[Dylan]Napansin kong naging matamlay si Kae nitong huling araw. Miminsan ko na lang din siya makitang ngumiti. Yun ay tuwing kasama niya ang mga kaibigan niya.
Tinanong ko na rin si Thea tungkol kay Kae pero wala naman daw siyang alam.
Pabalik na ako sa building namin nang makita ko sina Ray at ang mga kasama pa niya. Tinawag ko sila at nakita naman nila ako. Lumapit na ako sa kanila.
"Oh bakit Dylan?" tanong sa akin ni Ray.
"Alam mo ba kung bakit unti unting nagiging tahimik ni Kae nitong mga huli?" sabi ko sa kanya at nakisabay ako sa kanila sa paglalakad.
"Oo nga eh. Pero hindi ko naman alam kung bakit. Ayaw ko naman magtanong baka kasi personal eh."
"Oo nga Dylan. Super effort nga itong si Ray para lang pangitiin si Kae eh." rinig ko naman sabi ni Xander.
"Ganun ba. Salamat ah." tinapik ko pa ang balikat niya saka kami nagkamay.
"Wala yun. Kaibigan ko siya kaya natural lang yun."
"Hindi kaya. Iba kapag si Kae eh." panunukso naman ni Alex sa kanya.
Sa totoo lang ay napapasin ko na rin iyon. Kung tutuusin masgusto ko pa si Ray kay Kae kesya kay Erick. Sus!
"Mga siraulo."
"Okay lang naman sa akin. Liligawan mo ba kapatid ko. Walang problema sa akin yun." sabi ko sa kanila.
Nagulat pa ako nang magsigawan sila at nagtutulakan na. Seryoso lang naman si Ray habang inaawat yung tatlong naghaharutan.
Hindi ko namalayan na nasa building na nila pala kami. Nagulat nalang ako nang lumabas si Kae mula sa pinto ng room nila.
"Oh Kuya, anong ginagawa mo rito?" usisa niya sa akin.
"Check lang kita. Miss kita eh." ginulo ko pa ang buhok niya.
"Hay naku Kuya. Ano nga?!" iritang sabi niya sa akin.
"Hinatid ko lang sina Ray. Baka kasi mawala eh."
Nagtawanan naman sila. Samantalang seryosong nakatingin sa akin si Kae. Kinindatan ko siya pero tinaasan lang ako ng kilay.
"Sabay tayong maglunch mamaya ha. Sabay din tayong uuwi."
"Yun lang ba pinunta mo rito?" tumango lang ako saka siya tinalikuran.
Babalik na naman ako sa building. Mabuti na lang at mahaba haba pa ang oras. Layo kasi ng building nila sa amin.
Nang makatapat ako sa gym ay nakita kong lumabas doon si Erick. Nang makita ko siya ay parang nag-init ang mukha ko. Napayukom ang aking kamao at gusto ko siyang sugurin.
Buti na lang at nakakapagtimpi pa ako. Naku kung wala lang kami sa loob ng school baka naupakan ko na siya.
Napapitlag ako nang mapatingin siya sa akin. Nginitian pa ako ni loko at papalapit na siya sa akin.
"Musta na Dylan?" usisa niya sa akin.
"Bakit hindi mo na sinusundo at hinahatid si Kae?" walang emosyong tanong ko.
Nakita kong nagulat siya sa tanong ko. Napabuntung-hininga siya.
"I'm sorry Dylan. Dami kasing pinapagawa sa akin ang parents ko."
"Tulad ng pagpapakasal nila sayo sa isang taong hindi mo naman kilala?"
Namutla siya sa sinabi ko. Nanlaki ang mga mata na para bang nagtatanong.
"Alam ko na ang lahat Erick." matigas kong sabi.
"Sorry Dylan."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya bagkus ay sinuntok ko siya sa mukha. Napaatras siya sa ginawa ko. Napasinghap naman at nagulat ang mga nakakita.
Nakayuko lang si Erick. Gago. Guilty ang tarantado.
"Pasalamat ka Erick yan lang muna ang maibibigay ko sayo."
"Wala akong choice Dylan. Kung alam mo na ang lahat, alam mo na rin na hindi ko ginusto ang lahat. Sila mommy lang ang nagpupumilit sa akin. Mahal na mahal ko si Kae."
Tama ang sinabi niya. Sinabi ng detective na hindi niya kilala ang babaeng papakasalan niya dahil kasunduan lang ito ng lolo niya sa isang kaibigan.
He promise it to a dying man. Bilang lalaki, may isang salita siya. Pero bakit kailangang masaktan si Kae. Bakit ganun.
"Sasabihin ko dapat ito kay Kae nung dumating sina mommy. Pero natatakot ako. Natatakot akong masaktan si Kae."
"Simula pa lang ay sinasaktan mo na siya Erick. Kung talagang mahal mo siya, let her go. Ayaw kong makikitang umiiyak ang kapatid ko dahil sayo."
Tinignan niya ako ng diretso. I saw pain in his eyes. Alam ko namang mahal niya si Kae. Pero hindi ganito. Wag ganito.
"I'll tell her. Just give me time. Nahihirapan ako Dylan. Masakit din sa akin to." medyo papaos na ang boses niya.
"You better be Erick. Dahil kapag nalaman ni Kae ito sa iba, masasaktan siya ng sobra. Dahil niloko siya ng mahal niyang boyfriend. Na pinaglihiman siya nito." sa malayo na ako nakatingin. Ayaw ko siyang tignan. Naawa ako na nagagalit sa kanya.
"I will Dylan. Thank you and I'm really sorry."
Hindi ko sinagot si Erick bagkus ay nilagpasan ko na lang siya. Mabuti na lang at nakapagtimpi pa ako. Isang suntok lang ang nagawa ko sa kanya. Pasalamat talaga siya.
Later on. Sa lunch ay sinundo ko si Kae sa classroom nila. Hindi ko nakita ang anino ni Erick mula nung magpang-abot kami kanina.
"Ikaw magbayad nitong lunch ko ha." sabi ko sa kanya.
Tinaasan niya ako ng kilay. Ginulo ko naman ang buhok niya saka siya tinawanan. Iniwan ko na siya sa cashier at dinala ko ang mga pagkain namin.
Nilapag ko na ang mga iyon sa table namin. Nandun na rin ang mga kaibigan namin. Si Al at Peter ay kasama ng mga girlfriend nila kaya humiwalay na lang ako.
"Mabuti naman at nakasabay ka sa amin ngayon Erick." si Jess.
"Oo. Pinilit kasi ako ni Kae eh." nakangising sagot ko sa kanya.
"Excuse me?!" taas kilay na sabi ni Kae. Nakalapit na pala siya.
Naupo siya sa tapat ko at nagstart na kami sa pagkain. We just enjoy our lunch. Kahit papaano ay napapatawa na din si Kae.
Minsan ay si Ray ang dahilan nun. Well, I know he is a good man. Kung wala man ako siya ang gusto kong mag-alaga kay Kae.
After ng school ay hinintay ko si Kae sa building nila. Hindi rin ako mapakali dahil sa pag-uusap namin kanina ni Erick.
Kating kati na akong sabihin pero ayaw kong sa akin yun manggaling. Dapat si Erick yun. Siya ang magsasabi dapat.
Dahil silang dalawa ang involved sa situation na pareho silang nasasaktan at masasaktan pa.
(sorry for slow update)
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Novela JuvenilYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...