AYRHA
KAGABI naka tulugan ko na ang pag iisip kung paano ko matutulungan si Nīte sa problem niya upang hindi siya matulad sa mga naunang biktima nina Bryle. Andito na ako ngayon naglalakad sa path way ng school at hanggang ngayon wala parin ako maisip.
"Siguro, dapat maging close muna kami bago ko magawa yun! Tama!", sabi ko sa sarili ko.
Medyo bumagal ang paglalakad ko ng mapansin kong may pinagkakaguluhan sila.
"Ano kayang meron? Miss ano bang meron dun?", tanong ko sa isang girl na mukang pupunta roon.
"May bagong nagtransfer at ang gwapo daw! Sige ha!"
Jusko akala ko kung ano na may tranferee lang pala. Medyo lumapit narin ako para makita yung itsura nung bagong dating. Nagulat ako ng makita ko kung sino yon.
"What the, anong ginagawa niya dito?", mahina kong sabi, pasimple akong umalis dun at naglakad. Ayokong makita niya ako.
"Ayrha!", malakas na tawag niya.
"Naku naman!", mas binilisan ko yung lakad ko.
"Ayrha wait!", tawag niya ulit at hinawakan niya yung kamay ko. No choice, huminto na ako at hinarap siya.
"B-Bryle, anong ginagawa mo dito?" Pilit na ngiti ang pinakita ko.
"Mag aaral! Nagtransfer ako dito.", casual niyang sagot.
"Dito? B-bakit dito?"
"Bakit masama ba kung dito?"
"Hindi naman!", pilit na ngiting sagot ko sa kanya.
"Ano nga palang section mo?"
"Ikaw, saan kang section?", tanong ko sa kanya. Nag crossed finger ako bago siya sumagot.
"Section 1!", sagot niya sakin. Naka hinga ako ng maluwag.
"Section 5!"
"Ha, bakit dun da---"
Hindi natapos ni Bryle sasabihin niya kasi nag warning na.
"O paano warning na! Alis na ako. Have a nice first day!", pagkasabi ko nun umalis na ako. Saved by the bell.
NAGING ok naman ang klase namin. Hindi narin masyado maingay ang mga classmates ko, naging seatmate ko narin si Maui.
"Hoy kanina ka pa tumitingin, masyado kang mahalata!", biro sakin ni Maui. Wala yung next teacher namin.
"Ha? Ano ba yang sinasabi mo? Wala naman ako tinitingnan!"
"Denial ka pa, kanina pa kita nakikita na nakatingin kay Nīte!"
"Wag ka maingay baka may makarinig!", saway ko sa kanya.
"Oo na. Crush mo siya ano?"
"Hindi kaya!" Binuksan ko yung book ko at kunwari nag babasa ako.
"Alam mo mabait naman yang si Nīte kahit pa may kalokohang taglay kung minsan. Isa pa gwapo naman at matangkad!" Sabay kindat pa ni Maui.
"Ano kaba hindi ko siya crush! Ok?"
"Alam mo ba dati crush din yan ni Amber pero nung niligawan siya ni Nīte binasted, kasi nalaman niya na di pala ito mayaman, ayun!"
"Ganun!" Tumingin ulit ako kay Nīte, parang bigla akong nalungkot dahil sa nangyari sa kanya. Nagulat naman ako ng mapansin ko na nakatingin na pala ito sakin at naka kunot ang noo. Lumaki bigla ang mga mata ko. Napa harap tuloy ako sa unahan ng wala sa oras.
"O bakit ganyan mukha mo namumula?"
"Wala."
Lilingon sana si Maui sa likuran pero pinigilan ko ito.

BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...