~CHAPTER 49~

182 4 0
                                    


[Cindy]

One week na mula nang dumating ako. At dahil doon ay nagkasundo ang lahat na magkaroon kami ng outing. Siyempre buo ang barkada. Kasama na rin sina Kuya Dylan at Thea.

Sa isang resort sa Batangas kami nagstay. Balak nila na mag-3days outing. Magkakasama sa isang house cottage ang mga girls at ganun din sa mga boys.

Unang araw pa lang namin ay marami na kaming ginawa. Swimming, snorkeling, food trip, sun bathing. Banana boat, parasailing. Ang saya saya lang dahil magkakasama kaming lahat.

Siyempre may mga moments din kami ni Ray. Tulad ngayon, pangalawang araw na namin sa resort. Palubog na ang araw. Nakaupo lang ako sa harap ng cottage at nakatingin lang sa araw habang unti unti itong humahalik sa dagat.

"Can I sit beside you?" ani Ray. Tumango lang ako at naupo siya sa tabi ko. Unti unti kong sinandal ang ulo ko sa balikat niya. Nakapatong naman sa tuhod niya ang dalawang kamay niya.

"Ganda talaga ng sunset no." ako.

"Masgusto ko ang sunrise." sabi naman niya.

"Bakit naman?" nasa ganung ayos pa rin kami habang nag-uusap.

"Kasi it's a new day. When the sun rise, you know na haharapin mo na naman ang buong araw na kasama ang mga mahal mo sa buhay. And you should be thankful dahil binigyan ka na naman ng bagong umaga."

"Hmm. Tama ka naman. Pero masmaganda pa rin sunset. Kasi natapos mo na naman ang buong araw na masaya ka at kasama mo ang mahal mo. Plus, alam mo namang magkakaroon ka pa rin ng pag-asa dahil alam mong may darating pang bagong bukas."

"Pareho na ngang maganda." aniya saka hinaplos ang ulo ko. Napapikit ako sa ginawa niya.

"Tulad ngayon, palubog ang araw na kasama kita. Kahit hindi ako ang makasama mo sa bagong araw mo, at least ako ang kasama mo bago ito matapos. Kahit na hindi ko alam kong makakasama pa kita kinabukasan."

"Don't say that." hinarap niya ang mukha ko. "Wala ako ibang gustong makasama sa buong buhay ko kundi ikaw. Sunrise or sunset, it doesn't matter. Basta ikaw ang kasama ko masayang masaya na ako."

Nagkatitigan lang kami. Unti unting naglapit ang mga mukha namin. Ramdam ko ang paglakas ng tibok ng puso ko. Unti unti ring pumipikit ang mga mata ko at handang tanggapin kung ano man ang mangyayari.

"Ayun sila oh!" napapitlag kaming pareho at napalayo ang mukha namin sa isa't isa. Narinig ko ang boses ni Thea. Naku naman.

"Uy ano pang inuupo niyo rito? Tara na sa tabing dagat. Handa na ang lahat. Naghihintay na sila roon." excited na sabi ni Tanya sa amin.

Inalalayan naman ako ni Ray sa pagtayo. Napangisi pa siya at kumindat sa akin. Nakurot ko tuloy siya sa kanyang tagiliran.

"Aww!" tili nito.

"Oh! Anong nangyari sayo Kuya Ray?" usisa ni Thea na lumapit pa sa amin.

"Ahh wala. May talangka kasing umipit sa paa ko." sagot naman ni Ray. Nagpipigil naman ako sa pagtawa.

"Paa mo? Eh bakit yang tagiliran mo ang hawak mo?" nakangiwi ito sa kanya.

Nagtinginan naman kami ni Ray saka nagtawanan.

"Hay, ewan ko sainyong dalawa. Dyan na nga kayo. Bilisan niyo na ha! Tama na harutan!" mabilis itong lumapit kay Tanya na natatawa din.

"Anong sabi mo?!" sigaw ko sa kanya pero palayo na sila sa amin.

"Hinaharot mo kasi ako eh. Hahaha!!" tawang tawang sabi ni Ray.

"Aba, gusto mo ulit makurot ha?" nagtatawa namang siyang tumakbo. Tumakbo na rin ako.

Nadatnan namin ang lahat na nakaupo na sa harap ng boonfire. Naupo na rin ako sa kahoy na katabi ni Jess. Ngumiti lang ito sa akin. Katabi niya si King.

Si Thea naman ay katabi nina kuya at Xander. Habang nag-aasaran naman sina Aris at Tanya.

Nagkantahan lang kami at nagkuwentuhan. Nag-ihaw naman ang mga boys ng barbecue habang umiinom ng beer.

"So paano yan, Kae dito ka na ba talaga mag-i-stay?" usisa ni Tanya. Napatingin nama sa akin si Ray.

"Ahh, hindi ko pa alam eh. Depende kasi kung anong desisyon ni daddy. Si kuya na kasi ang nag-aasikaso dito eh." sagot ko sa kanya.

"Magstay ka na lang dito. Kami ni Xander, dito na kami for good." si Aris.

"Talaga? Saya nun." si Tanya.

"Oo. Naisipan namin ni Aris na magtayo na lang ng restaurant o kaya bar dito. May location na nga kami eh." dagdag pa ni Xander.

"Maganda yan. Suportado ko yan. Tutulong ako, sabihin niyo lang. Pero masokay kung bar na lang." si kuya.

"Hay naku. Malamang ikaw ang magiging pioneer costumer nila dyan." natatawang sabi ni Thea.

"Tumigil ka nga."

Tinuloy lang namin ang pagkukuwentuhan. Pagkain at unting inuman. Pero hindi maalis na mag-alala dahil naging tahimik si Ray matapos nun. Nagsipunta na kaming lahat sa house cottage.

"Bakit kasi kailangan mo pang umalis?" si Ray, naglalakad na kami papunta sa cottage namin.

"Hindi ko pa naman sigurado eh. Mabuti naman at dito na sina Xander at Aris no."

"Iniba mo pa usapan eh."

"Ray naman eh. Wala naman akong sinabi kung aalis ako or what. I really don't know."

"Sige na hindi na kita kukulitin. Pahinga ka na okay?" hinalikan lang ako sa noo at yumakap sa akin.

Hinintay niya akong makapasok sa loob bago pa siya tuluyang umalis. Para akong nadisappoint sa nangyari. Hindi ko nama sinasadyang palungkutin siya. Dahil sa totoo lang, gusto kong magstay.

Ayaw ko nang mawalay pa sa kanila lalo na kay Ray. Oo, aminado na akong simula nang araw na lagi niya ako inaalala at lagi siyang nandyan para sa akin, ay unti unti na akong nahuhulog sa kanya.

Mahal ko na siya. Oo mahal ko na siya, kaya ayaw ko ng malayo pa sa kanya.

SANA AKIN KA NA LANG [Completed]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon