K A B A N A T A 25

15 3 0
                                    

HINDI pa rin mag sink in sa isip ni Ayrha ang sinabi ni Nīte o talagang ayaw lang tanggapin ng utak niya ang totoo. Pero ang puso niya alam na alam nito kung anong ibig sabihin ng mga iyon dahil nagsisimula na itong makaramdam ng sakit.

"Ayrha?"

Hindi pa rin siya kumikibo sa kinauupuan niya simula nang sabihin yun ni Nite. Na manhid yata ang buo niyang katawan pero ramdam na ramdam niya na unti unti ng tumutulo ang mga luha niya.

"Ayrha, please mag salita ka naman."

Pinilit niyang tumayo pero naka tungo pa rin ito. Hindi siya tumitingin kay Nīte.

"Bakit may iba ba?"

Sa wakas nakuha rin niyang mag salita.

"Wala Ayrha. Ayoko lang na masaktan ka pa ng dahil sakin." Mahinahon pero may diing wika ni Nīte.

"Naririnig mo ba ang sarili mo? Ayaw mo akong masaktan? Anong tawag mo sa ginagawa mo sakin ngayon?"

Humarap si Ayrha kay Nīte. Wala siyang pakialam kahit makita siya nitong umiiyak.

"Please wag kang umiyak Ayrha."

"Anong gusto mo magsisigaw at maglulundag ako sa tuwa dahil nakikipag break ka sakin???"

"Ayrha please, wag mo naman pahirapin pa ang sitwasyon."

"Mahirap ba talaga akong mahalin, Nite? Kaya kong maghintay kahit gaano katagal. Tulad ng sabi ko kanina---"

"Paano kung umasa ka lang at masaktan sa huli sa tingin---"

"Narinig mo ang pag uusap namin ni Bryle?"

Natahimik si Nīte at tumungo. Bumuntong hininga bago muli nag salita.

"Hindi na importante yun."

"Baka naman si Miss Kim ang totoong dahilan? Ang babaeng gusto mong pakasalan!"

"Narinig mo?" Tanong ni Nīte. Well, nagbibiro lang ako that time."

"Nag bibiro? Hindi ganun ang narinig ko. Ang sabi mo seryoso ka!"

"Ayrha sa maniwala ka o hindi walang kinalaman dito si Miss Kim. Desisyon ko ito."

"O dahil mayaman ako?" Hindi sumagot ang binata. "Nīte, kung anuman ang naranasan mo sa kamay ng mga mayayaman sana naman wag mo akong itulad sa kanila. Magkakaiba kami at patutunayan ko yan!"

"Yun na nga ayoko kitang madamay sa hinanakit ko sa kanila dahil pag nagka ganun masasaktan ka lang!"

"Nīte, sabihin mo nga sakin, kasali pa rin ba ito sa mga pagsubok? Sinusubukan mo ba ang patience ko?"

"Ayrha, hindi ito pag subok at matagal ko ng hininto yun! I'm sorry pero mag hiwalay na tayo."

Muli niyang narinig ang mga salitang iyon at ganun pa rin. Walang pagbabago ng kahulugan at pakiramdam pa nga niya mas dumoble ang impact nito.

"Tara na. Ihahatid na kita pauwi."

Hinawakan ni Nīte ang braso ni Ayrha at nag simula silang maglakad pero huminto bigla ang dalaga at hinila nito ang braso mula sa binata.

"Wala ka ng karapatan na diktahan ako! You're not my boyfriend anymore!"

Iniwan siya ni Ayrha kahit naririnig nitong tinatawag siya ng binata hindi niya ito pinansin. All she want is to get out of here.

Kina Chesca siya dumeretso. Tulad nang dati kapag may problema siya sa kanya ito pumupunta.

"Anong problema? Bigla ka na lang dumating ng walang pasabi, ah!" Tanong agad dito ni Chesca. Hindi siya sumagot deretso agad ito sa bed at nahiga. "Huhulaan ko pa ba?"

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon