AYRHA
HINDI maganda ang mood ko kinabukasan. Kahit sinong makasalubong ko wala akong pakialam. Basta wag lang sila haharang sa daraanan ko.
Nakita ko si Nīte nasa may labas siya ng pintuan ng classroom namin kausap niya sina Mico at Alex, nagbibiruan sila kasi dinig ko ang tawa nila. Deretso lang ako sa paglakad ko.
"Talaga may work ka na pare? Treat mo kami pagsweldo ha?", biro ni Alex dito, at pabirong sinuntok nito si Nīte sa may tiyan.
"Trainee palang ako!"
"Yun narin yun pare, basta libre ha?", loko din ni Mico dito.
"Isa ka pa!", na ngingiting sabi ni Nīte.
"O si Ayrha na pala ito! Good morning Ayrha!", bati ni Alex sakin. Tumingin lang ako sa kanya.
"Kanina ka pa hinihintay ni Nite. Maaga yang pumasok!", sabi naman ni Mico.
Ngumiti sakin si Nīte pero inirapan ko lang siya at dumeretso na ako sa may pinto. Hinawakan niya ang kamay ko.
"May problema ba Ayrha?", tiningnan niya ako sa mata. Tiningnan ko siya ng matalim at hinila ko ang kamay ko sa kanya. Dumeretso na ako sa loob.
"Mukang may LQ ah!"
Hindi ko siya pinansin hanggang sa magsimula ang klase namin.
"Ayrha anong LQ yan ha?", pabirong tanong ni Maui sakin, nasa cafeteria na kami.
"Wala! Nainis lang ako sa kanya kagabi. Basta ayoko siyang kausap."
"Dito na tayo maupo kina Ayrha!", sabi ni Alex kina Mico at Nīte. Naupo naman mga ito at sa mismong tapat ko pa naupo si Nīte. Sumimangot lang ako.
"Baka tumanda ka agad niyan!"
Alam kong ako ang sinasabihan ni Nite. Tiningnan ko siya nang masama.
"Bakit ka ba dito naupo?", asar na tanong ko sa kanya.
"Bawal ba? Wala namang sign dito ah!", pang aasar niya sakin.
"Grrr! Lumipat ka nga dun sa kabila!", pagtataboy ko sa kanya.
"Bakit ba? Ano bang problema mo?", sabi niya. Yung tatlo nakikinig at nakikiramdam lang saming dalawa.
"Baka kasi dahil magkasama tayo dito, e sabihan mo pa ako na ginuguwardyahan kita!", inis na sabi ko sa kanya. Tumitig siya sakin tapos tumawa nang nakakaloko.
"Yun ba dahilan kaya ka ganyan? Haha!", tumawa ulit siya. Dahil dun nainis ako lalo sa kanya at nag walkout ako.
"Saan ka pupunta? Ayrha sandali lang!", hinabol niya ako pero deretso lang ako sa paglakad kaya inakbayan niya ako.
"Ano ba alisin mo nga yan! Baka masabihan tayo ng PDA!", pilit kong inaalis ang braso niya pero mas hinigpitan pa niya ang hawak niya sa balikat ko.
"Ayoko nga! Aalisin ko lang ito kung ok na tayo.", tanong niya sakin.
"Ewan ko sayo! Wag ka nga dumikit sakin baka sabihin mo pa gwardiyado kita!", inis na sabi ko.
"Hahaha! Yun pala ikinaiinis mo kaya ganyan ka!", pinahinto niya ako sa paglalakad nasa may harap ko siya at naka hawak sa magkabila kong balikat. "Trust me, ok?"
Seryoso ang mga mata niya. Nag buntong hininga ako at tumango ako sa kanya at ngumiti.
"Ok na tayo?" Ulit niya.
"Oo sabi! By the way, hindi ako sasabay sayo mamayang uwian!", sabi ko sa kanya habang naglalakad kami patungo sa classroom namin.
"Akala ko ba ok na tayo?", nagtatakang tanong niya sakin.
![](https://img.wattpad.com/cover/86996161-288-k994458.jpg)
BINABASA MO ANG
TEMPORARY LIES
RomanceAyrha and Nīte are totally opposite. Laging magka salungat ng mga opinion. Kahit "in relationship" madalas nagsusungitan at away bati. Hanggang sa dumating ang isang trahedyang bumago sa buhay nila. And they became totally strangers. *Season 2 of B...