K A B A N A T A 2

48 4 0
                                    

AYRHA

MONDAY. Unang araw ko sa Don Emilio High School. Nasa quadrangle lahat ng mga estudyante. Katatapos lang namin umawit ng national anthem. Hindi pa pinapapasok sa mga rooms ang bawat isa sapagkat hinihintay pa ang school Principal. Ang ingay may nag kukwentuhan about sa mga teleserye, meron namang about movies sa HBO, Starmovies at kung anong pinanood nila sa sine nung dumaang weekend. Samantalang ako andito lang sa may gilid ng stage katabi ko ang ibang teachers na panay ang bati at puri sakin, alam ko naman na ka sipsipan lang yun pero meron din namang totoo. Maya - maya lang dumating narin si Mrs. Emperial, ang school Principal, umakyat ito sa stage at tumahimik ang lahat.

"Good morning everyone...."

"Good morning, Mrs. Emperial!" Bati naming lahat.

"I would like you to meet our new student....."

Napatayo ako ng tuwid ng marinig ko yon, kasi naman bakit kelangan pa na i-announced yun sa lahat.

"She's not just an ordinary student because she's our founder's grandchild...please all welcome Ms. Ayrha Ledezma!", nag palakpakan ang lahat. Nahiya naman ako, hindi ko naman expected na ipakikilala ako ng ganito.

"Good morning, I'm Ayrha Ledezma. Hello to all! Thank you!" Yon lang sinabi ko.

"Nice to have you here, Ms. Ledezma.", sabi ni Mrs. Emperial.

Bumaba na ako ng stage. May ilan pang sinabi ang principal namin bago pinabalik ang mga estudyante sa kani - kanilang room. Sumunod naman ako sa principal's office.

"Grabe ganda niya pre diba?"

"Naku gumana na naman yang pagka chick boy mo Alex!"

"At ikaw Mico hindi!"

"Wag nga kayo magulo dyan!, wala naman kwenta yang pinaguusapan nyo!"

"Naku, ikaw talaga Nīte naging walang kwenta siya sayo dahil alam mong anak mayaman siya. Bakit ka ba galit na galit sa mayayaman, diba ang erpat m---"

"Wag na wag mo mababanggit sakin ang taong yan kung ayaw mong mag away tayo!", galit na sabi ni Nīte at kinuwelyuhan pa si Alex.

"Tol relax lang!", awat ni Mico dito.

"Sorry na bigla lang!", paumanhin naman ni Alex.

"MR. CABALLEÍRO, ano yan ang aga -aga!", sabi ni Ms. Kim. Ang homeroom teacher namin. Yes namin dahil dito ako sa section na hawak niya.

"Wala po Miss, nag bibiruan lang po!", sabi ng isa sa kanila at napatingin silang lahat sakin.

"Sa labas na lang yan. By the way class, ito si Ayrha Ledezma magiging classmate nyo siya mula ngayon!", pakilala sakin ni tita Hanz. Tama siya ang tita ko si Ms. Hanna Kim, bunsong kapatid ni Mama, at kaya andito ako sa section niya (section 5) ay para mas mabantayan ako, tulad ng gusto ni Mama.

"Hi!", casual ko lang bati sa kanila.

Naupo na ako sa chair na tinuro ni Ms. Kim, ayoko na malalaman nila na tita ko siya.

Dumating na yung teacher namin sa first subject.

"Ok class, see you later, behave!", paalam ni Tita samin.

Nag simula na ang klase. Ok naman nakakahabol naman ako sa discussion. Yung mga sumunod pang subject ok din naman kasi yung iba medyo na discuss na samin sa dati kong school so, nakakahabol naman ako. Nang matapos yung apat na subject lunch break ang sunod.

Andito kami ngayon sa cafeteria ng school. Medyo mahaba yung pila pero nung makita nila akong dumating at pipila sa dulo tinawag nila ako at pinauna. Kahit ayaw ko ng special treatment sumunod naman ako. Gutom na kasi.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon