AYRHA
HINDI ko alam kung tutuloy ba akong sumabay sa breakfast nila o hintayin ko na lang sila matapos, sure ko na masesermunan ako ni Mama. Ilang days na akong ginagabi lagi sa pag uwi. Alam kong kaligtasan ko lang iniisip nila at ayaw na nilang maulit ang nangyari. Pero mahigit isang taon na ang lumipas matapos mangyari yon. Bahala na!
"Good morning Ma, tita Hannah!", bati ko sa kanila.
"Ayrha, saang party ka na naman galing kagabi!", galit na tanong ni Mama sakin.
"Ma andito lang ako sa house!"
"Don't fool me, maaga akong dumating kahapon!"
"Kina Chesca lang po."
"Nakapag enroll ka na ba?"
"Tomorrow pa po Ma."
"Mabuti. You don't need to enroll tomorrow. You will be transfer to other school."
"Transfer? Ma graduating na ako this year ngayon pa po ba ako lilipat!", napatigil ako sa pagkuha sana ng pagkain.
"I know, pero don't worry nakuha ko na yung mga dapat kunin sa school mo, para sa pag transfer mo."
Napatingin ako kay Mama. "So, you really planned this right? At saan naman pong school ako lilipat?"
"At DON EMILIO HIGH SCHOOL!"
"WHAT? Ma bakit naman doon pa!"
"And why not! Teka, minamaliit mo ba ang school na ito?", seryosong tanong ni Mama sakin at tinaasan niya ako ng kilay.
"Of course not Ma. Pero start na klase dun, diba tita Hanz?" Lumipat ang tingin ko kay Tita. Kailangan ko ang tulong niya.
"Yeah, pero is not a big deal. One week late ka lang naman, I know you can catch up!" Ngumiti pa ito sa akin. Laglag ang panga ko sa sagot niya. Wala talaga akong kakampi dito.
"Good kung ganun. Dun ka mag aaral para kahit wala ako mabantayan ka ni Hannah. Magiging busy ako at may time na lalabas ako ng bansa. Your Papa needs me, so please be responsible."
"You mean, hindi pa po uuwi si Papa dito.", nalungkot ako sa sinabing yun ni Mama.
"Yeah, kaya sa mga oras na wala ako, your tita Hannah will look up to you."
"Ok." Yun lang na sabi ko. Umalis narin si Mama para pumasok sa work niya pati narin si Tita.
Nakakainis talaga. Bakit pa kasi lilipat pa ako ng school. Hindi naman sa dinadown ko yung school. Maraming matatalino dun, halo - halo ang mga estado sa buhay ng mga estudyante simula sa mayaman hanggang sa wala talaga at sila nga yung scholars, kahit wala kang pera pero matalino ka makakapasok ka, pwede rin mga working students. Alam ko lahat ng mga ito kasi family ng Papa ko ang founder ng school na yun, mana niya mula sa Lolo niya, kay Lolo Emilio, at yun talaga dahilan kung bakit ayaw kong lumipat dun.
Tinawagan ko si Chesca at sinabi ko sa kanya ang tungkol dito.
"Hindi ka ba nagbibiro dyan Ayrha!", malakas na sabi ni Chesca mula sa kabilang line.
"Ano ba! Sakit sa tenga ng boses mo. Hindi naman ako bingi para sumigaw ka!"
"Kasi naman, bakit kelangan pa na mag transfer ka?", tanong niya ulit.
"Yun ang gusto ni Mama, inayos na niya mga kelangan ko para sa pag transfer, I have no choice, but to follow her."
"Paano ngayon yan?"
"Anong paano pwede pa naman tayo magkita, punta ako dyan o kaya naman ikaw pumunta dito."
"You're right girl, o paano text na lang, Mommy's calling me, bye!"
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...