"MAHIRAP BA TALAGA AKONG MAHALIN?"
Umaalingaw ngaw pa rin sa utak ni Nīte ang tanong na yun ni Ayrha. Kanina nang tanungin siya nito hindi siya naka sagot. Bumangon muli siya sa kama at na upo. Nag papasalamat siya at hindi pa natutulog ang kanyang Inay kung nagkataon marami itong itatanong sa kanya.
"Haay!" Buntong hininga niya. Habang nag iisip napatingin siya sa isang drawer at may na alala kaya binuksan niya ito. Tumambad sa kanya ang isang NetBook. Pinahiram ito sa kanya ni Ayrha noon para mag review.
"Andito pa pala ito." Binuksan niya ito at nag tingin tingin sa mga files na andun. Napadako siya sa mga pictures at na curious siyang tingnan yun.
"Ang dami niyang pictures dito, ahh!" Sabi niya habang tinitingnan ang mga pictures ni Ayrha. "Oo na maganda ka talaga." Sabi pa niya sa isang solo picture nito. "Kung sana naging simple lang ang buhay mo wala sanang problema."
Muling nag browse si Nīte hanggang sa mapadako siya sa mga pictures nila ni Ayrha sa resort. Napangiti siya nang maalala niya ang araw na yun habang tinitingnan ang mga pictures nila.
***
"Guys, nakita nyo ba si Nīte?" Tanong niya sa barkada.
"Nasa faculty room Ayrha! Pinatawag kanina ni Ms. Kim."
"Salamat puntahan ko lang!" Paalam niya sa mga ito. "Ano naman kayang kalokohan ginawa nun at pinatawag siya!" Wika niya sa sarili habang patungo sa faculty room.
Nakita niya agad si Nīte, nakaupo ito sa harap ng table ni Miss Kim. Pa simple siyang na upo sa kabilang table patalikod sa mga ito ng hindi man lang siya napapansin dahil sa may divider ito.
"Ano bang gusto mong gawin pag graduate mo ng Senior high?" Tanong dito ni Miss Kim. Interview lang pala.
"Hindi ko pa po alam." Casual na sagot ni Nīte.
"Mr. Caballeíro, hindi ko pwedeng ilagay sa year book nyo ang sagot na ganyan! Hindi ka ba papasok ng College? Anong course kukunin mo?"
"Hindi ko po alam kung makakapag Kolehiyo pa ako." Sagot ulit nito.
"Nīte, kung hindi ka pa sure, kung sakali anong course gusto mo?" Halatang pigil ni Miss Kim ang inis nito.
"Kung sakali? Kahit ano na lang Miss ilagay nyo dyan. At saka, diba po may sinulat na ako para dyan."
"Hindi pwede yun!"
"Bakit naman po? Diba sabi nyo kung anong pangarap ko? Yun ang pangarap ko matagal na. Pag graduate ng Senior high ang pakasalan ang adviser ko na si Miss Kim!"
Hindi nakakibo si Ayrha sa narinig niya. Pangarap ni Nīte na pakasalan si Tita Hanz niya.
"Puro ka kalokohan, Nīte!"
"Sino naman may sabi sa inyo na kalokohan lang yun. Seryoso po ako."
Hindi na tinapos ni Ayrha ang paguusap nina Nīte at at Tita niya. Umalis na lang ito.
***
"Mga 'tol nakita nyo ba si Ayrha?" Tanong ng bagong dating na si Nīte.
"Kanina hinahanap ka niya, sabi namin nasa faculty room ka. Hindi ba kayo nagkita? Nag tungo siya dun."
"Hindi."
"Si Ayrha ba hinahanap mo?"
"Oo. Alam mo ba kung asan siya?" Tanong niya sa isang estudyante.
"Nakita kong nag punta siya sa may garden sa likod ng Herbal Medicine Room!"
"Salamat!"
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...