[Erick]One week na mula nang huling pagkikita namin ni Kae. At hindi iyon naging maganda.
Nakaupo ako sa table malapit sa pintuan ng cafe na lagi namin pinupuntahan ni Kae. Siguro nga ay ito na lang ang tanging magiging alaala ko kay Kae.
Mga oras na napakasaya namin kapag narito kami nagpapalipas ng oras. Paboritong cafe namin ito noon pa man. Dito lang kami, magkukuwentuhan. Magtatawanan at mag-aasaran. Pero hindi na yun mangyayari ulit.
Napaayos ako nang upo ng makita kong papasok si Kae sa cafe. Siguro ay nakita niya ako agad kaya mabilis siyang pumihit pabalik.
Agad akong tumayo at lumabas mula sa cafe. Iniiwasan niya ako pero kailangan ko siyang makausap.
"Kae! Kae please let's talk." habol ko sa kanya.
"Leave me alone." mabilis ang paglalakad niya.
"Please Kae, mag-usap tayo." nahawakan ko naman ang braso niya kaya napahinto siya at humarap sa akin.
"Ano pa ba ang kailangan mong sabihin? Alam ko na diba? Alam ko nang ikakasal ka na at hindi sa akin. Alam ko nang ginagago mo ako." naluluha niyang sabi sa akin.
"Kae, hindi ko ginusto ang lahat."
"Kung hindi mo ginusto. Sinong maygusto? Parents mo? Hindi mo ginusto pero bakit pumayag ka. Bakit mo hinayaang maging ganito Erick?"
"Kae, may masmalalim na rason."
"Bullshit! Anong rason? Dahil malulugi ang company niyo at kailangan mong magpakasal sa iba para maisalba to? Damn drama!"
"Hindi iyon Kae."
"Then what?! Bakit hindi mo sabihin?"
"Please Kae. Please understand." nasasaktan ako sa nakikita ko kay Kae.
She's really crying. Damn Erick, anong ginawa mo sa kanya.
"Paano kita iintindihin kung ayaw mong ipaintindi sa akin. Bakit Erick? Mahal kita pero bakit mo hinayaang maging ganito?"
"I love you Kae, alam mo yan."
Uminit bigla ang mukha ko nang maramdaman ang pagdampi ng kamay ni Kae sa mukha ko. I deserved that. I deserved that slap from her. Hindi iyon matutumbasan ng ginawa kong pananakit sa kanya.
"Damn Erick! If you really love me, why don't you fight for me?!"
Pinanood ko na lang na tumakbo si Kae palayo sa akin. Hindi ko na rin napigilan ang pagtulo ng aking mga luha. Sorry Kae. Sorry for causing you this pain.
******
[Ray]Naglalakad lang ako sa mall nang mapansin ko si Kae sa kabila. She was running. Namumula ang mga mata. She's crying. Damn.
Mabilis akong tumakbo patungo sa gawi niya. Hinabol ko siya hanggang makarating kami sa parking lot ng mall.
"Kae!" napalingon siya sa akin. At tama ako, umiiyak nga siya.
Lumapit ako agad sa kanya. Bigla siyang yumakap sa akin habang umiiyak.
"Sshhh. It's okay nandito na ako."
"I saw him. I saw him, Ray. Ang sakit sakit. Nadudurog na ang puso ko." iyak niya sa akin.
Nanggagalaiti ako sa galit sa nangyayari sa kanya. Hindi dapat siya nasasaktan ng ganito. Pero wala ako sa lugar. Kailangan niya ng karamay. Nasasaktan ako kapag nakikita siyang umiiyak.
"Magiging okay din ang lahat. Come, ilalayo na kita rito." inangat ko ang mukha niya at pinunasan ang kanyang luha.
Inilalayan ko siya pasakay ng kotse niya. Ipapakuha ko nalang sa driver ang kotse ko. Ako na nagdrive sa kotse niya.
Huminto kami sa isang ice cream shop. Tahimik lang siyang bumaba.
"Ice cream shop?" tanong niya sa akin. I poke her nose saka ako ngumiti.
"Yap. Wag ka na kasi nagkakape. Ice cream na lang. Maspasasayahin ka nito. Dapat ito na magiging favourite place mo ha. Wag na yung bulok na cafe."
Hinawakan ko na ang kamay niya. Hinayaan lang naman niya. Kinilig ako, pero kunti lang. Kunti lang.
"Okay."
Pumasok na kami sa loob. Gaya ng dati, strawberry ang inorder ko para sa amin. Pareho kasi naming paborito ito.
"Thanks. Dinala mo ako rito. Pinalamig nito ang nag-aapoy kong utak at puso." natatawa niyang sabi.
"Good. Dapat lang no." natatawa ko na ring sabi sa kanya.
*****
[Cindy]
"Ice cream shop?" tanong ko kay Ray nang makababa kami ng kotse. Nagulat ako ng pinoke niya ang ilong ko.
"Yap. Wag ka na kasi nagkakape. Ice cream na lang. Maspasasayahin ka nito. Dapat ito na magiging favourite place mo ha. Wag na yung bulok na cafe." sagot niya sa akin.
Hinawakan niya ang kamay ko. At automatikong may dumaloy na kuryente sa katawan ko. May ground ba siya? Pero hindi ko namang magawang tanggalin yun kaya hinayaan ko na lang siya.
"Okay." yun na lang talaga ang naisagot ko.
Pumasok na kami sa loob. Gaya ng dati, strawberry ang inorder niya para sa amin. Tuwang tuwa naman ako dahil paborito ko ang flavor na strawberry. Actually pareho kami.
"Thanks. Dinala mo ako rito. Pinalamig nito ang nag-aapoy kong utak at puso." natatawa ko pang nasabi sa kanya.
"Good. Dapat lang no." natawa na rin siya.
Tinuloy ko ang pagkain sa ice cream. Nakakatuwa talaga. Naeenjoy ko ito.
Sandali akong natigilan dahil nakatitig si Ray sa akin. Nilakihan ko siya ng mata. Napasinghap ako ng ngumisi siya sa akin. God, ang hot niya. Bakit ganun.
Lalo pa ako napasinghap nang tumayo siya ng bahagya sa kinauupuan niya. Yumuko siya sa akin at unti-unti siyang lumalapit sa mukha ko.
Sobrang lapit na ng mukha niya sa mukha ko. Damn, bumibilis ang tibok ng puso ko. Ano ba nangyayari. Ano ba gagawin niya sa akin. Don't tell me... No. No. No. Hindi ko kakayanin to.
Hinahabol ko na ang hininga ko. Someone, paabot ng oxygen!!!. Ilang pulgada na lang ang lapit ng mukha niya sa mukha ko.
Ray!!!!!! No!!!!!!
"Para kang bata." napakurap kurap ako nang punasan niya ang labi ko ng tissue.
What?????!!!!
Bumalik siya sa pagkakaupo habang nakangisi sa akin. Hindi niya ako hinalikan? Huh? Bakit disappointed pa ako.
"T-Thanks." utal kong sabi at tinuloy ko ang pagpunas sa labi ko.
Akala ko. Akala ko. Damn! Ano bang iniisip ko. Stop it Kae! Assuming lang te. Tss.
After nun ay hinatid na niya ako. But I can't believe tahimik lang ako hanggang makauwi ng bahay. Hindi maalis sa isip ko ang hitsura ni Ray kanina habang papalapit sa akin.
What if hahalikan talaga niya ako. What if doon nga yun papunta. What would I feel. Bakit ba ganito iniisip ko. At bakit ganito nararamdaman ko. Nababaliw na ba ako. Kanina lang umiiyak na naman ako.
Pero bakit kapag nandyan si Ray hindi ko naiisip ang sakit na nararamdaman ko. I can't believe this. Nababaliw na talaga ako.
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Novela JuvenilYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...