NĪTE
TAMA nga ang kutob ko. Mangyayari ang inaasahan ko at ngayon nga pinatawag ako ang store manager namin.
"I'm sorry Nite, pero last day muna yung kagabi, yun ang sabi samin ni sir, gustuhin ko man na---"
"Wala naman po kayo kasalanan. Sige po." ,paalam ko sa store manager. Umalis narin ako pagkakuha ng last payment ko. Binaybay ko ang kahabaan ng daan at nag babakasakali na may makita akong opening na trabaho, pero malapit na ako sa kanto papunta sa bahay ay wala parin ako nakikita.
"Pag minamalas nga naman o! Bakit kasi hindi nilikha ang tao ng pantay - pantay!", sabi ko sabay sipa sa lata.
"Hindi lumalaban yang lata! Maawa ka sa kanya!"
Lumingon ako. Si Aya pala."Ano namang ginagawa mo dito?" Minsan talaga may pagka kabute siya. Basta na lang minsan sumusulpot. Naupo ako sa may gutter.
"Wala naman may binisita lang akong kaibigan. Bakit maaga ka yata ngayon wala ka bang trabaho?" Tanong niya at naupo sa tabi ko.
"Wala na!", sabay buntong hininga ko.
"Sa tingin ko dahil dyan?" Tinuro niya ang pasa sa may gilid ng labi ko.
"Balewala ito basta wag lang nila idadamay magulang ko. Ang yayabang kasi, mayayaman e, at sa kamalasan anak pala ng may ari yung naka away ko."
Napansin kong may kinuha si Aya sa kanyang bag at iniabot sakin.
"Ano ito?"
"Hindi mo alam kung ano yan? Ngayon ka lang ba nakakita nyan?"
"Tss! Alam kong chocolate yan ibig sabihin ko para saan yan? "
"Upset ka diba? Kumain ka muna niyan para naman maging ok yang mood mo kahit paano!"
Tiningnan ko muna siya bago kinuha ang chocolate bar na iniabot niya. Kinuha ko rin ito at binuksan saka kinagat.
"Hmm, masarap!" Wika ko at kumagat akong muli. Inalok ko siya at kumagat rin.
"Bakit diyan ka kumagat, e may kagat ko na yan!"
"Ano namang masama dun, wala ka namang sakit diba!" Ngumiti siya sakin at pinagpatuloy ang pagnguya.
"Siya nga pala, bakit kayo hinahabol nung tatlong yun? Noong makita ko kayo ni Buknoy?", patay malisya kong tanong. Nakilala ko kasi siya noong nagdaang linggo ng hindi sinasadya. Hinahabol sila ng tatlong lalaki.
"Yun ba, nakita ko kasing hinahabol nila si Buknoy, tinulungan ko yung kaibigan ko. Salamat nga pala ulit."
"Wala yun. Mga gago yong tatlong yon mag ingat kayo.", paalala ko sa kanya.
"Alam ko." Casual niyang sagot. "Wala namang ibang kaya mga yon kundi yong mas maliit sa kanila!"
"May pupuntahan ka pa bang iba?", tanong kong bigla sa kanya.
"Ahm, wala namang bakit?"
"Tara sa bahay sigurado matutuwa si Nay pag nakita ka!" Isang beses na rin siyang naka punta sa bahay noong minsang tinulungan niya si Nay sa mga pinamili nito.
"Sige."
Tumayo na kami at nag simula na maglakad patungo sa aming tahanan.
"Nay may bisita po kayo!" Tawag ko pag dating namin.
"Ha?, sino ba...naku Aya ikaw pala, tuloy ka!"
"Magandang hapon po Nay Luna!"
"Magandang hapon naman. Nīte ikaw muna mag bantay dyan sa tindahan at magluluto muna ako ng hapunan natin."
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...