~Chapter 24~

175 6 0
                                    

💔💔💔💔
❓❓❓❓

[Erick]

Hindi ko alam pero one week ko nang iniiwasan si Kae. Hindi ko na siya nasusundo at nahahatid. Puro text na lang at pag-aalibi ang ginagawa ko. Siguro ay sinasanay ko lang ang sarili ko. Kahit na sobrang sakit na itong nararamdaman ko. Kailangan kong gawin ito.

"Bakit kailangan mo pa talaga kasi siyang iwasan? Bakit hindi mo na lang kasi sabihin habang maaga pa." sabi sa akin ni Matt. Nasa isang bar kami ngayon.

"Oo nga pre. Lalo lang kayong masasaktang pareho. Lalo na sa kanya." dagdag pa ni Ken.

"Hindi ko na nga talaga alam ang gagawin ko. Hindi na rin ako makapag-isip ng maayos." nasapo ko na lang ang noo ko.

"Ganun talaga pre."

"Gulung-gulo na ako. Ang hirap pre eh. Ang sakit! P***ngina lang kasi diba. Bakit ako pa. Bakit sa akin pa." napapalakas na ang boses ko.

*******
°°°°°°°°°
😠😠😠😠

[Dylan]

Papasok na kami sa bar nina Al at Peter. Nagkayayaan lang kasi. Total friday night.

"Pre, diba sina Erick yun?" tapik sa akin ni Al. Tinignan ko ang gawi kung saan niya tinuro. Sina Erick nga.

"Hayan mo sila. Tara." hindi naman nila kami napansin kaya sa malapit na lang din kami naupo.

Okay na rin to para mabantayan ko ang loko. Baka may gawing kalokohan eh. Umorder na si Peter ng isang bucket na beer.

Napapansin kong nakayuko lang si Erick. Nag-uusap lang silang tatlo. Ano naman daw kaya problema niya. Huwag niyang sasabihing babae baka sapakin ko pa siya.

"Hirap lang pre! Sakit eh!" rinig kong sabi ni Erick. Anong mahirap, anong masakit? Anong pinagsasabi ng gagong to.

Naririnig ko lang na pinapayuhan siya ng dalawang kasama niya. Gago to ah. Wag niyang sabihing nag-away sila ni Kae. Napansin ko din kasing hindi na siya sinusundo at hinahatid ng kumag na ito. Kesyo busy daw ayon kay Kae.

"Sige nga! Sabihin ninyo sa akin! May sasakit pa ba sa sitwasyon ko?!! Ikakasal ka pero hindi sa girlfriend mo?!!" halata sa boses niyang lasing na siya.

Kahit hindi masyadong malinaw ang sinabi niya ay rinig na rinig ko iyon. Paulit-ulit.

Ikakasal ka pero hindi sa girlfriend mo!!

Siya ba ang tinutukoy niya sa sinabi niya. Ikakasal siya pero hindi sa girlfriend niya. Ikakasal siya pero hindi kay Kae?!! Hayop ka Erick!

Nagulat na lang ang lahat nang iharap ko sa akin si Erick at inundayan siya ng suntok. Nagkagulo ang lahat. Gulat na gulat siya nang makita ako.

Nakaharang agad sa kanya sina Matt at Ken. Samantalang inawat naman ako nina Al at Peter.

"Gago ka!! T***ina mo! Anong pinagsasabi mong hayop ka!" sigaw ko sa kanya na pumipiglas sa pagkakahawak sa akin ng dalawa kong kaibigan.

"Dylan! Sandali. Wag ka naman padalos-dalos dyan." sabad ni Matt.

"Tumahimik ka! Hindi ikaw ang kinakausap ko! Ano Erick, magsalita ka. Anong pinagsasabi mong ikakasal ka pero hindi sa girlfriend mo!"

"Dylan!" sigaw nina Al at Peter sa akin. Pero hindi ko sila pinansin.

"Magsalita ka hayop ka!" nakawala ako kina Al at Peter at nahablot ko ulit si Erick.

Sinuntok ko siya ulit sa mukha kaya napaupo siya. Inawat naman ako ng dalawa. Nagbubulung-bulungan naman ang mga taong nakakasaksi sa amin.

Kailangan ko siyang mapaamin bago ako umalis ng bar na ito. At bago pa kami hulihin ng pulis no.

"I'm sorry Dylan." halos maiyak na sabi ni Erick.

"Hayop ka Erick! T***ina mo!! Tigilan mo na ang kapatid ko. Kung sasaktan mo lang pala talaga si Kae sana noon palang sinabi mo na, gago ka!"

"Hindi mo naiintindihan."

"Gago! Alin ang hindi ko naiintindihan? Ang ginagago at niloloko mo ang kapatid ko?! Gago!" tinabig ko ang kamay nina Al at Peter.

Dali-dali akong lumabas ng bar. Nakasunod naman sina Al at Peter. Nanggagalaiti talaga ako sa Erick na yun. Sabi ko na nga ba at hindi siya karapat dapat kay Kae. Sabi ko na nga ba at may kutob ako sa lalaking yun.

Sumakay na ako ng kotse at pinaandar yun. Hindi ko na nga rin pinansin ang dalawa kong kaibigan. Hindi pa ako nakakainom. Dumaan ako sa isang bukas na department store. Bumili na lang ako ng alak.

Pagdating ko ng bahay ay nadatnan ko pa sina Kae at Thea sa sala. Gumagawa ata sila ng project ni Thea. Nagtataka namang nakatingin si Kae sa hawak kong beer.

"Oh, akala ko ba pumunta kayo ng bar nina Al at Peter?" usisa sa akin ni Kae.

"Hindi natuloy. May demonyo kasi akong nakita sa bar eh kaya umuwi na lang ako." sagot ko sa kanya at tumungo na sa may garden. Naupo na lang ako sa damuhan.

Nakakadalawa na ako nang mapansin kong nakalapit na pala sa akin si Kae. Naupo din siya sa tabi ko.

"Kuya?"

"Hmm?"

"May problema ka ba?" tanong niya sa akin.

"Okay pa ba kayo ni Erick?" imbes na sagutin ko ang tanong niya ay siya ang tinanong ko.

"O-oo naman." nauutal niyang sagot sa akin.

"Kae. Mahal na mahal mo ba talaga si Erick?" nilagok ko ang beer ko pagkatapos.

"What a question. Of course, yes. Alam mo kuya, nagtataka lang kasi talaga ako."

"Hmm??"

"Bakit ba ayaw mo talaga sa boyfriend ko? Mag-iisang taon na kami oh. One year din niya akong niligawan. Hindi ba siya worth it para sayo?"

"Lolokohin ka lang nun."

"What???!!" hinampas niya ako sa braso.

"Seriously Kae. Nawawalan na talaga ako ng tiwala sa lalaking yun. Lalo na ngayon oh. Hindi ka na niya sinusundo at hinahatid."

"Busy lang siya."

"Sus! Sabi lang niya yun. Sige na pumasok ka na dun. Gabi na oh. Mahahamugan ka pa dito."

"Eh bakit ikaw? Tara na Kuya. Pasok na tayo. Tama na yang iniinom mo." tinapik pa niya ako sa balikat.

"Mauna ka na dun. Sige na. Gabi na."

Hindi na siya umimik pa at ngumiti na lang. Tumayo na siya at iniwan ako. Nilingon ko pa siya bago pa siya tuluyang makapasok sa may veranda.

Oh my Kae. Ano bang gagawin ko. Paano kita maproprotektahan. Paano kita maproprotektahan sa sakit na idudulot sayo ni Erick. Ayaw kitang masaktan Kae.

I hate this feeling. Kailangan kong malaman bakit ikakasal si Erick. Kanino? Bakit? At bakit kailangan niyang gawin ito sa kapatid ko.

Sumasakit ang ulo ko sa pag-iisip. Hindi ako papayag na lalo niya pang masaktan si Kae.

😬😬😬😬😬
👊👊👊👊👊
💔💔💔💔💔

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon