😆😆😆😆
[Erick]
Palabas na ako nang bahay nang may humintong taxi sa harapan namin. Tinignan ko lang iyon. May bumabang babae, and it was mom.
Lumabas ako ng gate at nilapitan siya.
"Mom?"
"Oh Erick! I miss you baby." pag-akap sa akin ni mommy.
"Bakit hindi po kayo nagpasabi para nasundo ko kayo." ang sabi ko.
"It's okay anak." si dad. "May pasok ka ngayon diba? Ayos na kami ng mommy mo. Sige na. Kaya na namin ito."
"Maaga na lang po akong uuwi." tango lang ang isinagot nila sa akin. Senenyasan pa ako ni mommy na kumilos na.
Tumalima naman ako at pumasok ulit sa gate. Bumusina na lang ako saka tuluyang umalis.
Later on.
Sinundo ko si Kae sa room nila at sabay kami ngayong maglalunch. Solo lang kami pero nasa malapit ang mga kaibigan niya.
"Dumating na sina mommy at daddy." sabi ko. Napaangat ng tingin si Kae at nakangiti.
"Really? I want to see them!" excited niyang sabi.
"Of course you will. But not for today. Pagod pa ang mga yun sa byahe. Hope you understand." pinisil ko ang kanyang mga kamay.
"Of course, bhi. Kailangan muna nilang magpahinga. Maaga ka palang uuwi today?"
"Oo eh, okay lang ba kung sumabay ka na lang sa mga kaibigan mo?"
"Its okay. Baka kuya na lang ako sasabay."
******
°°°°°°°°[Cindy]
"Bakit hindi ka niya sinama sa kanila?" usisa ni kuya Dylan sa akin. Pasakay na kami sa kanyang kotse.
"Eh kasi kararating lang daw ng parents niya. Siyempre may mga jetlag pa ang mga iyon. Nakakahiya naman kung iistorbohin ko sila diba." me wearing my seatbelt.
"Naku, daming dahilan. Baka ayaw ka niyang papuntahin sa kanila at ayaw na niyang mameet mo sila."
"Ayan ka na naman Kuya ha. Aasarin mo na naman ako." nagmaktol pa ako.
"Hindi naman ah." pero tumatawa siya.
"Tell me Kuya. Bakit ba ganyan ka kay Erick? Simula't sapol nung ligawan niya ako at hanggang maging magboyfriend na kami."
"I just don't want him for you. Ewan ko. Feeling ko lolokohin ka lang niya."
"What? Mag-iisang taon na kami. What's the idea na lolokohin niya ako?"
"I don't know." sagot niya sa akin.
Hindi na ako ulit nagtanong pa. Nakakainis lang talaga. Minsan pati si Thea hindi na rin masyado nakikiharap kay Erick. Ano ba problema nila. Hmp😒😒
After 3 days ay niyaya na ako ni Erick sa kanila. Gusto na rin daw kasi ako makita ng mommy niya. Hinintay na niya ako sa labas ng room namin.
"Wow, aga ka naman sunduin ng boyfriend mo." si King.
"Yap. Pupunta kasi kami sa house nila. Dumating na kasi from Japan ang parents niya." sagot ko naman.
"Really? Wow!" nanlaki pa ang mga matang sabi nina Jess at Tanya.
Nagtawanan pa nga kami.
"Tara na nga!" iritang sabi ni Ray. At naglakad na ito palayo sa amin. Nagkatinginan naman kami ng iba.
"Oh, anong problema nun?" usisa ko sa kanila. Nagkibit balikat lang naman yung iba.
"Stephen!" habol ni King sa kanya. Sumunod naman yung dalawa pa.
"Sige girls, mauna na rin ako ha." sabi ko at lumapit kay Erick. Umalis na rin kami.
"I'm excited to see tita and tito" sabi ko.
"Siyempre ganun din sila. Matutuwa ang mga iyon kapag nakita ka." sagot naman sa aki ni Erick.
Pagdating namin sa kanila ay agad kaming nagtungo sa kanilang gazebo dahil ayon sa katulong ay nandun daw ang parents ni Erick.
Magkahawak kamay kaming nagpunta doon. Malayo pa lang ay nakangiting nakatingin sa amin ang parents niya.
"Hi tita, hi tito." bati ko sa kanila.
"Hello Kae. Nice to see you again." si tita na nagbeso pa sa akin. Nagmano lang naman ako kay tito.
"Kumusta po ang byahe ninyo?"
"Its okay. Pero siyempre, nakakapagod. Worth it naman, dahil nakauwi kami ng maayos at makakasama na naman ang baby namin." si tita.
"Mom!?" si Erick. Nagtawanan pa kami ni tita.
"Kumusta naman ang parents mo?" tanong naman sa akin ni tito.
"They're okay tito. Nasa Korea po sila ngayon. Pero by the end of the year daw po ay uuwi sila." sagot ko naman.
"Good. Regards me to them ha."
"Opo tito."
"Sige, maiwan muna namin kayo dyan ha. Papasok na kami sa loob ng bahay." sabi ni tita at sabay na silang tumayo ni tito.
"Sige po." sabay na sabi namin ni Erick.
"Oh by the way Kae, dito ka na magdinner. Mamaya bago ka umuwi ibibigay ko saiyo mga pasalubong ko saiyo." habol na sabi sa akin ni tita.
"Sige po tita. Thank you po."
Naiwan na nga kami ni Erick sa kanilang gazebo. Lalo pa siyang lumapit sa akin at patagilid niya akong niyakap. Niyakap ko naman siya sa kanyang tagiliran.
Humigpit pa ang yakap niya sa akin and he kissed my head. Napapikit naman ako. I love him so much and I don't want to lose him. I remember so well kung paano ko siya sinagot.
✨✨✨✨✨
FLASHBACKNasa isang cafe kami. Kumakain kami ng cake, nacoconscious ako dahil panay ang tingin niya sa akin. I looked at him and he smiled.
"Why?" usisa ko sa kanya.
"Wala lang. You're so beautiful. Iniimagine ko lang the life with you." matamis na ngiti niya sa akin.
"Really?"
"Oo naman. And I even want to marry you right now."
"Sira! Wag ka ngang ganyan."
"Seryoso ako. Almost one year na akong nanliligaw saiyo. Do you love me? Coz I really love you." pinisil niya ang kamay ko. Nagkatitigan lang kami.
"Erick.."
"Sige, hindi kita iprepressure. But I want you to know that I'm waiting for you. I always be here. Coz I love you." nakikita ko sa kanyang mata ang ningning nito at ang sinseridad.
"And I love you, too." sagot ko.
"What??"
"I said, I love you!"
"Tayo na?" tumango ako sa kanya.
Nagulat na lang ako nang bigla siyang nagtatalon. Napatingin sa amin ang mga nasa kabilang table.
"Sinagot na niya ako!! Kami na!! Kami na.. Sinagot na niya ako." sabi niya sa mga tao na nandun.
Nagpapalakpakan naman sila habang tuwang tuwa pa rin siyang nagtatatalon. They even congratulate us. Masayang masaya siya. Pinatayo niya ako at niyakap niya akong binuhat at inikot pa. Saya-saya ng pakiramdam ko.
END OF FLASHBACK
✨✨✨✨✨✨💟💟💟💟💟
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Novela JuvenilYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...