S2 - 03

10 1 0
                                    

Hindi maipinta ang mukha ni Ayrha ng umagang iyon dahil sa kung kelan may pasok siya sa eskwelahan ay saka naman sinumpong ang kotse niya, ayaw nitong mag start.

"Hays!" Hinampas niya nang mahina ang manibela. Nagpapakita na suko na siya. Binuksan ang pinto at tsaka lumabas ng kotse.

"Ayaw  parin ba mag start?"

"Opo 'ya. Na itawag nyo po ba ako ng taxi?"

"Oo kanina pa,  o eto na pala!" Turo ng yaya niya sa parating na taxi.

"Ya paki tawagan na lang po yung mekaniko para ayusin yung kotse." Habilin niya bago sumakay sa taxi.
"Oo ako ng bahala. Ingat ha?"

Ngumiti at kumaway pa si Ayrha bago nito isinara ang pinto ng taxi. Agad naman niyang sinabi sa driver kung saan ang tungo nila.

"Hello Ma" Masayang bati ni Ayrha sa kabilang linya. Naisipan niyang tawagan ang magulang niya na nasa bakasyon. "Kumusta po kayo d'yan? Si Ikee po? Anong oras po ba ang uwi nyo ngayon?"

"Ok naman kami dito. Natutulog pa ang anak mo. Nag aayos lang kami ng mga gamit at uuwi na rin. Ikaw kumusta ka?  Nasa school ka na ba?"

"I'm on my way pa lang po Ma, sige po see you later na lang po. Ingat po kayo."

Halatang miss na miss na niya ang anak na isang linggo ng hindi niya nakikita.

"Eto po." Abot ni Ayrha ng bayad bago siya bumaba.

Derederetso siyang naglakad patungo sa department building nila. Hindi niya nakaugalian na dumadaan sa kung saan saan kahit hindi pa naman oras ng klase nila. Mas gusto niyang tumambay sa classroom at magbasa habang hinihintay ang professor nila.

"Hi bestfriend!"

Napahinto sa paglalakad si Ayrha ng biglang may umakbay sa kanya. Nang tumingala siya at matanto kung sino ito ay agad niyang siniko ang tagiliran nito.

"Awts!"

"Pwede ba Jin ang aga aga! At hindi kita bestfriend!" Masungit na sabi niya.

"Hey, remember yung deal?  Hindi ka pwede mag sungit sakin or else public apology---

"Oo na oo!" Wika niya at nagpatuloy sa paglalakad. One week na ang lumipas after ng deal nila. "Hindi ko nakakalimutan. Bakit naman may pabestfriend bestfriend ka pa, anong meron dyan?"

"Hmm, wala naman gusto ko lang iupgrade---

Napahinto sa pagsasalita si Jin nang humarap si Ayrha na salubong ang mga kilay.

"Anong upgrade ang sinasabi mo dyan? Ano yan system, software o application na pwede mong iupgrade may sayad ka yata!"

"Bakit pwede naman di ba? Dati friends lang ngayon best of friends na."

"Oo pwede, pero di yun basta basta."

"Hays, basta bestfriend na tayo yun na yun!" Pangungulit parin nito. "Kung ayaw mo madali naman akong kausap public---

"Public apology na naman? Yan lang naman panakot mo! "

Hindi sumagot si Jin sa halip kinuha ang celphone niya at parang may tatawagan.

"Anong ginagawa mo?"

"Tatawag ako sa guidance para ipaayos ang auditorium para sa public apology mo." Saglit siyang huminto at hinarap ang phone niya. "Yes Ma'am, good morning. I just want to---

Inagaw ni Ayrha ang phone at agad in-off saka inihagis pabalik kay Jin.

"Oo na pumapayag na ako. Bwisit!" At iniwan nito ang binata. Agad naman itong humabol sa itinuturing na bagong bestfriend.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon