~Chapter 14~

199 4 0
                                    

💔💔💔💔💔

[Erick]

It's been a month. Palapit na ng palapit ang araw na sinabi ni mommy. Hindi ko pa rin ito nababanggit kay Kae. Hindi ko rin naman kasi alam kung paano simulan.

Napapitlag ako ng magvibrate ang phone ko. Nasa bulsa ko kasi ito. Nandito ako sa bench, nakatambay.

"Hello mom." bati ko dito.

"Anak, kumusta ka na? Miss ka na namin ng daddy mo."

"I miss the both of you too. Kumusta po kayo dyan?"

"We're good. How about you? Kumusta ang studies mo? Okay ka ba sa bahay?"

"Opo mom. I'm okay. About sa studies ko, it's okay mom. Nakakatorete minsan but I have to work harder."

"Ganito talaga. So.... Kumusta si Kae?"

Hindi ako agad nakasagot. I sighed. Napaangat pa ako ng tingin.

"Does it means, hindi mo pa nasasabi sa kanya ang lahat? Anak, malapit na kaming umuwi ng daddy mo. After a month, uuwi na din sina Tita Ana mo. Yung anak ng best friend ni Papa. Kasama na rin nila ang anak nila. And you know what does it means."

"Opo. I know that. Hindi ko pa kasi alam kung paano ko sasabihin sa kanya."

Nag-usap pa kami ni mommy hanggang sa magpaalam na siya sa akin. Napapitlag ako nang may tumakip sa mga mata ko. Napangiti ako. She's cute.

"Bhi?"

"Hi?!" bati niya sa akin na yumakap mula sa likod. Hinalikan niya ako sa pisngi.

"Isa pa." sabi ko. Hinampas naman niya ako sa balikat. Naupo siya sa tabi ko at umangkla sa kamay ko at sumandal sa akin.

"Gusto ko ng ice cream." aniya. She's so cute when she's doing this. Kaya ang hirap sabihin sa kanya eh.

"Sige. C'mon. Daan tayo sa ice cream shop bago kita ihatid sa bahay ninyo."

Tumalima naman siya agad. Excited pa siya kaya dali dali siyang naglakad. Sinundan ko naman siya hanggang sa magkasabay na kami. Inakbayan ko siya and she giggled.

Pagsakay namin sa kotse ay pinaandar ko ito agad. Habang nasa byahe ay nagkukuwento lang si Cindy. Saya saya niyang kinukuwento ang tungkol sa mga kaibigan niya.

It's a good thing na masaya siya sa mga kaibigan niya. Kahit na siguro maghiwalay kami at okay na rin dahil alam kong may mga kaibigan naman siya.

Pero ang sakit pa rin isipin. Masyadong masakit para sa akin. Dahil alam kong masasaktan siya. At ayaw ko siyang masaktan. Pero wala akong magawa.

Huminto kami sa isang ice cream shop. Pumasok kaming dalawa ni Kae. Umorder ako ng cheese flavor na ice cream at cookies and cream para kay Kae.

"Bhi?"

"Hmmm??"

"What if... What if umalis ako?"

"What????!!!"

"Relax, okay? Natanong ko lang naman. Wala lang."

"Eh ayaw ko ng ganyang tanong. Change topic."

"Grabe, tanong lang naman eh. Sige na, what if lang naman eh."

"Ok. Eh ano bang pag-alis? Pupunta ka ba ng Japan? Sa parents mo? Are you going to stay there na ba?"

"Hey relax, okay? Dami monv tanong, ako nga tong nauna eh." hinawakan ko ang kamay niya para kumalma siya.

Paano ko sasabihin sa kanya. Ganitong tanong palang ay ganun na siya magreact. Sana makayanan kong sabihin sa kanya bago pa makauwi sina daddy at mommy.

"Ok. Siyempre, malulungkot ako. Malalayo ka sa akin eh." simple niyang sagot. Mabuti na lang at kalmado na siya.

"Don't be sad. Kapag nangyari yun ayaw kong maging malungkot ka. Dapat maging okay ka." sabi ko sa kanya, pinisil ko pa ang kamay niya.

"Ano ba Erick!" bumitaw siya sa akin. Damn it.

"Hey, hey, hey. Wag ganyan. Okay, I'm sorry if I say that. It's just got into my head. I'm sorry bhi. Okay?"

"Wag kasi ganun ang mga tanong at mga pinagsasabi mo. Feeling ko tuloy iiwan mo na ako." sabi niya.

Damn it Erick. Nanghihina ako. Nakita kong malungkot ang mga mata. Masmahihirapan akong sabihin sa kanya. Ano bang gagawin ko.

"Ok, hindi na yun mauulit. Sige kain ka na ng ice cream." she just smiled.

Pinapanood ko lang siya habang dinidilaan ang ice cream na hawak niya. She's cute and real. Mamimiss ko siya. Pero kapag nangyari ang sinasabi ni Mommy. I need to forget her. Kakayanin ko ba yun. Damn it. Bakit kasi kailangan pang mangyari ang ganito.

Pagkatapos namin kumain ng ice cream ay dinala ko siya sa park. Tuwang tuwa siya habang naglalakad-lakad lang kami. I'm holding her hand.

Naisip ko. Hindi ko na mahahawakan ang malambot niyang mga kamay. Hindi ko na siya mahahagkan. Hindi ko na makikita ang mga magagandang niyang ngiti. Ang masaya niyang pagtawa.

I love her so much, I couldn't help thinking about it. Hirap nito.

"Bhi, minsan pasyal tayo ulit dito ha. Sarap sarap maglakad eh. Ganda ng view. Nakakatuwa yung mga batang naglalaro. The family who bonds here. Tignan mo yun oh. Nagpipicnic sila." turo pa ni Kae sa pamilyang nakaupo lang sa damuhan habang kumakain.

Isa din sa mga gusto kong gawin ang magpicnic kapag nagkapamilya na kami ni Kae. Pero hindi na yun mangyayari. Dahil hindi na siya ang makakasama ko sa pagbuo ng pamilyang pinapangarap ko.

Niyaya ko na lang umuwi si Kae. Baka hindi ko mapigilan ang sarili ko ay mapaiyak lang ako sa harap niya. Kahit na ayaw pa niya ay sumunod naman siya sa akin.

"May problema ba, bhi?" tanong niya sa akin.

"Hmmm?"

"Tahimik mo kasi eh. Mula nung umalis tayo sa ice cream shop. Tapos sa park, parang ang lalim lalim ng iniisip mo. May problema ka ba?"

"Wala. Na preoccupied lang siguro isip ko. Don't worry, bhi I'm okay."

"Sigurado ka? Baka naman sa studies mo. Or sa parents mo ba?"

Natahimik ako. Hindi ko alam kung ano sasabihin ko. Nakatutok lang ako sa daan.

She hold my hand. I looked at her and smiled. Bumaling din ako agad sa daanan.

"Don't worry bhi. Everything's gonna be alright. Basta kung anuman yan, nandito lang ako. I'm here for you. Just tell me, okay?"

Imbes na sumagot ay kinuha ko ang kamay niya at hinalikan iyon. I looked at her and I mouthed. I love you. She just smiled at me at sumandal sa balikat ko. Binitawan ko ang kamay niya at hinawakan ang pisngi niya.

Lalo akong nahihirapang mag-isip kung papaano ako kapag mawala siya. Masyado ko siyang mahal. Ayaw ko siyang masaktan. Pero nasasaktan na siya ngayon pa lang. Naglilihim ako sa kanya. Ayaw ko man gawin to pero kailangan.

I'm so sorry Kae. I'm sorry. Mahal na mahal na kita. Alam kong alam mo yan. Pero paano na tayo. Masakit ang isiping hindi kita makakasama hanggang sa pagtanda ko.

Sana hindi na lang nangyayari ang ganito. Sakit sa ulo. Sakit sa dibdib. I'm just hoping na magiging malawak ang pag-iisip ni Kae. Sana magawa niyang maintindihan ang sitwasyon. Sitwasyon na ayaw ko namang pasukin una pa lang.

Living without the one you loved is like an angel with broken wings. Hindi mo na magagawang lumipad. Lumipad para abutin ang mga pangarap na iginuhit mo kasama siya. It hurts me so much.

💔💔💔💔
😢😢😢😢
#ACHING
#BROKENWINGS

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon