"YAWN!"
Masigla binuksan ni Jin ang bintana kung saan pumapasok ang sinag ng araw. Dumungaw siya dito at pinagmasdan ang mala asul na kalangitan na may bahagyang mga ulap na anaki'y malalambot at mapuputing bulak. Almost one week na siyang gumigising na hindi badtrip. Kadalasan bad mood agad siya tuwing umaga pero simula ng bumalik siyang muli sa eskwelahan parating good mood ang aura niya. Muli siyang napa ngiti nang may naalala tapos napa iling.
"Kakaiba siya sa lahat. Haha, akalain mong hindi niya ako kilala, tsk!"
Naputol ang pagiisip niya ng biglang tumunog ang kanyang celphone. Kumunot ang noo niya nang makita ang pangalang naka registered sa number na tumatawag. Agad niya itong dinampot at sinagot.
"O, problema?"
"Nothing!" Sagot sa kabilang linya. "They extended our vacation here, hays!"
"Ah, kaya pala. So, kelan ang balik nyo dito? First day of school ka lang pumasok at nagcutting pa, haha!" Muling tanong niya sa kausap.
"I don't know! I'm really bored here!"
"Haha! E di umuwi ka na dito bro!" Birong suhesiyon niya sa pinsan.
"If only I can! Oh, I need to go. I called just to informed you."
"Okay. Enjoy mo na lang. Pasalubong ko, don't forget!" Biro pa niya bago in-off ang phone. "It's time to start my day!" At tinungo niya ang banyo.
Patungo ng building department si Ayrha nang pamansin niya ang isang kumpol ng mga kababaihan. Ang aga aga ay kung ano nanaman ang pinagtsisismisan nila. Sabagay sana na siya dahil marami talaga dito ang mga fans ng kung anu anong group. May kani kanila silang mga fandom.
"Ayrha!"
Lumingon si Ayrha pero wala naman siyang nakita na tumatawag sa kanya kaya pinag patuloy lang niya ang paglalakad.
"Ayrha!"
Muli siyang lumingon at nakita niya ang isang lalaki na pilit kumakawala sa grupo ng mga babaeng dinaanan niya kanina.
"Excuse me lang mga girls, ha?" Sabi nito sa mga babaeng kinikilig at pilit siyang hinihila. "Hi, Ayrha!" Habol na bati nito nang makawala sa mga babae.
Iningusan lang niya ito at tinalikuran. Pinag patuloy niya ang paglalakad. Subalit humabol parin ito.
"Hey, what's in a hurry?"
"Pwede ba Jin, ang aga - aga pa!"
"Woah! Ano bang ginawa ko? Ikaw nga itong ang aga - aga naka arko na agad ang mga kilay mo."
"Pwede ba iba na lang? Wag ako!" At mabilis na iniwan ni Ayrha ang kausap. This guy really getting to her nerve. One week na siyang ginugulo ng Jin na ito. Nagsisisi tuloy siya kung bakit niya ginawa yung sa library tuloy ito yung resulta. Ang araw araw siyang kinukulit ng kaklase.
"HI!!!"
Napahinto sandali si Ayrha sa pag pasok sa classroom. Nakakapanibago dahil binati siya ng tatlong kaklase niyang babae na kilalang mga isnob sa kapwa kabaro nila. Pero ngayon abot tainga ang ngiti sa pag bati.
"GOOD MORNING!"
Nahihiyang ngumiti si Ayrha dahil hindi niya talaga inaasahan ito. Lumapit ang mga ito pero natigilan siya nang lampasan siya ng tatlong kaklase.
"Jin!"
"Bakit ngayon ka lang? Kanina ka pa namin hinihintay!"
Muli ay nilampasan ng mga ito si Ayrha habang hila -hila sa braso si Jin na kasunod lang pala ni Ayrha. Napasimangot naman ang dalaga dahil napahiya siya.

BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...