K A B A N A T A 13

23 3 0
                                    


NITE


"HOY Nite, bilisan mo nga dyan sa panliligo at baka mamaya dumating na si Mare! Walang tatao dito sa tindahan!"

"Tao po, tao po!"

"Ayan may tao sa labas! Bilisan mo na dyan!" Hirit pa ni Nanay. Sakto namang lalabas ako sa banyo ng makita kong patungo siya sa pintuan.

"Magandang umaga po. Si Nīte po?"

"Magandang umaga naman. Pasok ka ikaw yung kaklase niya diba?"

"Opo. Ayrha po."

"Pasok ka iha tatawagin ko lang siya."

"Nay, sino pa yon?" Tanong ko ng maka salubong ko si Nay papasok sa loob.

"O, nak bakit di ka pa naka bihis? May bisita ka. Babae at super ganda!"

Kumunot ang noo ko sa tinuran ni Nay kasi parang kinikilig pa ito.

"Sino po? Si Aya?"

"Hindi. Mas maganda pa sa kanya." Saad ni Nay na parang excited. "Ayrha, hija pasok ka na dito!"

"Ayrha? Teka, magbihis lang muna ako."

"Bilisan mo baka dumating na si Mare!" Paalala ni Nay. Ilang minuto lang naman at lumabas narin ako.

"Ay mabuti naman at tapos ka na. Aalis na ako nagtext si Mare at hinihintay na pala ako dun. Nite ang tindahan ha?" Muling paalala niya sakin. "Maiwan na kita Ayrha. Feel at home." Napa iling na lang ako ng makita kong kinindatan pa ni Nay si Ayrha bago umalis.

"Bakit ka nagpunta dito?"

"Bakit bawal ko bang dalawin ang boyfriend ko?"

"Wala naman ako sakit para dalawin mo!" Dumeretso siya sa loob ng tindahan.

"Bakit ang sungit mo? Bakit ganyan kang makipag usap sakin, wala naman akong masamang ginagawa sayo!" Nagcrossed arm siya sabay simangot pa.

Pinisil ko ang matangos niyang ilong. "Bawal nakasimangot dito! Mamalasin yung tindahan namin!"

"Aray! Ang sakit nun ha!" Sabay hawak nya sa ilong nya.

"Ikaw kasi naka simangot ka."

"Pabili nga ng isang boteng toyo!"

Iniwan ko sandali si Ayrha at hinarap ang matandang bumibili.

"Ako na!" Singit niya. "Eto po." Sabay kuha ng bayad.

"Ngayon lang yata kita nakita dito ineng, ka anu - ano ka nila?"

Maagap akong sumagot "Kaibigan ko--- aray!" Bigla niya kasing siniko ang tagiliran ko.

"Girlfriend niya po ako. Ayrha po."
Mabilis niyang sagot sa matanda.

"Swerte mo Nite, ganda niya!"

"Thank you po. Eto po yung sukli nyo!" Sabi niya sabay abot ng sukli bago umalis ang matanda.

"Tss, bakit ganun sinabi mo?"

"Anong masama sa sinabi ko totoo naman yun, diba? Tayo naman diba?"

"Aba ewan ko!" Pang iinis ko sa kanya. Ewan ko ba naka sanayan ko na yatang inisin siya. Sarap niya kasing asarin. Hindi siya kumibo matapos kong sabihin yon. Pumasok ako sa loob at nanood ako ng tv. Maya - maya lang sumunod din siya sa loob.

"Paki tingnan naman baka may bibili magsaing lang ako para sa tanghalian." Pakiusap ko pero hindi niya ako pinansin. Nagtungo na ako sa kusina at iniwan siyang nanonood.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon