaha! Na nagseselos ka." sabay kindat sa kanya.

"Excuse me?! Hindi no. Nakakainis ka lang kasi. Friend mo din naman ako ah. Tapos hindi mo ako binibigyan ng chocolates."

"Selos ka nga." natatawa kong sabi sa kanya.

"Ewan ko sayo. Dyan ka na nga!"

Aalis na sana siya nang mahablot ko ang kamay niya kaya napahinto siya. Nagkatinginan pa kami.

"Ito naman, binibiro ka lang eh." hawak ko parin ang kamay niya.

"Hindi nakakatuwa."

"Grabe siya. Next time na pupunta ako rito bibigyan na kita ng pasalubong. Paano kasi, si Thea lang naman at si Dylan nagpapapunta sa akin dito eh. Kaya si Thea binibigyan ko ng pasalubong." binitawan ko na ang kamay niya at nagpatiuna na ako.

"Hoy!" habol niya sa akin. Kunwari ay hindi ko siya pinapansin.

Sinundan niya ako hanggang sa makaakyat kami sa hagdanan.

"Alam mo, nakakainis ka." anito.

"Bakit ako nakakainis? Ikaw nga dyan. Hindi mo pa kaya ako iniimbita dito. Laging si Thea at Dylan. Eh akala ko ba kaibigan mo ako." sa tono na kunwari ay nagtatampo ako.

"Oo naman siyempre. Magkaibigan tayo. Nahihiya lang kasi ako saiyo kaya hindi kita nayayaya dito sa bahay."

Bago pa ako magsalita ay nakapasok na pala kami sa movie room nila. Gulat naman sina Thea at Dylan nang makitang kasama ko na si Kae.

"Anong ginagawa mo rito?" si Dylan.

"Ha?" si Kae.

"Tara Ate, halika. Nood tayong movie." si Thea na hinila pa si Kae.

********
°°°°°°°°°°

[Cindy]

Paghila sa akin ni Thea ay tumalima naman ako at naupo sa couch kung saan sila nakaupo. Lumapit naman si Ray sa amin at naupo sa may paanan ko at sumandal sa couch.

Kumakain kami ng popcorn habang nanonood ng movie. Minsan ay nasusulyapan ko si Ray. Seryoso lang itong nanonood. Napapangiti lang naman ako nang hindi ko namamalayan.

Later on. Dito na rin namin pinaglunch si Ray sa bahay. Tuwang tuwa na naman si Thea. Kasi nga crush niya daw si Ray. Siyempre ako din. Ako din masaya, hindi yung ako din may crush sa kanya.

Anyway, after namin maglunch ay niyaya ako ni Ray na maghang out sa park. Pambawi daw niya sa akin dahil wala siyang pasalubong sa akin kapag nagpupunta siya ng bahay. Great. Just great.

Nagpark lang siya at inalalayan na akong bumaba ng kotse.

"This could be great ha." sabi ko sa kanya pagbaba ko.

"Hah?"

"Dapat makabawi ka sa akin. Kaya umayos ka." natatawa akong hinampas siya sa braso.

"Akong bahala sayo." inakbayan naman niya ako.

Ewan ko ba pero para akong biglang nakuryente nang gawin niya iyon. Lumakas ang tibok ng puso ko. Dahil doon ay napakislot ako. Pero hindi naman ako makaalis sa pagkakaakbay niya. Hindi ko rin magawa tabigin ang kamay niya.

Napaangat ako ng tingin sa kanya at lalong lumakas ang tibok ng puso ko. Nakatunghay ang mukha niya sa akin. Malapit na malapit sa mukha ko. Ilang pulgada lang ang layo niya sa akin.

Napatingin ako sa mga labi niya. Mamulamula iyon. Hindi ko namalayan ang sarili kong napalunok dahil dun. Ano ba nangyayari sa akin. Sinasaniban ba ako.

"Ano gusto mong gawin natin?" ani Ray at napatingin ako sa mata niya at kumindat sa akin.

"Anong sabi mo?" inis kong sabi sa kanya at tinulak siya. Natawa naman siya sa ginawa ko.

"Ano ba iniisip mo? Libre na lang kita ng ice cream." at tinawanan lang niya ako.

"Ayaw ko." sagot ko sa kanya.

"Ano pala? Cotton candy?"

"Hmm.. Ayaw ko din nun."

"Ano ba yan. Ano bang gusto mo? Ako?" akbay niya ulit sa akin.

"S-sira!" tinulak ko ulit siya. "Sige, cotton candy na lang."

Natatawa man siya ay dali-dali siya nagpunta sa mamang nagtitinda ng cotton candy. Naupo naman ako sa may bench.

Siraulo talaga yun. Pero bakit nga ba bumibilis ang tibok ng puso ko lately kapag may mga ginagawa siyang gestures sa akin. Hindi ko naman maintindihan. Lakas makaabnormal.

Ray is a good guy naman. Minsan nga lang may mga tupak moments siya. I like how he smiles. How he laugh. I like him. 😱😱 Wait, what???!!! I like him. I like him???? Gusto ko lang siya bilang tao! Gusto ko lang siya bilang kaibigan.

Nothing more, nothing less. Walang malisya. Wala nga ba??? Aaahhhh..... Basta.. Basta, kaibigan ko lang siya.

●●●●●●
∽∽∽∽∽
😃😃😃😃😃

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon