K A B A N A T A 6

22 4 0
                                    

AYRHA

AFTER school, di tulad ng dati umuuwi agad ako ng bahay. Naisipan ko munang mag palipas ng konting oras dito tutal kasambahay lang naman dadatnan ko doon. Wala pa si Mama at Tita Hannah, kaso mali yata itong desisyon ko.

"Bryle ano ba? Tigilan muna nga ang pagsunod sakin. Pinagtitinginan na tayo!", inis na sabi ko. Patungo ako ng library at hanggang ngayon nakasunod parin ito.

"Hayaan mo sila tumingin magsasawa rin mga yan!"

"Hay ewan ko sayo!", sabi ko na lang. Pumasok na ako sa loob at naupo. Umupo naman siya sa tapat ko. Tumayo ako para kumuha ng aklat at bumalik din naman kaagad sa table.

"Hindi ka ba na boboring dito?", tanong niya sakin.

"Hindi. Pero kung bored ka na pwede ka ng umalis!", mahina ko lang na sabi.

"Kung hindi ka bored, hindi rin ako bored!", tapos nag smile pa siya sakin.

Tinakpan ko ng aklat ang mukha ko at nagbasa na lang ako. Nang matapos ko na yung binabasa ko nag sulat naman ako. Andun parin si Bryle nakatitig lang sakin.

"Hindi ka ba mag aaral?"

"Kanina pa ako nag aaral. Pinag aaralan ko kung paano ako papasa sayo!", sabay ngiti pa.

"Ganun? Kung ganyan asal mo kanina ka pa bagsak!, asar na sabi ko.

"Ikaw naman, sakit mo naman magsalita!"

"Pwede ba Bryle, tigilan mo nga yang ginagawa mo mag seryoso ka nga!", inis na talaga ako sa kanya.

"Sino bang may sabi na hindi ako seryoso sa ginagawa ko."

Napatigil ako sandali sa ginagawa ko dahil sa sinabi niya. Bakit parang may na sesense akong kakaiba sa kanya.

"May sakit ka ba? Ano bang nangyayari sayo? Di ka naman ganyan before ah!"

"Wala naman nag bago sakin. Ito parin ako, yung dati, hindi mo lang talaga napapansin!"

"Ano bang sinasabi mo? Hindi kita maintindihan!" Inayos ko na mga gamit ko. Tumayo at lumabas na ng library. Kasunod ko parin siya.

"Wala ka ba talagang ibang gagawin kundi sumunod sakin?"

"Alam mo Ayrha kung ano problema sa'yo, MANHID MO!"

Natigilan ako sa sinabi niya. Ano ba talaga problema ng lalaking ito. Mag sasalita sana ako pero may tumawag sa phone niya.

"Tara!", sabay hila niya sa braso ko.

"Ha, teka...!"


WALA ako nagawa kundi sumunod sa kanya. Sumakay kami sa kotse niya. Sa may pizza hut dinala ni Bryle ang kotse niya.

"Bryle, hindi ako gutom. Gusto ko ng umuwi!"

"Andito sina Chesca at Liam hinihintay nila tayo!"

"Kahit na! Sinabi ko ba na gusto ko pumunta dito!"

"Bakit ka sumunod sakin kung ayaw mo pala!"

"Grrr...kainis! Hinila mo kaya ako!", inis na sabi ko, bumaba na ako ng kotse niya at direderetso na ako sa loob.

"Ayrha, over here!", tawag ni Chesca.

"Asan si Bryle?", tanong ni Liam ng naka upo na ako.

"Uuwi na daw!", inis na sabi ko.

"Ha, bakit umuwi na!", nagtatakang tanong ni Chesca.

"Sinong umuwi?", tanong ni Bryle kay Chesca.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon