K A B A N A T A 22

10 2 0
                                    

NATAPOS ang buong week intramurals sa DEHS, champion si Ayrha sa badminton sa senior division, second naman sila sa volleyball. Sa basketball naman may game pa sila. Kapag nanalo ay sila ang lalaban sa championship. Blue team, ang section two ang kalaban nila mamaya.

"Last game ng section natin mamaya bago ang championship , lalaro ka ba?"

Nasa cafeteria kami ngayon. Lunch break.

"May pasok ako sa café!" Sagot ni Nīte kay Mico bago niya ininom ang hawak niyang soda in can.

"Dude, naman o! Hindi ka lalaro? We need you, bro!" -Ian

"Oo nga, malay mo tayo ang pumasok sa championship?" -Alex

"May work nga ako. Kung pwede nga lang ba!"

"Kelan ba day off mo?" Tanong ni Ayrha. Sa tingin niya mukhang need siya ng team talaga.

"Bukas pa!"

"Ok ako ng bahala, ipagpapaalam kita muffin sa Manager---"

"Ako na! Ako ng bahalang tumawag mamaya."

"Ganun naman pala, ok!" -Mico

BUMALIK na muli sila sa classroom para sa afternoon class. Pero dumaan muna si Ayrha ng CR para sa isang immediate call.

"Ano dude, lalaro ka?" Tanong ni Mico habang patungo sila sa locker room.

"Tawag lang ako sandali!" Sagot naman ni Nīte.

"Sige sa gym na lang namin kayo hintayin. Kita kits na lang later!" Paalam ni Ayrha kina Nīte at niyaya na nito sina Maui, Jayla at Kaye.

AT DEHS GYMNASIUM:

"Ayrha, dito!" Tawag ng iba pa nilang classmates na nauna na sa gym.

"Mabuti na lang nag reserved kayo ng mga seats para samin." Sweet na sabi ni Jayla.

"Ayrha, sure ba na lalaro si Nīte ngayon?" Tanong ng mga classmates nila.

"Lalaro yun wag kayong mag alala!"

Pumasok na ang ibang players ng blue team, kasunod ang black team pero wala si Nīte.

"Akala ko ba lalaro si Nīte, Ayrha?"

"Yun din ang alam ko." Labis ang kanyang pagtataka kung bakit walang Nīte na lumabas.

Habang iniisip niya kung anong nangyari nakita niyang palapit si Mico sa bench na inuupuan nila.

"Ayrha, ano kasi...kung pwede ka daw muna makausap ni Nīte?"

"Ayun naman pala hihingi lang ng good luck kiss and hug!" Tukso ni Jayla dito. Namula tuloy siya habang bumababa sa may bench.

Nakita agad niya si Nīte naka sandal ito sa may gilid ng gym. Naka suot na ito ng short at naka tshirt ng black. Tumingin naman ito kay Ayrha habang palapit. Bigla siyang kinabahan dahil galit ang tingin ng nobyo sa kanya.

"Gusto mo raw akong maka usap? Tungkol ba saan? Malapit ng mag simula ang game nyo."

"BAKIT MO GINAWA YUN!"

Bahagya siyang napa atras dahil sa tono ng boses ni Nīte.

"Ano bang ginawa ko?"

"Ginawa mo hindi mo alam? Sa susunod, hindi dahil mayaman ka gagamitin mo na yang connection mo! Ang ayoko sa lahat, PINANGUNGUNAHAN AKO!" Umalis kaagad ito at naiwang naka tulala si Ayrha dahil sa mga sinabi nito.

Sa tingin niya dahil iyon sa pag tawag niya para ipag paalam na hindi ito makakapasok ngayon. Pero hindi lubos maisip ni Ayrha ay kung dapat pa ba siyang sigawan at idamay na naman ang estado niya sa buhay. Nasaktan siya sa mga sinabi nito kaya naman hindi niya napigilan ang mapa luha. Hindi na siya bumalik ng gym at pinasyang umuwi na lang.

TEMPORARY LIESTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon