~Chapter 41~

210 2 0
                                    


[Cindy]

Pagbaba namin ng movie room ni Thea ay agad kong hinanap sina kuya. Pero sinabi ng maid na umalis lang ito sandali. At umuwi na rin daw si Ray. Grabe, pinalabas ko lang umuwi naman agad. Hmp! Kainis siya ha.

Umakyat ako agad sa kuwarto ko at kinuha ang phone sa aking drawer. Nakita kong may limang miscall ako galing kay Erick.

Sorry Erick. Pero hindi pa akong kausapin ka. Sobrang sakit ng nangyari. Ginagago mo ako.

Pabagsak akong naupo sa gilid ng aking kama. I scrolled my contacts. Nakita ko ang name ni Ray. Bahala na nga. I dialled it.

"Yes?"

"Yes agad? Hindi ba pedeng hello muna?"

"Oh, okay. Hello?" napangiti ako ng marinig ko sa kabilang linya ang mahinang pagtawa niya. Actually it's music to my ear.

"Bakit ka umuwi agad? Sabi ko labas, hindi ko sabing uwi." kunwari ay nagtatampo ako.

"Sorry na. Pumunta kasi akong mall. May bibilhin sana ako pero nakalimutan ko." he chuckled again. Grabe parang kinikilig ako kapag tumatawa siya. Huh? Ano ba iniisip ko.

"Talaga?"

"And I saw Erick. Kinausap niya ako."

Bakit sila nag-usap? Hindi ako sumagot sa sinabi niyang iyon. Katahimikan ang namagitan sa amin. Ano ba dapat ang sasabihin ko.

"Kae? Are you still there? I'm sorry."

"Ahm, I'm still here. Sorry. Saka bakit ka nagsosorry?"

"Well. I don't know."

"It's okay. So, ano nga ba kasi bibilhin mo sa mall?" pag-iiba ko ng usapan.

"Hmm. Nakalimutan ko nga eh."

"Ah ganun ba." grabe, wala akong masabi. Ilang minuto pa lang kami nag-uusap pero wala pa kami napag-uusapang matino.

Magsasalita na sana ako nang may kumatok sa kuwarto ko. And it was Alice. Mabuti na lang. Kasi hindi ko talaga alam sasabihin ko kay Ray.

Nagpaalam na lang ako sa kanya at pinapasok ko si Alice sa kuwarto. When she saw me, she hug me tight.

"What happen?" usisa niya sa akin.

"He's getting married."

"That asshole!!" inis na sabi niya.

"It's okay. Wala na tayong magagawa. He made his decision at yun nga ang tuparin ang ipinangako niya sa parents niya at sa kanyang lolo."

"But it's not fair."

"Alice. Oo masakit talaga siya. I cried every night sa totoo lang. But I am blessed kasi kahit anong sakit, napapawi yun nila kuya at ng mga kaibigan ko. Kahit papaano I know na hindi niya ako pababayaan. Hindi nila ko hahayaang malugmok ako sa ganitong sakit."

"Pero mahal na mahal mo siya."

"Of course, mahal ko siya. Kaya nga ang sakit sakit na ganito ang nangyayari sa akin. Ang sakit sakit na hindi niya ako kayang ipaglaban. Pero Alice, gusto ko siyang intindihin. Gusto ko talaga."

"Basta nandito lang kami for you. We love you so much. At hindi namin hahayaang masaktan ka muli. I will alaways be here for you."

"I know, I know. Thank you and you take time para lang puntahan ako rito."

"Yah. Saka may sasabihin din ako sayo. Gosh, I hate bussiness!"

"Oh, bakit naman? Diba, ikaw naman talaga magmamana nung company ninyo? Alam na natin yan highschool pa lang tayo." nasabi ko sa kanya.

"I know. Kaso nga nakakatuyo ng utak diba."

Nagkatawanan na lang kami. Saka kami nagkakuwentuhan. Namiss ko talaga si Alice. Nung nasa highschool palang kami, siya ang lagi kong kasama aside from kuya siyempre.

She is always there for me kapag may nangbubully sa akin. Tagapagtanggol ko siya. Sometimes attorney ko pa siya kina mommy at daddy. Perfect sister nga eh. Magkakampi rin kami sa kalokohan.

******

[Alice]

I guess wala na talaga akong magagawa sa gusto nina mommy at daddy. Ewan ko ba, nasa college pa lang ako pero parang gusto na nila akong mag-asawa.

They even set me a date with someone I don't even know. Pero siyempre hindi nawawala katigasan ng ulo ko. Hindi ko nga sinipot yung date ko. Mamaya rapist yun. Damn!

And here I am, riding in the car with them. Dinner daw with that someone. Hindi ko maiwasang mainis pero ano pa nga ba magagawa ko? It was my lolo daw who want this silly thing.

Dumating kami sa isang mamahaling restaurant. But of course, ganun talaga kapag sosyalan. Pero ayaw ko naman ng ganito.

Binati kami ng mag-asawa na naghihintay sa amin. Palinga-linga ako pero mukhang wala rito ang lalaking nirereto sa akin ng parents ko. Well, masmaganda yun. At sana wag na siyang dumating.

"Anyway, mamaya nandito na siya. May inaayos lang yun sandali. So shall we be sitted?" rinig kong sabi nung babae. May edad na pero maganda pa rin. Maybe she take care herself so well.

Humarap na rin kami nina mommy and daddy. Umorder na rin sila. At susunod na lang daw yung guy na I don't know who he is. So, we just enjoy the food. Habang nagkukuwentuhan sila siyempre. Wala naman akong pakialam sa mga sinasabi nila.

Miminsan ay naririnig kong pinag-uusapan kami nung lalaking anak ng kasama naming mag-asawa.

"Oh, here he is." napatingala ako mula sa pagkakayuko nang marinig ko ang sinabi ng lalaki.

Hindi ko pa siya nakikita dahil nakatalikod ako mula sa pintuan ng restaurant. Gusto kong lumingon pero natatakot ako. What if kamukha siya ng most wanted sa buong Pilipinas?

Oh my, help me please. Naku naiinis na ako sa kanya ngayon pa lang. He's ruining my life. Kahit na wala pa nangyayaring masama.

Naramdaman ko na lang na nasa likod ko na siya. Pero pumihit siya at naglakad patungo sa harap namin. Which is the couple na kasama namin.

Biglang nanlaki ang mga mata ko nang makilala ko kung sino ang dumating.

"Anak, this is Mr. and Mrs. Noviero. At siya ang daughter nila, ang iyong papakasalan." tuwang tuwang sabi nung babae.

What the hell??!!!! Papakasalan? How and why?!!!!

"E-Erick?"

"Alice."

Sabay pa naming nabanggit ang pangalan ng isa't isa.

"Wow. You know each other. Masmabuti kung ganun." napatingin ako kay mommy. They know about the kasal thing? Bakit ako hindi ko alam.

Hindi na ako nagsalita at agad akong tumayo. Tumakbo akong palabas ng restaurant. They even called my name pero hindi ko sila pinansin. I was about to call a taxi nang hablutin ni Erick ang kamay ko. Tinabig ko yun at sinampal siya.

"Don't tell me Erick na alam mong ako ang sinasabing papakasalan mo!" halos maiyak ako.

"No. Hindi ko nga alam na ikaw yun. Kung alam ko lang Alice, baka kinausap na kita noon pa lang."

"Bakit hinayaan mo mangyari to? Akala ko ba mahal mo si Kae?!. Hindi mo siya pinaglaban?!!"

"Mahal ko din ang lolo ko! I make a promise when he was dying. Mahal na mahal ko si Kae. Gusto ko siyang ipaglaban." umiiyak na siya. Natahimik ako sa sinabi niya.

Alam kong masakit ito kay Kae pero masmasakit pala ito kay Erick. Pareho niyang mahal ang pinangakuan niya ng pagmamahal. Mahal niya si Kae pero totoo kayang wala na siyang magagawa? Hindi ba niya kayang tanggihan ang kagustuhan ng parents niya? Pero sa lolo niya siya nangako.

How could this happen. At isa pala ako sa rason kung bakit nasasaktan si Kae. My only best friend. The sister I've ever have. Pero ako rin pala ay sinaktan siya.

Paano ito tatanggapin ni Kae. Please help me. Paano ko ito ipapaliwanag sa kanya. Sana maunawaan niya ang lahat at pakinggan niya ako.

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon