[Ray]Nasa sala lang kami ng barkada nina Kae at hinihintay siya. Naeexcite na akong makita siya. Ano kaya hitsura niya. Ngayon pa lang kumakalabog na ang puso ko. Naiihi ako na hindi ko maintindihan.
"Hoy. Kinakabahan ka ba?" usisa ni Dylan sa akin.
"Hindi ah." sagot ko naman sa kanya.
"Sus. Sinungaling. Pinagpapawisan ka nga oh." sabad naman ni King sa amin.
"Tumigil ka nga dyan. Nakikisali ka na naman eh." si Jess naman.
"Sabihin mo nga sa amin. Hanggang kailan ka ba magiging guy bestfriend ni Kae? Lupit mo din eh no." tukso pa sa akin Aris.
"Hindi ka ba napapagod maghintay?" si Xander.
"Ayan na naman kayo. Aasarin niyo na naman si Ray. Alam niyo na ngang torpe yan eh."
Kala ko naman pinagtatanggol ako ni Tanya. Isa din pa lang mang-aasar sa akin eh. Yes, ako ang guy best friend ni Kae. Yun ang sabi niya eh. Wala naman akong tutol dun. Masaya na ako dun. Kahit na sa tuwing magkasama kami lagi kong gustong sabihin sa kanyang Sana akin Ka na lang, Kae.
Tatlong taon na mula nang mangyari ang lahat. Nagkasundo na sina Dylan at Erick. Hindi na daw mainit ang dugo ni Dylan sa kanya kasi hindi naman daw sila nagkatuluyan ni Kae. Loko din eh. Tinatawanan na nga lang siya ni Erick kapag nag-aasaran sila ng ganun.
Naging okay na rin kami ni Erick. Miminsan ay kasama namin sila namamasyal o kaya ay nagbabonding kapag walang klase.
Nagtatrabaho na rin si Dylan sa company nila bilang assistant ng daddy nila. Minsan ay paalis alis din siya kaya ang madalas kasama nina Kae at Thea ay kami. Kilalang kilala na din ako ng parents nila kaya pinagkakatiwalaan naman nila ako.
Yun nga lang ay bilang best friend na lalaki ni Kae. Pero okay na rin yun. Nagtangka din akong manligaw sa kanya noon. Kaso mukhang hindi pa daw siya handa.
"Tagal naman ni Kae. Aalis pa ako mamaya eh." ani Dylan na patingin tingin sa kanyang relo. Saka inayos ang kanyang black suit.
"Parang kararating mo lang ah. Aalis ka na naman kuya?" napatingin kaming lahat sa nagsalita.
Pababa na siya ng hagdan. Nakaladlad lang ang mahaba niyang buhok pero nakapin sa side ang buhok niya sa harap. She's wearing a pink lipstick at simpleng make up lang ang nilagay sa kanya. Napakaganda niya. Ang ganda ganda niya. She's wearing her pink gown na may slit above the knee.
"Laway mo pre." bulong sa akin ni Xander. Siniko ko lang naman siya at nginisian lang ako.
Lumapit ako sa kanya saka ko inabot ang kamay ko. Ngumiti naman siya. Inalalayan ko na siya pababa.
"Pogi natin ngayon ah." bulong niya sa akin.
Grabe. Nakakabakla. Pero aaminin kong kinilig ako dun. Sus, alam ko naman yun noon pa.
"Ngayon lang ba?" ngisi ko sa kanya.
"Oo na, pogi ka noon pa. Pero maspomogi ka ngayon." oh, sabi ko na nga ba.
"Hoy, tama na yang landian niyong walang malisya." si Dylan. Yun ang lagi niyang sinsabi kapag nagkakaasaran kami ni Kae.
"Oo nga. Feeling niyo kayo yung ikakasal." anas naman ni Aris.
Loko din to eh. Saka mga basag trip eh.
Sumakay na kaming lahat sa van. Patungo na kami ngayon sa simbahan kung saan ikakasal sina Alice at Erick.
Bumalik ng Japan si Alice noon para ipagpatuloy ang pag-aaral. Nauna na siyang nakapagtapos keysa sa amin.
Speaking of. After ng celebration ng kasal. After a week, graduation na rin namin.
Kinuha kaming lahat para maging abay sa kasal. At siyempre si Kae at maid of honor. At malamang hindi ako ang best man. Hahaha.
Ilang oras pa ang paghihintay ang nagsimula na ang entourage.
Kasalukuyang nakatayo si Erick katabi ang kanyang bestman. Sa maniwala kayo at hindi, nadevelop din sila ni Alice sa isa't isa. Natutunan nilang mahalin ang bawat isa.
Kahit na nasa Japan si Alice ay hindi natapos ang komunikasyon nila. At tuwing bakasyon ay umuuwi si Alice dito o kaya naman si Erick ang pumupunta sa Japan. Dahil na rin sa kagustuhan ng mga magulang nila.
Ang maid of honor, si Kae. Naglalakad na siya sa aisle. Grabe. Ang ganda-ganda niya. How I wish na kapag ako ang nasa kalagayan ni Erick, si Kae ang gusto kong hintayin sa altar. Kailan kaya magkakaroon ng pagkakataon na maipadama ko talaga sa kanya ang pagmamahal ko.
Hindi nagtagal ay si Alice na ang naglalakad sa aisle. Nakatakip siyempre ang mukha niya ng veil. Kitang kita sa mukha ni Erick ang kasiyahan. Halos maluha nga siya. Hindi mo aakalain na hindi sila nagkaroon ng connection sa pag-ibig. Pareho silang nagmamahal kay Kae. Sila pa pala sa dulo ang magkakatuluyan. Kahit na sabihin pang fix marriage ang nangyari.
Kasalukuyang nagaganap ang seremonya. Lagi kong sinusulyapan si Kae. Hindi ko maiwasang mapatingin sa kanya. Kita sa mga mata at ngiti niya ang kasiyahan. Nakamove on na nga siya. Alam kong masaya siya para sa dalawa. Napakabuti niyang tao para unawain lahat ng nagyari.
Mahal na mahal niya noon si Erick. Pero hindi naging sarado ang isip niya na intindihin ito. Kung bibigyan mo lang ako ng pagkakataon Kae. Edi sana ikakasal na rin tayo.
"Uy, anong nginingiti-ngiti mo dyan? Naku, yari ka kay Dylan kapag natunaw yang si Kae." bulong sa akin ni King.
"Tigilan mo nga ako. Kung anong pinagsasabi mo. Makinig ka na nga lang dun." sabi ko naman sa kanya.
"Sus. Ikaw nga tong hindi nakikinig dyan. Bakit kasi hindi mo na ligawan. Subukan mo na kasi ulit. Ligawan mo na wag mo na lang tanungin."
"Manahimik ka nga gulu-gulo mo."
"Sshhh. Ano ba kayo? Para kayong mga bubuyog. Nagbubulungan kayo dyan." sabad ni Jess.
Later on. Nagpaalam na si Dylan sa amin dahil lilipad pa ito patungong Korea. May aasikasuhin pa daw ito.
Kami na lang at tumuloy sa reception. Napakasaya ng bagong kasal. Minsan ay pinupuntahan kami sa aming table para kumustahin.
"Sarap ng pagkain no." si Aris na halatang busog na busog sa kinain.
"Ang takaw mo. Sa dami ng kinain mo malamang masarap nga talaga ang pagkain." si Tanya.
"Naku. Hayaan niyo na nga si Aris." si Kae.
"Kae, kelan naman kaya na tayo ang ikakasal no. Ang gusto ko garden wedding." kilig na sabi ni Jess.
"Don't worry ibibigay ko yan sayo." si King. Nakita naman naming hinapas siya sa braso ni Jess.
Sa totoo lang hindi namin alam kung nanliligaw na si King sa kanya. O kung sila na. Madalas kasi kapag magkakasama kami ay sila ang laging magkatabi o kaya naman sila ang madalas magharutan at magbiruan.
"Ako? Naku baka matagal pa. Magwowork muna ako no. Mas okay kung stable muna bago ikasal." napatingin ako sa kanya.
"Naku Ray. Matagal pa pala ang hihintayin mo para pakasalan si Kae." siko sa akin ni Xander.
Pinandilatan ko naman siya. Tinawanan lang nila kami. Pero matagal pa ba talaga ang hihintayin ko? Hindi ko pa nga siya maligawan ang pakasalan pa kaya.
"Hoy tigilan niyo yang si Ray ha. Mahal ko yan. He's my best friend."
Pinagtinginan naman nila ako.
"Best friend zone ka pa rin." bulong sa akin ni King.
Dapat matuwa ako dahil mahal niya ako. Pero bilang best friend. Kahit na Kae, hindi ako magsasawang mahalin ka kahit hindi ko yun masabi sayo. Kulang pa ba ang mga pinapakita ko yun sayo?
BINABASA MO ANG
SANA AKIN KA NA LANG [Completed]
Teen FictionYung akala mo perfect na lahat. Yung akala mo masaya ka na pero hindi pa pala. Lalo na kapag may nalaman ka at ito ang dahilan ng ikakadurog ng puso mo. When you feel down, there is someone who will there for you. At ang taong yun pala ang true happ...