K A B A N A T A 31

16 2 0
                                    

AYRHA'S POV :

Kanina pa akong hindi mapalagay habang hinihintay ko si Maui. Nagtext ako sa kanya at sa may parking lot ang usapan namin.

"Ayrha!" Tawag niya sakin. "May problema ba? Hinihintay tayo niya Jayla!"

"Basta, alis na tayo dito! Baka makita pa nila tayo!" Sabi ko at nagmamadali ko nang hinila ang kamay niya palabas nang gate.

"Ayrha, ano ba talaga ang problema? Saan ba tayo pupunta?"

"Sa mall may bibilhin lang ako."

"Bakit hindi mo agad sinabi? Di ba may usapan tayo nina Jayla. Pupunta rin kami ni Bryle, sana sakay tayo sa kotse niya at hindi naglalakad."

"Sino bang may sabi na maglalakad tayo!" Pumara ako nang taxi. "Sa mall po!"



AT THE MALL:

"Ano bang bibilhin natin dito sa drugstore?"

Hindi ako sumagot sa halip pinagala ko ang mata ko at hinanap yung bibilhin ko.

"Anong gagawin mo dyan? Don't tell me---! Ayrha, you mean?"

"Hindi ko pa alam kaya nga magtetest ako!" Binayaran ko sa counter yung binili ko nag deretso kami sa CR. Mabuti na lang wala masyadong tao. Pumasok ako sa isang cubicle. Matapos kong basahin ang instruction, simulan ko na. Matapos kong lagyan ng urine nag hintay ako ng ilang minuto tulad nang nakalagay sa instruction.

"What?" Tanong ni Maui nang lumabas ako. Pinakita ko yung hawak ko sa kanya.

"Base sa instruction...POSITIVE!"

Hindi siya naka pagsalita matapos kong sabihin yun. Mabuti na lang kami na lang ang tao. Parehas kaming nakatingin sa salamin, pinagmamasdan ang isat isa. Lumapit sakin si Maui.

"Anong plano mo ngayon?"

"Hindi ko pa alam. Siguro, sa atin muna itong dalawa mapagka katiwalaan naman kita, di ba?"

"Oo naman Ayrha. Pero hanggang kailan mo ililihim yan lalo na kay Nite?"

"Hahanap lang ako ng tiyempo para sabihin kina Mama pero kay Nite, hindi na. Tutal almost one month na lang at gagraduate na tayo." Malungkot na sabi ko.

"What? Hindi mo sasabihin sa kanya? May right siya na malaman ang tungkol dyan!" Pinandilatan niya ako.

"I know! Pero, wala na kami, di ba?"

"Ayrha, alam kong Mahal ka ni Nite. Kita ko yun kung paano ka niya tingnan!"

"Ewan ko, basta sa ngayon yun ang gagawin ko." Sabi ko at tinungo ko ang pinto.

"Wait lang Ayrha!"

Nag direderetso lang ako palabas pero na pahinto ako dahil nakita ko sina Nite naghihintay kasama niya si Bryle. Malamang nakita nila kami at sinundan.

"Ayrha, bakit?" Tanong ni Maui at natigilan din nang makita ang dalawa. "OMG! Anong ginagawa nila dito?"

"Relax ka lang! Just pretend nothing happened, ok?"

"Ok?"

Lumapit kami sa dalawa.

"Anong meron at andito kayo?" Pabirong tanong ni Maui.

"Kayo? Anong meron at andito kayo? Di ba may usapan kayo nina Jayla, sabay sabay?"

Nagka tinginan kami ni Maui. Wala kaming maisip na isagot sa kanila.

"Ano?" Tanong ulit nila.

Dahil sa wala akong maisip na isagot, uminit ang ulo ko.

"Ano naman ngayon kung andito kami!? Hindi ba kaya nina Jayla pumunta ng mall nang hindi kami kasabay?" Pagkatapos nag walkout ako.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon