K A B A N A T A 19

23 3 0
                                    

AYRHA

SATURDAY ngayon, pagkatapos namin pumunta sa mananahi at kuhanin ang mga sukat namin para sa gagamitin naming uniform, nagsipag uwian na ang iba. Kami na lang walo ang natira.

"Saan pa ba tayo pupunta, Ayrha?" Kahit kailan talaga ang inipin nitong si Ian. Bakit ba hindi na lang siya sumunod at iwasan na lang magtanong.

"Oo nga naman, sakit na ng paa ko kanina pa tayo naglalakad!" Isa pa itong si Alex, daig pa niya minsan ang babae kung umarte.

"Wag nyo ng kulitin si Ayrha, enjoy nyo na lang ang magagandang scenery dito. Tutal bihira lang tayo makapunta sa ganitong high profile na lugar."

"Correct si Kaye at I'm sure maraming gwapo at mababangong fafa dito!" Mabuti pa sina Kaye at Jayla walang reklamo.

"Saan ba talaga tayo pupunta, ha Ayrha?" Isa pa itong si Nīte, sa halip na suportahan ako siya pa itong nagpapakita ng inis.

HUMINTO ako kaya huminto rin sila. "Andito na tayo!"

Nakita ko na tumingin sila mula baba hanggang sa taas ng kaharap naming building.

"Dito ba sa magandang building na ito tayo papasok?" Sa wakas, hindi rin nakapagpigil si Maui at nagtanong din siya. Kanina ko pa hinihintay yon.

"Let's go inside!"

Ako ang unang pumasok sa building at sumunod naman sila habang amaze na amaze sa nakikita. I'm sure mas maaamazed ang mga ito kapag nasa loob na.

"Wow, may fountain sa loob ng building!" Sabi ko na nga ba. Natatawa lang ako sa reaction nila. Lumapit ako sa receptionist.

"Good morning Miss Ledezma!"

"Pare kilala dito gf mo." Nadinig kong sabi ni Mico kay Nīte.

"Oo nga grabe bigatin talaga si Ayrha. -Alex

"Wag nga kayong magulo." Ito talagang si Nīte ang init ng ulo, e ang lamig naman ng aircon dito.

"Good morning. I want to know if open ang salon sa may 5th floor?"

"Check ko lang po." Ilang segundo lang akong naghintay. "Opo, open po sila ngayon. They're already expecting you!"

"Thank you!" Matapos akong ngumiti at mag paalam sa receptionist umalis na kami dun at nagderetso sa elevator.

"Good morning Ma'am, ano pong floor?"

"5th floor po." Sagot ko naman. Tahimik lang kami sa loob ng elevator, walang gustong magsalita. Siguro iniisip nila kung anong gagawin namin sa salon. Tumunog ang elevator at isa isa kaming lumabas. Sumusunod lang sila sakin.

"AYRHA, nice to see you here! Bakit ngayon ka na lang ulit pumunta dito girl? Kumusta ka na? Nalungkot talaga ako nang malaman ko ang nangyari sa sister mo." Halata sa boses niya ang sincerity sa mga sinabi niya. Actually, sister ko talaga ang madalas pumunta dito.

"Ok na...I need to move on, kahit mahirap."

"That's right girl! So, what brings you here?" Hinila ko siya ng medyo malayo sa grupo at sinabi ko kung anong sadya ko dun.

"Anong bang sinasabi ni Ayrha sa baklang iyon at patingin tingin pa sa atin?" -Ian.

"Baka binibenta na tayo ni Ayrha!"

"Wag ka ngang exaggerated dyan, Mico! Hindi gagawin sa atin iyon ni Ayrha!" -Maui

Lumapit na ulit ako sa kanila at kasama si Bambie.

"Ok, ako ang bahala sa kanya Ayrha! Come here girl!" Hinila niya si Maui.

"Ako?" Nagtataka nitong tanong sakin habang hila hila siya ni Bambie.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon